CHAPTER 13

50 7 3
                                    

HOPEDEEPLY




Katatapos lang ng practice namin kaya nandito ako sa locker room ngayon, nagbibihis. Nauna ng umuwi si Sheena dahil may gagawin pa raw siyang importanteng bagay, kaya nung natapos ang practice ay nagpaalam agad siya sa 'kin na mauna na sa pag-uwi.

Ewan ko ba, parang may kakaiba sa kanya ngayon. Parang may problema siyang hindi masabi-sabi sa 'kin. Kanina lang, habang nagpapraktis kami ay may pinag-aawayan sila ni Rafael.

Nagtatalo sa isang bagay hindi naman nila masabi-sabi sa amin dalawa ni Lester. Kaya pati kami ni Lester ay namomroblema rin sa kanila. Habang nagpapraktis kami ay palagi silang napapagalitan ng guro at choreographer namin dahil hindi na maayos ang kanilang pagsasayaw, at palagi rin sila nahuli na nagtatalo.

Kaya sa sobrang inis ng choreographer at ng schoolmates namin dahil sa paulit-ulit na pagkakamali ng dalawa ay pinaalis sila Sheena sa ground area at pinapunta sa adviser office para kausapin ng maayos.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay tinanong namin sila kung ano ba ang problema nilang dalawa. Ayaw naman nilang sabihin kaya hindi na namin sila pinilit pa.

Kinuha ko ang mga libro sa aking locker para dalhin sa bahay. At nasisiguro ko rin na may lesson uli ako sa bahay nila Dean. Pati notebooks at PE t-shirt ko ay isinilid ko na sa aking bag para dalhin din sa bahay.

“Marga, mauna na kami sa 'yo, ha!” Nilingon ko ang aking mga kaklase na palabas na sa may pintuan ng locker room ngayon. Tinanguan ko naman sila bago lumabas ng pintuan.

Tinuloy ko ang aking pagsisilid ng gamit sa bag para makalabas na rin dito. Natigil lang nang mapansin kong may pumasok sa locker room. Ang akala ko isa ito sa mga kaklase ko ngunit hindi pala.

Suot ang PE uniform habang naka-pony tail ang kanyang buhok. Habang ang kanyang bangs ay naka-sideways. Pumasok siya dito sa loob. Ngumiti siya sa 'kin.

“Hello, Marga.” si Erin. “Uuwi kana ba?” tanong niya habang naglakad papunta sa 'kin.

Kumunot ang noo ko, nagtataka sa pagpunta niya rito. Nakita ko kung paano niya nilibot ang kanyang mga mata sa buong locker room. Tinitingnan kung may tao ba sa loob. 

Mariin ko lang siya tinititigan habang sinusuri niya ang paligid. Ano'ng ginagawa niya rito? Tapos na ba sila sa ginagawa nila sa Auditorium. Nagsiuwian na ba sila?

“Oo,” sagot ko tsaka pinagpatuloy ang aking ginagawa.

“Sabay ba kayo ni Dean?” tanong niya, nahimigan ko ang pait sa kanyang boses ng sinabi niya iyon.

Natigilan ako saglit bago tumango sa kanyang tanong. Pinanood niya ako habang nagliligpit ng mga gamit. At nang matapos ako ay binuhat ko ang lahat ng mga libro at nilagay ang sling bag sa aking balikat. 

“You know what. Dean likes me. He confessed.” Nahimigan kong mapanuyang tono sa kanyang boses.

Kumunot ang noo ko habang tiningnan siya. She smiled at me, but I think is not genuine. 'Yan lang ba ang pinunta niya rito, ang sabihin sa 'kin na may gusto rin si Dean sa kanya. E, kung sasabihin ko rin kaya sa kanya na alam ko na ang sinasabi niya ngayon, at wala rin akong pakialam. Ngunit, hindi ko gagawin 'yun, dahil baka isumbong niya pa ako kay Dean. 

I swallowed the bulb on my throat as I shifted my weight in front of her.

“Good to know...” I trailed off, bitterness crept within me.

Ngumiti rin ako sa kanya, ngunit alam kong peke rin iyon.

“I'm happy for you, Ate,” dagdag ko pa, na may diin sa huling salita.

Years of WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon