Chapter 16

158 21 0
                                    

RITA'S POV

Napatingin ako sa cr nung bumukas iyon. Hindi ko alam kung nakausap na siya ng mommy niya pero nakatanggap kasi ako ng tawag kay mommy Veron kanina. Pinapupunta nila kami ni Ken sa kanila dahil birthday ng kambal this Saturday.

Yes, may kambal na kapatid si Ken. Sina Amber at Andrei, pero kahit kambal sila, masasabi mong medyo opposite ang ugali nila.

Si Amber, super bubbly and napaka charming. Laging masayahin, hmm.. minsan may pagka childish, pero yun yung isang bagay na mas mamahalin mo sa kaniya. Clingy kasi talaga siya sa mga taong mahal niya.




Si Andrei naman, medyo may pagka seryoso at madalas na tahimik lang. Parang si Ken noon, hahaha. Ayaw na ayaw niya na napapansin siya sa mga artworks na nagagawa niya kasi magaling talaga ang bata sa arts. Magaling siya magpaint at mag drawing, manang-mana talaga sa kuya.. pero hindi mo siya dapat pupurihin sa harap ng maraming tao dahil bigla na lang siyang aalis at tatahimik na lang sa isang tabi. Ayaw niya na pinagtitinginan siya ng lahat.

Si Amber naman hindi siya magaling sa visual arts pero magaling siya kumanta. Yun ang madalas na bonding namin nung sa kanila pa ko nakatira.

Turning 9 na sila sa Sabado. Medyo malaki ang age gap nila kay Ken dahil halos nagbibinata na rin si Ken nung ipagbuntis ng mommy niya ang kambal. Maganda rin naman dahil nakatuwang nila si Ken, syempre pati na rin ako sa pag-a-alaga sa mga bata. Naalala ko noon kung gaano kasaya si Ken nung malaman niyang magkakaroon na siya ng kapatid.

Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin kay Ken nung sumampa na rin siya dito sa kama. Mula nung nangyari sa Mall mahigit isang linggo na ang lumipas ay hindi pa rin kami nagkakausap uli. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang pwede kong sabihin sa kaniya.

"Ahh.... Ken," tawag ko.

"Hmm?" tanong niya at umayos na ng higa dito sa kama.

"Tinawagan ka kanina ng mommy mo?" mahinang tanong ko.

"Tungkol sa birthday nila Amber sa Saturday?" tanong niya at kinuha ang cellphone niya sa side table.

"Oo." sambit ko.

"Bakit, may pasok ka ba ng Saturday?" tanong niya habang may kinakalikot sa cellphone niya.


"Ano, wala naman..." banggit ko.


"O e anong problema?" seryosong tanong niya at tinignan ako.


"Anong ibibigay mong regalo sa kanila?" palusot kong tanong. Actually, hindi ko rin alam kung bakit tinanong ko pa siya tungkol doon eh. Imposible naman kasi talagang hindi niya alam, 'di ba? Kahit naman hindi ipaalala sa kaniya saulong-saulo niya ang birthday nung kambal dahil mahal na mahal niya yung dalawang 'yun.

"Nakausap ko kanina si Amber, sabi niya gusto niyang makita ka. Yun lang daw ang gusto niya." casual niyang sabi at nagtype uli sa cellphone niya.

Napangiti naman ako dahil don. Nakakatouch naman ng sobra kung sinabi talaga ni Amber sa kaniya yon.

"Sinabi niya talaga yun?" tanong ko.

"Oo. Sa sobrang pagmamahal ng batang yun sayo kahit ako na kuya niya ang kausap niya, mas ikaw ang hinahanap niya. Actually hindi lang siya. Pati si mommy ikaw rin ang unang hinanap sakin kanina kaya sabi ko ikaw na lang mismo ang tawagan niya. Malapit na kasi akong maniwala na mas kamag-anak ka nila, kesa sakin." banggit niya habang patuloy na nagtatype sa cellphone. Ni hindi niya ako magawang tignan, pero masaya ang puso ko dahil sa narinig kong binanggit ni Amber.. Mas namiss ko tuloy ang kambal.


Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon