KEN'S POV
Nagising ako kinabukasan na wala si Rita sa tabi ko. Hindi ko napansing dito na rin pala ko sa kwarto niya nakatulog. Agad akong lumabas at bumalik sa kwarto ko para tignan kung nandoon siya, pero wala rin. Baka nasa baba na. Lagi naman kasi siyang maaga gumising.
Pumunta na lang muna ako sa cr para mag-imis ng sarili ko at magpalit ng damit.
Pagbaba ko ay napansin ko siyang tumutulong sa pag-aayos ng mesa. Mukhang tumulong din siya sa pagluluto ng agahan.
"O Ken, buti naman at gising ka na. Pagising na rin sila Andrei para sabay-sabay na tayo makapag-agahan." nakangiting banggit ni mommy.
Tumango naman ako at tinignan si Rita pero ni hindi niya ko tinignan. Mukhang masama pa rin ang loob niya sakin.
Umakyat na rin ako at pumunta sa kwarto ng mga kapatid ko't ginising sila katulad ng utos ni mommy. Sabay-sabay kaming bumaba para makakain na ng agahan.
"Anong oras nakauwi sila Nikko kagabi, mommy?" tanong ko.
"Mga past 10 siguro anak. Upo na kayo para makakain na tayo." banggit ni mommy kaya nagsiupo na rin kami.
"Gusto mo ng coffee?" casual na tanong ni Rita habang inaayos yung mga pagkain na nasa mesa.
Bago pa ko makasagot ay muli na siyang nagsalita.
"Wait lang. Ikukuha kita." banggit niya at tumayo muli sa kinauupuan niya't dumiretso sa kusina.
Tinignan ako ng makahulugan ni mommy pero umiling lang ako. Mukhang na-gets naman niya na hindi pa rin kami okay.
-------------------------
"Ate, mamimiss kita uli." banggit ni Amber at mahigpit na yumakap kay Rita.
"Mamimiss ko din kayo." nakangiti niyang sabi habang yakap-yakap ng kapatid ko.
"Dalasan niyo na lang po ang bisita niyo dito samin ate para naman po hindi niyo kami mamiss ng sobra." nakangiting banggit ni Andrei.
Lumapit din si Rita sa kaniya at niyakap siya.
"Aalagaan mo lagi si Amber, okay? Intindihin mo na lang minsan kapag nagiging hyper siya." nakangiting banggit ni Rita.
"Madalas naman po siyang hyper ate." banggit ni Andrei na ikinatawa nila ng mahina.
"Balik kayo next week, ha." banggit ni mommy at lumapit kay Rita para yakapin siya.
"Kapag po maluwag ang schedule mommy. Alam niyo naman po, magsstart na rin po kasi ang OJT ko." nakangiting banggit niya habang yakap si mommy.
Teka... malapit na siyang mag OJT (On-the-Job Training)? Bakit wala naman siyang nasabi sakin??
E paano nga naman siya makakapagsabi kung ni hindi mo siya pinapansin sa inyo?
"Si daddy po?" tanong niya kay mommy.
"Nandoon sa may garden. Puntahan mo na lang siya doon, baka tapos na rin niyang kausapin yung client nila." banggit niya kay Rita kaya tumango siya at pumunta sa labas.
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
RomanceYou may see the description of the story in my old wattpad account "issa_gokou" from Chapters 1 - 11, and Chapter 12 on Twitter @sainy_zallara. Chapter 13 until the Last Chapter will be uploaded here. Medyo mahirap kasi iedit kapag sa twitter ko ipi...