HOPEDEEPLY
“Who's upsetting you?” Dean asked when he parked his car at the front of Valenciaga's gate.
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kalsada. Alam ko kanina pa niya napapansin ang ekspresyon ko, kaya pasulyap sulyap siya sa akin habang nagdadrive. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon. At hindi rin maialis sa isipan ko ang sinabi ni Erin kanina.
Hindi ko matanggap na isusuko ni Dean ang isang bagay na matagal niya ng pinapangarap. Hindi ko matanggap na gagawin niya iyon… para lang sa akin…
Bumuntonghininga ulit ako. Naramdaman kong nakatitig na siya sa akin ngayon. Pilit na binabasa ang na sa aking isipan. Yumuko ako at napatingin sa aking mga daliri na dinugtong ko.
Gusto kong itigil na 'to, gusto kong itigil niya na ang panliligaw sa akin. Ngunit, naguguluhan naman ako. Nagtatalo ang puso't isipan ko ngayon.
“Marga, what's your problem?” he asked in a worrying tone of voice.
I looked at him. “Ba't hindi mo tinanggap yung offer sa Macau? Sayang 'yon…” I asked him straight to the point.
Nakita kong natigilan siya saglit sa tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa akin at yumuko. Parang ayaw niyang pag-usapan iyon.
“Ngayon ba natin iyon pag-usapan?”
“Oo, para matapos na,” sagot ko agad.
“Marga—”
“Dean! Hindi ko kasi matanggap na hindi mo tinanggap ang trabahong iyon ng dahil sa akin!” napu-frustrate kong sabi sa kanya.
“No! Hindi ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko tinanggap iyon...” He tried to explain, but I didn't want to listen to it.
I stopped him. I immediately covered my ears and shook my head out of frustration. I didn't want to hear it. I couldn't listen to his explanations because I had already made up my mind. Nakapag-desisyon na ako, e! At ayaw ko na rin umasa… at ayaw ko rin paasahin pa siya!
“Dean… please… give up…” I said, almost whispered.
Labag sa loob ko nang sinabi ko iyon. Tumingin ako sa mga mata niya. Nakatitig lang siya sa akin habang wala akong nakikitang reaksyon sa mukha niya. Hindi ko rin mabasa kung ano ang nasa isip niya ngayon.
He sighed. “Okay, you can go now and get inside the house. Take a rest and sleep well first,” he subtly said.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi 'yan ang inaasahan kong sagot mula sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Kaya napaatras ako sa aking kinauupuan at napasandal sa pintuan ng sasakyan niya. Nataranta ako at namilog ang mga mata dahil sa biglaang paglapit niya sa akin.
“Dean, what are you doing?” nataranta kong tanong sa kanya.
“Don't move. I'll open the door, Marga,” he said.
Hindi ako nakinig sa kanya. Tinulak ko siya para lumayo sa akin.
“Dean, ang sabi ko itigil mo na 'to!” singhal ko sa kanya.
Lumapit ulit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Nagpumiglas ako pero sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya ay hindi ako makawala.
“At bakit naman ako titigil?” tanong niya, na nang-aasar pa.
Hindi ko siya sinagot dahil patuloy pa rin ako sa papupumiglas. Nakatitig lang siya sa akin habang parang bakal naman ang mga kamay niyang nakahawak sa akin kaya hindi ko ito matanggal tanggal. Hanggang sa napagod na ako at nawalan ng lakas kaya sumuko na ako.
BINABASA MO ANG
Years of Wait
RomanceCOMPLETE | unedited Maria Gandrielle (Marga) Roja, was a rough, tough and stubborn woman. She would do whatever she wants, even if her parents would get mad. At her very young age. She, in love with a man named, Tristan Deanielle Vercher. Matagal n...