CHAPTER 44

38 5 0
                                    

HOPEDEEPLY





Look how selfish I am? May balak pa akong umalis ulit, at takasan ang problema na mula pa sa nakaraan. E, hindi lang naman ako ang nasaktan noon… hindi lang ako ang nagsisi sa nangyari. Pa'no ko mareresolba ang problema kung lagi ko itong tinatakbuhan?

Tama si Mommy at Daddy, ang masamang nangyari sa nakaraan dapat ibaon na sa limot. Kung ano 'yung aral na natutunan mo sa nangyari, 'yun ang dapat hindi mo kalimutan at laging tatandaan.

Nagsisisi man tayo sa huli… pero dapat malaya pa rin tayo. Huwag natin hahayaan ikulong ang mga sarili natin sa nakaraan. Huwag natin hahayaan na kakainin tayo ng konsensiya natin… habangbuhay.

Life is short. You cannot move forward when you're stocked in the past.

“Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Jordan.

Tumango na lamang ako sa tanong niya kahit hindi naman talaga ako okay. Nasa sasakyan kami at papunta na sa simbahan para sa kasal nina Kuya Lucas at Ate Dollie. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang katabi ko si Jordan sa pag-upo rito sa back seat. Kanina pa akong walang imik at napapansin na yata ni Jordan iyon.

Inaalala ko pa rin kasi ang nangyari nung nakaraang gabi. At hanggang ngayon ay parang pinipiga pa rin ang puso ko sa sakit.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. E, ito naman 'yong gusto kong mangyari, 'di ba? Oo, gusto kong tanggapin niya ang trabaho sa Macau. Gusto kong maabot niya ang kanyang pangarap. Kaya gusto kong tumigil na siya sa panliligaw niya sa akin. Gusto ko unahin niya muna ang sarili niya.

Ngunit, kahit 'yon ang gusto ko, masakit pa rin.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng simbahan. Nakita kong marami nang nagdadatingan na bisita. Nauna nang lumabas si Jordan sa kabilang pintuan. Umikot siya sa sasakyan upang pagbuksan ako ng pinto. Pagkabukas niya palang ng pinto ay natigilan agad ako sa aking nakita.

Nakita kong sabay na lumabas sa kotse sina Erin at Dean. Pagkatapos ay sabay rin sila umakyat ng hagdan habang nakakapit ang kamay ni Erin sa braso ni Dean.

“Marga, are you sure, you're okay?” tanong sa akin ni Jordan kaya napatingin naman ako sa kanya agad.

“Y-Yes.” I hesitated to nod at him when I answered his question.

Huminga ako nang malalim at pumikit nang maririin, saka bumaba ng sasakyan. Inaayos ko muna ang suot kong dress dahil baka may nagusot ito habang nakaupo sa sasakyan. And then I clung my hand to Jordan's arm, who was patiently waiting for me. Papasok na kami sa loob ng simbahan.

Sumalubong agad sa amin ang mga bisitang nag-aayos na sa kanilang pwesto. Nilapitan naman kami ni Kuya Lucas na bakas naman sa kanyang mukha ang pag-aalala at nerbiyos.

“Si Dollie?” tanong niya agad sa akin.

“Kuya, don't worry! Nasa labas na si Ate Dollie. Kaya bumalik ka na sa pwesto mo at maghintay.“ Sabi ko habang tumatawa ng mahina.

Sino'ng hindi matatawa? E, sa itsura palang ni Kuya Lucas ay parang tatakbuhan siya ni Ate Dollie. Napatingin naman ako sa kanyang likod at nakitang papalapit na sa amin si Tita Zandie.

“Lucas, nar'yan na si Dollie. Maghintay ka na doon sa altar. Magsisimula na tayo,” sabi ni Tita Zandie sa kanyang anak saka ngumiti sa akin bilang pagbati. Ngumiti rin ako sa kanya at tumango.

Pumuwesto agad kami ni Jordan sa aming pwesto. The first walk begins with bridesmaids and groomsmen walking down the aisle, at dahil isa kami doon ni Jordan. Naglakad na rin kami. Sumunod naman sa amin ang maid of honor at ang best man, tapos naglakad na rin ang ring bearer, at ang flower girl na anak ni Trisha. Pagkatapos ay dahan-dahan na bumukas ang pintuan ng simbahan, kung saan papasok na ang bride.

Years of WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon