KEN'S POV
Ibinaba ko ang tray na dala ko sa side table at sumampa sa kama. Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Rita.
Inayos ko ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha niya at hinalikan ang noo niya.
Napangiti ako nung gumalaw siya at tumalikod sa akin.
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong para magising na siya.
"Rita, kain na tayo." bulong ko pero mukhang hindi niya ko narinig kaya marahan ko siyang niyugyog. "Ta... Ta, gising na.. May pasok pa tayo." bulong ko.
"Hmm..." tanging banggit niya, ni hindi man lang kumilos.
"Rita, uy.. nagugutom na ko. Tara na, kain na tayo." maktol ko dahilan para muli siyang humarap sakin at hirap na hirap na iminulat ang mga mata niya.
Kitang-kita ang pagod sa mukha niya.
"Good morning." nakangiting bati ko.
"Good morning." mahinang banggit niya at dahan-dahang umupo sa kama. "Anong oras na?" tanong niya.
"Alas siete." banggit ko at tumango naman siya. Bababa na sana siya pero agad ko siyang pinigilan.
"Bakit? Maghahanda na ko ng pagkain natin." aniya.
Inginuso ko ang side table kung saan nandoon ng mga pagkaing niluto ko.
Tinignan niya iyon at binalik ang tingin sakin nang nakangiti.
"Ano yan suhol dahil sa ginawa mo kagabi?" natatawang tanong niya at bumaba ng kama. "Maghihilamos lang ako." sambit niya.
Gusto kong matawa dahil sa dahan-dahan niyang paglalakad. Gusto ko siyang tuksuhin pero baka magalit siya sakin kaya minabuti ko na lang na sumandal sa kama at pumikit muna habang hinihintay siya. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa mga nangyari kahapon.
Ganito pala kasaya sa feeling yung nasabi mo na 'yung totoong nararamdaman mo. Parang nawalan ka ng tinik sa dibdib. Hindi ko talaga akalaing mararamdaman ko 'to kay Rita. Na mas higit pa pala sa kapatid ang magiging turing ko sa kaniya.
~ "Ikaw ang pipiliin ko. Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko" ~
Automatic akong napangiti nung maalala ang mga salitang 'yun kahapon. Ang mga salitang yun ang nagpanatag sakin. Alam kong mahal niya ko at ang mga katagang iyon ang mas nagpa-panatag sa akin. Dahil doon ay nasiguro kong ako lang talaga ang pipiliin niya kahit gaano karaming lalaki ang lumapit sa kaniya.
Maganda naman talaga si Rita. Kahit noon pa man, marami nang nagsasabing may gusto sila sa kaniya. Totoong binabakuran ko siya noon dahil ayokong mapunta lang siya sa kung sinong lalaki na lolokohin siya...
At napaka mapagbiro nga naman ng tadhana, dahil ako pala ang gagawa nun sa kaniya. Ngayon ko nari-realize kung gaano ako kagago para gawin ang mga katangahang ginawa ko sa kaniya. Masyado akong nagpalamon sa galit ko kaya hindi ko na naisip ang mga pinaggagagawa ko noon. Ako tong pumrotekta sa kaniya sa mga lalaking alam kong lolokohin lang siya... pero hindi ko siya naprotektahan sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
RomansaYou may see the description of the story in my old wattpad account "issa_gokou" from Chapters 1 - 11, and Chapter 12 on Twitter @sainy_zallara. Chapter 13 until the Last Chapter will be uploaded here. Medyo mahirap kasi iedit kapag sa twitter ko ipi...