Chapter 26

331 32 3
                                    

KEN'S POV

Nagising ako na wala sa tabi ko si Rita. Inaantok pa ko pero dahil wala akong makapa sa tabi ko ay pinilit kong imulat ang mga mata ko at wala nga talaga siya dito sa kama. Tumingin ako sa wall clock. 4am pa lang kaya pala antok na antok pa ko.



Bumaling ako patingin sa cr. Sinisipat kung bukas ang ilaw doon. Baka nagbanyo lang siya.. pero patay ang ilaw doon at wala akong kaluskos na naririnig kaya pinilit kong maupo at tinignan ang buong kuwarto. Wala talaga siya dito. Saan kaya nagpunta yun?



Nagdesisyon akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa hagdan ay napansin kong bukas ang ilaw sa kusina.

Nagluluto siya? Ang aga naman ata masyado.




Bumaba ako at nagtaka dahil mukhang nagbbake siya.





"Ta." tawag ko dahilan para mapatingin siya sakin.




"Ken, b-bakit gising ka na?" tanong niya. Parang medyo kinabahan siya nang makita ako.





"Bakit ang aga mo magluto? Tulog pa tayo." banggit ko at lumapit sa kaniya. "Bakit ka nagbbake?" tanong ko at niyakap siya mula sa likod bago inilagay ang baba ko sa balikat niya't muling pumikit.





"Mukhang inaantok ka pa. Matulog ka na muna sa taas. Anong oras pa naman ang pasok mo, di ba?" pag-iiba niya ng usapan.





"Hihintayin na kita." mahinang banggit ko dahil inaantok pa rin naman talaga ko. Halos hindi ko na nga maimulat uli ang mga mata ko dahil sa antok.





"Susunod na lang ako do'n Ken, tatapusin ko lang to. Mabilis na lang ako." banggit niya pero hindi ako umalis sa pwesto ko.






Hindi ko alam kung nabibigatan ba siya sakin o talagang nate-tensed lang siya dahil nandito ko. Pero baka yung una, kasi naipapasa ko sa kaniya ang bigat ng katawan ko dahil sa matinding antok ko.




"Ken, mahihirapan kang makatulog lalo kung nandiyan ka sa likod ko. Sige na, akyat ka na doon para mas makapagpahinga ka." banggit niya.






"Hihintayin nga kita." antok na banggit ko.




"Hindi naman ako makakagalaw kasi nandiyan ka sa likod ko." maayos na banggit niya at nilingon ako.





Nagmulat ako at tinignan siya.




"Mamaya mo na gawin yan. Bakit ba naisipan mong mag bake ngayon? Rita, 4am pa lang kaya." banggit ko.






"Maaga ang pasok ko Ken kaya hindi ko matatapos agad to. Magluluto pa ko ng kakainin natin after nito." banggit niya.







"Para saan ba yan? Sa ibang araw na lang yan." mahinang banggit ko at mas niyakap siya.





"Hindi pwede.. kailangan ko 'tong maibigay mamaya..." bigla siyang natigilan sa sinasabi niya. At mukhang alam ko na kung bakit hindi niya naituloy ang sasabihin niya.





Lumayo ako ng konti sa kaniya para tumayo ng maayos.







Mamaya?? Ibig sabihin, para yan kay Harvey dahil birthday niya ngayon. Pupunta pa rin ba siya sa bahay ng lalaking yun kahit halos mag-away na kami kanina dahil sa taong yun?





"Ibibigay mo yan kay Harvey?" tanong ko dahilan para mas makita ko ang kaba sa mukha niya.






Bigla siyang nag-iwas ng tingin.





Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon