CHAPTER 35

43 8 0
                                    

HOPEDEEPLY




Hindi ko alam kung paano ako nakatagal sa hapunan no'ng gabing iyon. Nag-uusap sila ni Kuya Lucas tungkol sa kung anong bagay, habang ako ay tahimik lamang kumakain. Minsa'y nahuhuli ko si Dean na nakatingin sa akin habang nakikinig siya sa sinasabi ni Kuya Lucas. I tried to look back at him, but in the end, I just pulled it back. Nagpukos na lang ako sa pagkain. Sobrang talim ng tingin niya sa akin na parang kitang kita na niya ang kaluluwa ko. Hindi ko tuloy mailunok ng maayos ang kinakain ko, at napapadalas pa ang pag inom ko ng tubig.

“So… sila ni Erin Alejo ngayon? At engaged na sila?” pagtatanong ni Lily nung gabing iyon.

Pagkauwi namin ni Kuya Lucas ay nasa sala pa siya, gising na gising. Nagtanong siya agad kung ano ang ganap sa gabing iyon, kaya hindi ko na maiwasang i-kwento sa kanya ang lahat. Tumango naman ako sa kanyang tanong habang sumisimsim ng kape.

Nandito kami sa aking kwarto. At mukang wala siyang balak matulog ngayong gabi kaya nagtimpla siya ng kape para humaba pa ang kwentuhan namin.

“Wow! Tingnan mo nga naman… sila pala ang magkakatuluyan sa huli,” she whispered.

Right! Kahit noon, iniisip kong posible talaga maging sila. Palagi sila magkasama noong high school dahil partners sila sa isang research paper o projects. Parehong competent at nagkakasundo lagi sa maraming bagay. Kaya imposibleng hindi sila mahuhulog sa isa't isa. Lalo na't wala naman problema ang pamilya nila sa isa't isa.

Ang kwento sa akin ni Lily ay naging schoolmates niya pa ang dalawa no'ng college. Palagi niya raw nakikita ang dalawa na magkasama kahit saan, sa eskwelahan man o sa ibang lugar. Kaya tingin niya nung college pa may relasyon ang dalawa.

“Matagal na pala silang dalawa tapos… ngayon lang magpapakasal?” kunot-noong tanong ni Lily.

“Baka career muna ang inuna,” sabi ko naman.

“Siguro nga.” Sabi niya habang nag-iisip ng malalim.

I frowned as I looked at her seriously. What could this woman be thinking? Mula sa pagkakaupo niya sa sofa ng aking kwarto ay tumayo siya at lumapit sa aking kama. Tumabi siya sa akin, at hinarap ako ng maayos. Ang namumungay niyang mga mata ay seryosong nakatitig lang sa akin.

My brow rose up. “Why?” I asked her curiously.

“Inaantok na ako.”

“Edi matulog ka na sa kwarto mo!” Sabay kuha ng unan at hinampas siya. Akala ko kung ano na ang iniisip niya. Inaasahan ko pa naman na may sasabihin siya kaya lumapit siya sa akin.

Aakmang hihiga na sana siya nang hinila ko naman siya pabalik. Ang daya nito! Pagkatapos kong magkwento sa mga nangyari kanina, ay tutulogan niya lang ako.

“Huwag ka munang matulog diyan. I-kwento mo muna ang nangyari sa inyo kanina ni Jordan!” bulyaw ko.

“Ayoko! Antok na ako, Marga. Kaya dito na lang ako matutulog.” Hinila niya ang aking kumot para matakpan ang kanyang katawan. Dahan-dahan na siyang humiga sa aking tabi, at ipinikit ang mga mata.

“Ang daya mo talaga!” Sabay hampas ko sa kanya ng unan.

I sighed. Wala na akong magagawa kundi ang hayaan na lang siya matulog dito. Tutal hindi lang naman isang beses na nangyaring nakatulog siya sa aking kwarto. Kahit nandoon pa kami sa France, palagi niya itong ginagawa.

--

“Good morning.” Jordan greeted me as soon as I entered the kitchen.

Naabutan ko siyang nagtitimpla ng kape sa nook ng kusina. Nagtungo naman ako sa refrigerator para kumuha ng gatas doon.

Years of WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon