CHAPTER 11

54 9 12
                                    

HOPEDEEPLY




Sabi nila, kapag malungkot bumabagal ang takbo ng oras. Kapag masaya naman mabilis ito umikot.

Tulad ng pagtakbo ko noon palabas sa gate ng eskwelahan. Umiiyak dahil binubully ako ng aking mga kaklase. Pinilit ko naman lumaban at ipagtanggol ang sarili pero hindi ko kinaya ang mga masasakit na salita na narinig ko sa kanila.

Ayaw ko man pakinggan ang kanilang mga sinasabi dahil alam ko sa sarili ko na mahal talaga ako ng aking mga magulang. 

Panay ang tawag sa akin ni yaya Mina habang tumatakbo ako palayo sa paaralan na pinapasukan ko, ngunit binalewala ko lang yun at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Sa murang edad naranasan ko ang panlalait ng mga kaklase ko at ng ibang tao sa 'kin kahit meron naman akong lahat ng mayroon sila.

I have my mother and I also have my father. We're complete. Yes, we are!

Tumakbo ako hanggang sa hindi na ako maabutan pa ni yaya Mina. Subalit, tumigil din ako dahil sa pagod kaya umupo muna ako sa tabi ng kalsada. Niyakap ko ang aking mga tuhod at ipinatong ang aking noo doon habang umiiyak.

Pilit kong tinatanggal sa aking isipan ang mga sinasabi ng kaklase ko. I have my mother and father for real. Ang dugo nila ay nangangalaytay din sa akin katawan. We are the same eyes with my father and the same features with my mother. Kaya bakit sinasabi nila na ampon lang ako. Na hindi ako tunay na anak nila mommy at daddy.

Iyak lang ako nang iyak habang nakayuko sa aking tuhod at dinamdam ang mga sinasabi ng aking kaklase. Paano nila nasabi 'yun?

“Bata, okay ka lang ba? Gusto mo ba ng lollipop?” 

Umangat ang ulo ko at tumingin sa batang lalaki habang patuloy pa rin ako sa pagtangis at pag-iyak. Hindi maaninag ng maayos ang kanyang itsura dahil nanlalabo na ang mga mata ko sa luha. Lumunok ako at pilit na tumatahan.

“Anong flavor?” nangangatal kong tanong sa kanya.

“Chocolate, strawberry at orange. Gusto mo sa 'yo na lang lahat?” he subtly said.

Kumalma naman ang puso ko dahil sa kanyang sinabi. Umiling ako at kinuha ang isang lollipop na chocolate ang flavor.

“T-thank you,” nangangatal kong sabi.

“Bakit ka nga pala umiiyak? Bakit ka nandito? At nasaan ang nanay mo?” he inquired.

Inayos ko ang buhok na nagkalat sa aking mukha. Basa at malagkit-lagkit ito dahil sa aking mga luha. Inayos ko ang aking sarili para makita ang mukha niya pero biglang may tumawag sa kanya kung kaya't nagmamadali naman siyang magpaalam sa 'kin at agad na lumapit sa kanyang ina.

Hindi ko na makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod na siya sa akin habang naglalakad na hawak ang kamay ng kanyang ina. Pinanood ko sila habang naglalakad palayo hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Yumuko ako at tiningnan ang lollipop na nasa aking palad.

This is the first time someone has given me.

“Good morning!” salubong sa aking ni Lester sa may gate.

Umirap lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, nilalagpasan siya. Ano bang ginagawa ng epokrito na 'to sa may gate, at bakit nakabuntot na naman ito sa 'kin.

Binalewala ko siya, at nagpatuloy lang sa paglalakad habang nilalaro ang lollipop sa loob ng aking bibig.

Simula nung naging partner ko siya ay feeling close na siya sa 'kin.

Years of WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon