CHAPTER 14

56 7 3
                                    

HOPEDEEPLY

It's saturday today, maaga akong nagising dahil mahimbing ang pagkakatulog ko kagabi. Hindi na ako nakapag-isip na kung ano-ano dahil sa sobrang pagod. 

Nakalimutan ko nga magtext kay Dean, e. Kaya ngayon pupunta ako sa kanila para magpaliwanag. Hindi naman siguro 'yun magagalit dahil biglaan ang pagsundo sa 'kin ni kuya Lucas kagabi. Kailangan ko lang talaga magpaliwanag dahil hindi ko man lang siya naitext.

Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba. Nagpunta agad ako ng kusina at nakita si yaya Mina na nagtitimpla ng gatas.

“Good morning, Yaya!” I suddenly greeted.

“Ay, pangit na kalabaw!” she looked so shock.

Nanlaki ang mata niya habang napahawak sa kanyang bandang puso. Ngumiwi ako nang makita natapon ng konti ang gatas na tinimpla niya.

“Nak naman, gusto mo ba ako mamatay sa gulat ha bata ka?” bulyaw niya sa 'kin.

Ngumuso ako. “Grabe ka naman, ya. Kalabaw na nga tapos pangit pa,” sabi ko sabay upo sa stool at humilig sa nook.

“Ikaw naman kasi, ang hilig mong gulatin ako lalo na 'pag masaya ka,” sabi niya, na nanunuya.

Ngumiti ako. Naniningkit naman ang mga mata niya habang tinitingnan ang kabuuan ko. Umikot siya sa nook at lumapit sa 'kin. Nakapamaywang siya habang tinitingnan ako ng maigi.

“Saan ka naman pupunta ngayon, Maria Gandrelle?” pagtatanong niya habang nanlalaki ang mga mata.

“Kina Dean po,” I directly answered.

“Nagbati na kayo?”

“Ya, hindi naman kami nag-away, e.” agap ko.

“Sus! Halos magkukulong kana nga sa kwarto mo nitong mga nakaraang araw, e. Ayaw mong lumabas… late kana rin kumain. Naku, anak. Hindi maganda 'yan, huh! Bata kapa…” sabi niya at bumalik sa pwesto niya kanina. 

Inayos niya ang gatas sa aking harapan habang patuloy pa rin sa pagsasalita. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

“Unahin mo muna ang iyong sarili.”

Tumango ako sinabi ni yaya Mina. Sumimsim muna ako sa aking gatas bago tumayo. Tumalikod na sa 'kin si yaya Mina. Naghuhugas na siya ng plato. Lumapit ako sa kanya at agad na yumakap mula sa likod. Naramdaman kong nanigas siya sa aking ginawa at napatigil sa ginagawa.

“Thank you, Yaya Mina. I love you po.” I subtly said.

Malaki ang pagpapasalamat ko kina Mommy at Daddy sa pagpili nila kay yaya Mina para alagaan ako. Si yaya Mina na talaga ang nagturo sa 'kin kung ano ang tama o mali. Siya ang laging sumasaway sa 'kin 'pag may mali akong ginawa. Kapag may hakbang ako gustong gawin, andyan siya palagi upang alalayan ako. 

She's my second mother to me. Siya rin ang nagsabi na habaan ko pa ang aking pasensya at palaging intindihin sina Mommy at Daddy.

Sa ngayon, ito lang muna ang magagawa ko para sa kanya… ito na muna ang kaya kong ibigay.

Hindi man ako showy, subalit kaya ko naman iparamdam sa kanila na hindi ko kayang mawala sila sa buhay ko.

Nahimigan ko bumigat ang paghinga ni yaya Mina at narinig ko rin ang mararahan niyang pagsinghot. Niyakap niya ang kamay kong nakapalipot sa kanyang baywang.

“Ikaw talagang bata ka. Pinapaiyak moko,” sabi niya habang pinapahiran ang kanyang luha. “Mahal din kita, anak. Kaya nga hindi kita maiwan-iwan dito.”

Years of WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon