=== P A T C H ===
"How are you feeling?"
Pinigilan ko na tumaas ang kilay ko. Are they getting chummy chummy now?
"I'm fine." I simply said.
Hindi kami pumasok ng dalawang araw dahil weekend. Nasa bahay lang din naman ito kapag wala itong imbitasyon sa ibang lugar. Ngayong umaga ay papasok na kami uli sa opisina.
That gave me enough time to recuperate. Naku....kapag nakita ko talaga ang lider-lideran ng grupong iyon makaktikim talaga iyon sa akin ulit.
I felt my body stiffen when I felt a hand on my hand. It was Kylo's of course. Agad din naman nitong binawi iyon.
"Stop looking like you're plotting World War 3."
I scowled at him.
Nang makarating kami sa opisina ay dumiretso kami sa opisina nito.
Nginitian ako ni Zeny pero tinanguan ko lang ito. Hindi ba nakakangawit ang mga tao rito kakangiti?
Halfway through the morning, pumasok si Zeny sa opisina ni Kylo.
"Gov. May bisita po kayo."
"Do I have a scheduled meeting? Parang wala akong inaasahan ngayon."
Umiling ang sekretarya pero nakangiti pa rin. "Tignan niyo na lang po, Gov."
Tinignan ako ni Kylo bago ito tumayo. Sumunod ako rito at hinanda ang sarili kung sino man ang makakasalamuha namin.
Napatigil ako nang makita kung sino ang nasa opisina ni Kylo.
"Hey, Nanay Estelita. What's up?" Sabi ko.
Kasama nito si Ginger. Tinignan ko ang dala ng mga ito na malaking kaldero.
"Nanay, ano pong maipaglilingkod ko?" Magalang na tanong ni Kylo.
"Ah eh Gov...pumunta kasi sa puwesto ko nung isang gabi itong nobya niyo."
Nilingon ako ni Kylo na medyo nakakunot ang noo.
"Tinulungan niya po kami na mapaalis ang gang nila Syd. Nasira nga po ang puwesto ko pero sapat naman po ang siningil na pera ng nobya ninyo mula sa kanila para maipaayos ang puwesto ko. Dinalhan ko po siya ng sopas at pandesal. Pati na rin po sa inyo at sa mga trabahante ninyo."
Nilapitan ko ang ginang. "Gee, thanks lady."
Niyakap ako nitong muli at nagpasalamat. She's not liking all these physical interactions with these people.
Nang makabalik sa opisina ay agad akong humigop ng sopas. Napakasarap at malasa talaga ng sabaw niyon.
"Why didn't you tell me?" Tanong ni Kylo. Naupo ito sa harap ng mesa nito habang nakaharap sa akin.
"Tell you what?"
"That you saved those ladies the night you came home bloody?"
Sumandal ako at nang-uuyam na ngumiti rito. "You were busy assuming the worst of me. I wonder how bad I am in your mind."
Guilt flashed on his handsome face. "Okay. I'm sorry. If you just told me-"
"I'm an agent. I fight to save people. I'm not a murderer, Kylo. I don't love violence. Kicking some person's ass is not a past time of mine. I do it when it's necessary. Yes, I ate at that lady's place one evening. This gang came and threw my food on me which explains that f*cking shirt. What ticked me off is them wasting my food. Then they started harassing them and all that. I just did what a normal human should do."
BINABASA MO ANG
Versailles Series Book 4: The Bodyguard [COMPLETED]
RomancePatch She's cold and unfeeling which makes her the best agent ever After getting a head of herself, she gets sent to an insufferable mission Be a pretend girlfriend of some handsome governor in a small town Kylo is just another mission she needs to...