A/N:
Kung bigla ka na lang napadpad dito at hinahanap ang mga unang chapters ng story, punta ka na lang muna sa old wattpad account ko issa_gokou.
Nandoon ang chapters 1 - 11, at Chapter 12 naman ay nasa Twitter @sainy_zallara
Enjoy! ❤️
------------------------
RITA'S POV
"Gusto mong mamasyal?" bigla akong napalingon sa likod ko nung marinig ko ang tanong na yun ni Ken.
Muntik pa kong mabasa dahil nagdidilig ako ngayon ng mga halaman dito sa garden dahil sa pagkagulat ko na nasa likod ko pala siya. Buti na lang at agad kong napatay ang hose.
"Ayaw mo?" tanong niya habang nakatingin pa rin sakin.
"Ha?? Ano... Gusto... Gusto ko." nakangiting banggit ko at para bang kinikiliti na naman ang puso ko dahil sa kilig na nararamdaman ko.
Tama naman ako ng intindi, 'di ba? Niyayaya niya kong mamasyal. Niyayaya niya kong makipag date sa kaniya!! KYAAAAHHH!!!
Tumango-tango naman siya.
"Sige na. Mag-ayos ka na. Ako na ang tatapos diyan." banggit niya at lumapit sakin para kunin ng hose na hawak ko.
"Ngayon na tayo aalis?" masayang tanong ko.
Tumango naman siya at ngumiti sakin. No'n ko lang napansin na nakapang alis na nga siya. Mukhang kanina pa talaga siya may balak na magyayang umalis.
"Sa mall na tayo magllunch. Bilisan mo mag-ayos, ha? Hintayin kita dito sa labas." nakangiting banggit niya dahilan para mas lumawak ang pagkakangiti ko.
"Thank you, Ken! Thank you!" masayang sambit ko at dinampian siya ng mabilis na halik sa labi dahilan para magulat siya pero napangiti rin naman after. "Mabilis lang ako. Promise!!" excited kong sabi at masayang pumasok na sa loob ng bahay.
KYAAAAAAH!! MAY DATE KAMI NI KEN!! MAY DATE KAMI! KYAAAAAH!!!
Halos gusto kong sumigaw sa sobrang saya ko ngayon. Parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang kilig ngayon. Sana pala noon pa ko nagkasakit para naging mabait na sakin ng ganito si Ken. Nag-alala talaga siguro siya sakin dahil ilang araw din kong nilagnat. Kung alam ko lang na ang pagkakaroon ko ng sakit ang makakapagpabalik ng pakikitungo niya sakin dati, sana matagal na kong nagbabad sa ulan hahahaha. Cheret!
Katulad ng sabi ko sa kaniya, mabilis lang din akong nag-ayos ng sarili ko. Sa kotse na nga lang din ako nag make-up dahil ayokong mghintay ng matagal si Ken.
"Tapos ka na mag make-up?" tanong niya nung silipin niya ko saglit.
"Mmm.." sagot ko at inilagay na ang make-up kit ko sa bag. Tatanungin ko sana siya kung bakit niya naitanong nung maramdaman ko ang biglang pagbilis ng andar ng kotse.
Hmm... infairness dito sa asawa ko, mukhang sinadya niya talaga kanina na hindi ganoong bilisan ng pagdadrive para miayos ko ang pagmmake-up ko.
Nakakainis! Bakit ang sweet-sweet niya ngayon? Hahahahaha. Mas nakaka-inlove tuloy, yiieeeehh!!
Pagpark namin ng kotse dito sa Parking Area ng mall ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Pababa na rin sana ako nung mapansin kong umikot siya papuntang passenger's seat at siya ang nagbukas ng pinto no'n. At huwag ka! Nakangiti siya habang ginagawa yun!! Oh my good Lord talaga!!
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
RomanceYou may see the description of the story in my old wattpad account "issa_gokou" from Chapters 1 - 11, and Chapter 12 on Twitter @sainy_zallara. Chapter 13 until the Last Chapter will be uploaded here. Medyo mahirap kasi iedit kapag sa twitter ko ipi...