HOPEDEEPLY
Kapapasok ko lang sa dining area nang makita ko si Mommy na patayo na sa kanyang kinauupuan.
Kunot-noo akong napatingin sa kanyang platong walang laman. Aalis na siya agad na hindi pa kumakain? Nang makalapit ako sa kanya ay hinalikan ko agad siya sa pisngi.
“Mom, what are you doing? Hindi pa kayo kumakain, a?” tanong ko sa kanya.
Kinuha niya ang bag sa may upuan. “Sorry Nak, may emergency ngayon sa hospital kaya do'n na rin ako magbe-breakfast.”
“But—”
“Sige na, kumain kana diyan baka ma-late ka pa, okay!” at nagmamadaling umalis na ng bahay.
I heaved sigh. Mag-isa na naman akong kakain nito. Lagi naman, e. I'm used to it. Parehong busy sila Mommy at Daddy sa trabaho nila kaya wala na silang oras para sa'kin.
Isang doktora si Mommy kaya 24/7 siya nasa hospital, habang si Daddy ay isang engineer. Nasa France si Daddy ngayon dahil may malaking proyekto s'yang ginagawa roon, at wala pang kasiguraduhan kung kailan pa ang uwi nito.
Umupo ako sa upuan at agad na naglagay ng kanin at ulam sa aking plato. Sumubo ako ng isang kutsara at agad na napangiwi nang nilibot ko ang aking mata sa paligid at sa mga pagkain nasa harapan ko ngayon.
Masarap naman ang pagkain. Napangiwi lang ako sa narealize ko ngayon. Sana hindi na lang nagluto si Yaya Mina na ganitong kadami kung ako lang naman ang kakain nito. Lagi na lang kasi ganito, baka masayang lang ang mga pagkain.
“Oh bakit malungkot ang paborito kong alaga?” tanong ni yaya Mina nang makita akong mag-isang kumakain dito.
Katatapos lang siguro niya maglinis ng kusina.
“Umalis na po si Mommy, Ya.” I sadly said, kaya napatigil at tumingin siya sa labas ng bahay. “Saka Ya, ako lang naman ang alaga mo, a.” I sighed.
Tumawa siya na parang ngayon lang naalala na ako lang pala ang alaga niya. Hindi pa naman siya masyadong tumatanda, nasa fourty years old pa lamang ang kanyang edad.
Palabiro lang talaga siya, kaya kapag nakita niya na malungkot ako ay pilit niya akong pinapasaya sa kanyang mga biro, kahit hindi naman ito nakakatawa dahil ito ay karaniwang na sinasabi ng iba o paulit-ulit na niya itong sinasabi sa'kin.
“Oo nga pala, ikaw lang pala ang pinakamaganda at pinakamabait kong alaga.” sabi niya na parang nagtutula sa entablado dahil tinaas-taas pa ang kanyang mga kamay.
I smiled a bit. Si Yaya Mina lang talaga ang nagbubura ng lungkot at problema ko.
She said, since I was only three months old, she has been taking care of me, because Mommy wants to go back to work at the hospital. Hindi raw kaya ni Mommy ang tumunganga lang dito sa bahay, kung kaya't naghanap na siya ng Yaya para mag-aalaga sa 'kin.
Kaya nga madalas sinasabi ng ibang tao noon, na anak lang daw ako ng isang Yaya.
“Uy, nakita ko 'yon… ngumiti ka,” sabi niya habang tinuturo ako.
Lumaki ang ngiti ko dahil sa pangungulit niya. Buti pa si Yaya Mina nagawa pa akong pasayahin. E 'yong totoong magulang ko. Ewan ko lang. Hindi na rin naman akong naghahanap ng oras at panahon sa kanila, dahil naiintindihan ko naman na sobrang busy nila sa trabaho. At hindi ko nga alam kung naalala pa ba nila na may anak sila.
Yaya Mina joined with me for breakfast so that I wouldn't be sad anymore. Lagi naman talaga ganito. Si Yaya Mina ang taga-salo sa lungkot ko. After I ate I said goodbye to Yaya Mina to go to school.
BINABASA MO ANG
Years of Wait
RomanceCOMPLETE | unedited Maria Gandrielle (Marga) Roja, was a rough, tough and stubborn woman. She would do whatever she wants, even if her parents would get mad. At her very young age. She, in love with a man named, Tristan Deanielle Vercher. Matagal n...