CHAPTER 2

75 9 6
                                    

HOPEDEEPLY



Halos mangiyak-ngiyak ako sa mga libro na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam paano niya nalaman ang mga nakuha kong scores sa quizzes kanina. Hindi naman siya nagpunta sa room ko kanina, a!

Hiyang-hiya ako, alam niya talagang zero ako sa math kanina.

Nasa harap ko si Dean habang pumipili ng libro na uunahin niyang ituro sa'kin. Math at science, parehong hindi mabait sa'kin.

Naiistress lang ako sa tuwing may nakikita akong maraming numbers, with negative and positive sign pa.

Problem solving is much better for me, pero kung dadagdag ng ‘square root, finding x and y, binomial at may equation-equation pa. Parang umikot na ang mundo ko no'n at gusto ko na lang mawalan ng malay. Kung hindi lang si Dean ang nagtuturo sa akin ngayon, hindi ko ito pagtitiisan.

Hinding-hindi ko pipilitin ang sarili ko na magustuhan ako ng subjects na 'yan. Kahit ako naman talaga ang may problema.

“Oh, baka gusto n'yong magmeryenda muna,” nakangiting sabi ni tita Karen sa akin, ang nanay ni Dean.

Nandito kami sa tapat ng bahay nila, sa likod ng kanilang karenderya. Pagpunta mo rito sa kanila ay ang una mong makikita ang karenderya nila, kasi sa likod ng karenderya ang bahay nila. Hindi naman masyadong dikit ang bahay at ang karenderya nila, dahil may malaking puwang naman para sa hardin nila.

Nilagay ni Tita ang tray na may lamang apat na turon na saging at dalawang tasang tsokolate sa aming lamesa. Tuwing uwian o walang pasok sa eskwela, dito ako namalagi. Maliban sa gusto kong makita si Dean, ay masarap pa magluto ng meryenda si tita Karen, kaya parang gusto-gusto kona tumira dito habang buhay.

“Mamaya na 'yan, Ma. Tuturuan kopa si Marga, e,” marahan na sabi ni Dean habang nagbubuklat ng libro, nakakunot ang kanyang kilay.

Napanguso ako sa pagsusuplado niya. Bumuntong-hininga si Tita bago binalingan ang anak.

“Mas maganda mag-aral 'pag may laman ang tiyan, anak,” sabi ni Tita.

Mabilis akong tumango sa sinabi ni tita Karen. I saw Dean frowning as he read the book before glancing at me.

Ngumuso pa lalo ako habang nakatingin sa turon na mainit-init pa, nakakatakam pa ang bango ng tsokolate. Tiningnan ko uli si Dean, nakita kong umiling ito. Niligpit niya ang mga libro. Ngumiti ako nang makita ko siyang tumayo.

“Sige, magmeryenda ka muna d'yan, gagawa muna ako problem solving para pagkatapos mo mag-uumpisa na tayo,” he said before leaving.

Unting-unti nawala ang ngiti ko. Ang akala ko ililigpit na niya ang mga libro para sabayan ako rito magmeryenda, hindi pala. Lumipat lang siya sa kabilang lamesa at doon binuklat uli ang mga libro. Simangot ako nang binalingan si Tita. Then, she only gave me a half smile, as she put down a cup of chocolate in front of me.

Sumenyas si Tita sa akin na kumain na lang daw ako para hindi na magalit si Dean. Kaya naman nung bumalik na si tita Karen sa karenderya nila ay nagsimula na akong kumain. Hindi gaano kalaki ang karenderya nila, sakto lang. Kasya ang traynta ka-tao sa loob nito. 

Matagal na nagluluto si tita Karen dito, kaya maraming taong dumadagsa sa kanilang karenderya. Maliban sa kilala na siya ng mga taga rito, dahil minsan na rin siya nanalo sa cooking contest tuwing fiesta. Kaya marami ding kostumer ang pabalik-balik sa kanilang karenderya para kumain. Naging taga luto rin si tita Karen tuwing ng kaarawan ng Congressman dito.

Si tita Karen lang tumayong ama't ina kay Dean, dahil sanggol pa lang si Dean ay iniwan na ito ng ama. Kaya simula nung nagkamulat siya'y si Tita na ang tumataguyod sa kanya. Mula sa kanyang unang hakbang sa paglalakad hanggang sa nakapag-aral na siya. Hindi na niya ulit naisip tanungin o hanapin sa kanyang ina kung saan ang ama niya.

Years of WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon