CHAPTER 22

47 9 5
                                    

HOPEDEEPLY





“D-dad…” utal kong sabi nang nandito na kami sa bahay namin.

Ramdam ko ang panginginig ng aking labi, at ang mabilis na tahip ng aking dibdib dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit iba ang awra ni Daddy ngayon, galit na galit. Parang susugod na sa suntukan nang lumabas siya sa kanyang sasakyan kanina.

Lumayo agad ako kay Dean, at agad sinalubong si Daddy sa labas ng gate. Pinasakay niya agad ako sa sasakyan habang maririin ang titig niya sa aking likod, kung saan nakatayo si Dean. Abot-abot ang kaba ko habang nagmamadaling pumasok sa sasakyan. Nakita ko ang pananatili ni Daddy sa labas bago sumunod dito sa loob ng sasakyan.

Tahimik kami pareho ni Daddy sa loob ng kanyang kotse habang nagdadrive siya. Walang nangahas sa amin magsalita hanggang sa makarating kami sa bahay. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit kaya sobra ang kaba ko ngayon… hindi ko alam kung bakit.

May problema ba siya sa work niya? Pero hindi naman siguro… parang hindi tungkol sa trabaho ang problema niya. At kahit kailan hindi siya nagkakaproblema sa kanyang trabaho.

“Sa loob ng bahay na tayo mag-usap.” maririin at sobrang lalim ng boses nang sinabi niya iyon.

“May problema ba—”

“I said. Pumasok kana sa loob ng bahay at doon na tayo mag-usap!” he commanded.

I almost jumped on my seat. He's so intimidating! Kaya dahil sa takot ay dali-dali akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman agad sa 'kin si Daddy na madilim pa rin ang awra. Masama ang tingin nito sa 'kin.

“May meeting ako kanina with my client, Mr. Santos. Kasama niya ang kanyang anak na babae na nag-aaral din sa eskwelahan na 'yon. Ang sabi nito, pinagbintangan mo raw siya kaya siya na-suspended ngayon.” seryosong sabi ni Daddy.

Nagtiim-bagang ako sa sinabi ni Daddy. Alam ko agad kung sino ang Santos na tinutukoy ni Dad. How could that b*tch tell my Dad such a liar thing! How dare her!

I looked to my father. His dark brown-colored eyes which mirrored mine were now staring at me, badly. I equaled his serious eyes, and trying to be calm.

“That's not tru—”

He raised his hand that would stop me from speaking.

“She also said, nagkaroon ka raw ng boyfriend sa loob ng eskwelahan n'yo. Totoo ba, Marga?” dagdag pa niya, medyo tumaas ang boses.

Napayuko ako. My lips turns into a thin line. Umurong ang dila ko dahil sa tanong ni Daddy. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Daddy ang totoo. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

“Marga, answer me!” sigaw ni Daddy na ikinagulat ko. “Umatras sa agreement si Mr. Santos dahil sa sinabi ng anak niya, kaya sagutin mo kung totoo ba 'yon o hindi!” galit na galit na sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. Namumula na ang mga mata niya ngayon dahil sa galit, habang nanginginig naman ang aking tuhod dahil sa takot sa kanya. Nandito kami sa tapat ng hagdanan kung kaya't kitang-kita ko ang pagbaba ni Yaya Mina mula sa itaas. Nahimigan ko ang dismaya sa huling sinabi ni Daddy.

“'Di ba sinabi ko naman sa 'yo na hindi ka pa pwedeng magka-boyfriend! You're too young for that thing, Marga. You should prioritize your studies… and focus on it.” mariin na sabi ni Daddy sa akin.

Napayuko ulit ako at hindi na nakapagsalita. Ayokong dagdagan ang mga kasinungalingan ko sa kanila ni Mommy kaya mas mabuti pang tumahimik na lamang.

Years of WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon