HOPEDEEPLY
I thought that everything would be fine... that I had nothing to let go of again. But, what am I going to do? If someone is going to leave now, should I accept it? And let them go?
Ngunit, nang makita ko ang dalawang tao sa sala namin na kausap si Yaya Mina. At nakita ko kung paano niyakap ng mahigpit ni Yaya Mina ang isang babae, gano'n din ang isang lalaki na hinalikan niya sa noo. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila ng tatlo dahil sa nakita ko ngayon.
Nahagip naman ng mga mata ko ang dalawang maleta nasa kanilang tabi kaya nagmamadali akong bumaba ng hagdan.
"Sa wakas, Nay. Makakasama ka na namin sa pag-uwi," malumanay na sabi ng babae.
These past few days, I've been confined to my room. So I don't even know what's going on here out there. Ngayon ko lang naisipan lumabas ng kwarto dahil kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Hindi kasi ako pinadalhan ni Yaya Mina ng pagkain kaya lumabas na lamang ako. Ang akala ko marami siyang ginagawa kaya hindi niya na ako pinadalhan ng pagkain. Ngunit pagkababa ko palang ng hagdanan ay nakita ko agad ang mga anak niya na kausap siya.
"Oo nga mga anak. Magiging kumpleto na rin tayo."
Tumakbo na ako pababa ng hagdan para maabutan sila, nang mapagtanto ko ang nangyayari ngayon. Narinig kong tinawag ako ni Daddy ngunit hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagbaba at sinundan na sina Yaya Mina palabas ng bahay.
"Yaya Mina!" sigaw ko at lumingon naman siya sa akin.
Binigay niya muna sa mga anak niya ang mga maleta. Tinanguan niya ang mga ito.
"Lalabas din agad ako," sabi niya sa mga anak niya kaya tumango naman ito bago lumabas ng bahay.
Humarap siya sa 'kin saka ngumiti. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya, kagat-kagat ang pang-ibabang labi habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.
"Yaya..." my voice almost broke. "Saan ka pupunta?" pagtatanong ko kahit may ideya na ako.
I swallowed hard. Suminghap naman si Yaya Mina habang inaabot ang pisngi ko na may mga luha na. Marahan niya itong pinunasan saka hinawakan ang aking kamay at pinisil ito.
"Gusto ko sanang magpaalam sa 'yo kaya lang... alam ko kasi ganito ang mangyayari," Sabay ngiti sa akin. "Mag-aabroad na kayo, hindi ba? Isasama ka na ng mommy at daddy mo, kaya uuwi na lang ako dahil... wala naman na akong aalagaan dito."
Mabilis ang pag-iling ko sa kanyang sinabi. Habang maririin ang pagkagat ko sa aking pang-ibabang labi para pigilan ang pagtangis nito. Suminghot ako nang patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha mula sa mata.
"Pero Ya, kailangan pa k-kita..." pumiyok na ako.
Patuloy pa rin sa pagpunas ng mga luha ko si Yaya, kahit punong puno rin ng luha ang kanyang pisngi. Mas inuna niya pang punasan ako kaysa ang sarili niya. Kaya inabot ko ang kanyang pisngi at sinubukan alisin ang mga luha niya. Umiling siya sa sinabi ko kaya napatigil ang pagpunas ko sa mga luha niya.
"Hindi pwede, 'nak. Kailangan na ako ng pamilya ko," sabi niya.
I suffocated and then averted my eyes from her because of what she said. I closed my eyes because the aching in my chest had become unbearable. My tears continue to fall as my sobs get louder and louder because of her embrace.
"Kahit one month... o isang linggo lang, h-hindi po ba iyon pwede, Ya?" I begged as I hugged her tightly.
Alam kong aalis din siya balang araw... alam kong iiwan niya ako pagdating ng panahon pero, hindi ko inaasahan na kung kailan mas kailangan ko siya... na siya na lang ang nag-iisang kakampi ko ay ngayon niya pa ako iiwan.
BINABASA MO ANG
Years of Wait
RomanceCOMPLETE | unedited Maria Gandrielle (Marga) Roja, was a rough, tough and stubborn woman. She would do whatever she wants, even if her parents would get mad. At her very young age. She, in love with a man named, Tristan Deanielle Vercher. Matagal n...