HOPEDEEPLY
Humalukipkip ako habang pinapanood si Dean naglakad palayo, kasi siya na raw ang bibili ng kakainin namin ni Erin. Wala si Sion, inaasikaso niya ngayon si ate Tala.
Lunch break na. Nang dahil sa nangyari kanina, wala tuloy kami klase buong umaga. Dahil nagmi-meeting ang mga guro sa faculty room kasama ang mga SSG officers tungkol sa nangyari kanina. Pati ang mga kaklase ko ay yun na ang pinag-uusapan.
Kilala rin kasi si ate Tala sa buong eskwelahan. Maliban sa kaibigan siya ni Sion ay kilala rin naman siya bilang representante lagi ng eskwelahan.
“Hindi ako makapaniwala na may nangyaring bully kanina,” umpisa ni Erin, nang kami lang dalawa ang naiwan dito sa lamesa.
“Lahat naman siguro ng school ay may bully,” I subtly said.
“Uh, well, you're right. Sa dati kong school ay may bully rin pero hindi naman ganoon kalala tulad kanina,” sabay ngiwi niya, “but anyway, hayaan na natin 'yon, nasulusyonan naman ng mga SSG officers natin. Hmmm… may itatanong sana ako sa'yo, tungkol kay Dean…”
I gazed at her, waiting for what she would say. Ano naman kaya meron kay Dean? Tumingin muna siya sa buong paligid saka inilapit ng kaunti ang mukha niya sa akin. Na parang ayaw niya na may makakarinig sa kanyang sasabihin. I totally frowned.
“May lumapit sa akin tatlong babae na grade ten students,” bulong niya. “tapos sinabihan ako na lumayo kay Dean dahil sabi nung isa sa kanila ay magiging girlfriend na raw siya ni Dean. It is true? Na may nililigawan si Dean sa grade ten?” kuryosong tanong niya.
Who else ambitious said that? May iba pa bang grade ten student na nililigawan si Dean noon. Talagang walang pinipiling babanggain ang bruha na iyon, a! At saka magiging girlfriend na raw siya ni Dean? Hindi na nga siya pinursue, umaasa pa rin. Tulog pa yata siya!
“Wala na, tinigilan na niya iyon,” sagot ko sa kanya.
Her eyes beamed, “Talaga?” she asked.
I nodded, “uh-huh. Masyado raw kasing bata kaya tinigilan na niya,” napangiwi ako sa aking sinabi.
Umayos siya ng upo sa sagot kona 'yon. Napa-face palm siya na parang may iniisip at unting-unti napapangiti. Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. Ano kaya ang nasa isip nito, at napapangiti na lang. Tsk, parang baliw.
Wait.
Oh no, Marga! Kung tama ang iniisip mo… kawawa ka na naman kung gano'n.
Lumapit muli siya sa 'kin.
“Atin-atin lang 'to, a! May gusto ako kay Dean, Marga,” she whispered. I can sense that she was fascinated by what she said.
What the hell!
Namilog ang mata ko kahit medyo nahulaan kona ang sinabi niya. May gusto siya kay Dean? Ano? Paano na— I mean, hindi naman yun maiiwasan, e! Halos namang estudyante rito ay nakakagusto kay Dean, kaya posible ring mangyari yan dahil lagi silang magkasama na dalawa. Partners pa silang dalawa sa thesis na ginagawa nila, kaya posible ring mahuhulog sila sa isa't isa.
The question is. Does Dean like her too?
Posible namang magugustuhan siya ni Dean. Matalino siya, matured pa, magkasing edad lang sila, mga bagay na kinaiinggitan ko na tipo ni Dean.
Minsan inisip ko na lang. Lilipas din itong naramdaman ko para kay Dean. Para saan paba itong nararamdaman ko kung 'yong taong mahal ko ay hindi ako ang gusto. Para saan pa na nagmahal ako kung hindi naman masusuklian.
BINABASA MO ANG
Years of Wait
RomanceCOMPLETE | unedited Maria Gandrielle (Marga) Roja, was a rough, tough and stubborn woman. She would do whatever she wants, even if her parents would get mad. At her very young age. She, in love with a man named, Tristan Deanielle Vercher. Matagal n...