Chapter 29

187 16 4
                                    


RITA'S POV


Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Pinilit kong maimulat ang mata ko at kinuha ang phone para tignan kung sino iyon.


Head Nurse calling...




Maingat kong inalis ang braso ni Ken sa bewang ko pero naramdaman pa rin niya iyon at mas yumakap sakin.




"Mamaya ka na bumangon. Wala naman tayong pasok." antok pang banggit niya.






"Tumatawag sakin si Head Nurse." mahinang banggit ko.






"Bakit naman kaya?" tanong niya at binuhat ang katawan paupo sa kama habang nakapikit pa rin. Mukhang antok na antok pa talaga siya. Sabagay, masyado pa naman kasing maaga. Wala pang 6am.



Agad na rin akong umupo at sinagot ang tawag ni head nurse.





"Hello po ma'am." sagot ko sa call at napatingin kay Ken nung maramdaman ko ang pagpatong ng baba niya sa balikat ko at pagyakap sa bewang ko.





Hinayaan ko na lang dahil antok pa talaga siya. Kahit ako rin naman ay medyo antok pa pero mukhang emergency kaya napatawag si Head Nurse.





(Pasensiya ka na Rita kung napatawag ako bigla. Pero pwede bang pumasok ka ngayon dito sa hospital? Mamaya ko na lang sasabihin ang dahilan dahil kailangan ko ring tawagan ang ilan sa mga kasama mo mag OJT dito. Kailangan talaga namin kayo ngayong araw. Ayos lang ba?) 



Boses pa lang niya ay alam kong may emergency talaga sa hospital.


"Sige po ma'am. Na-contact niyo na po ba si Harvey? Gusto niyo po ako na po ang kumontak sa kaniya?" tanong niya dahilan para maramdaman ko ang pag-alis ng yakap ni Ken sa bewang ko at maging ang ulo niya sa balikat ko.






O, akala ko ba, okay na sila ni Harvey bakit parang magseselos na naman ata tong asawa ko, nabanggit lang ang pangalan nung bestfriend ko hahahaha.






(Hindi pa. Sige, pakitawagan na lang siya, ako nang bahala sa iba. maraming salamat. Kung kaya ninyong makapunta agad para may mga makatulong kami sa pag-aasikaso. maraming salamat talaga, Rita)




"No worries po ma'am. Sige po, tatawagan ko lang po si Harvey then mag-aasikaso na po ako para makapunta po diyan."




"Ha? Papasok ka?" dinig kong tanong ni Ken dahilan para tignan ko siya. Mukhang gising na gising na siya dahil sa mga narinig niya.




Sinenyasan ko siya na tumahimik muna. Sumimangot naman siya.




(Pasensiya na talaga Rita, alam kong pahinga ninyo ngayon)






"Okay lang po head nurse. Wala pong problema. Pupunta po ako para makatulong," banggit ko at tumingin kay Ken na para bang nagpapaawa. Kita ko sa kaniyang hindi siya makapaniwala sa mga salitang binanggit ko. 




(Maraming salamat talaga)




"Sige po ma'am, tawagan ko na po si Harvey. Kita na lang po tayo later." banggit ko habang nakatingin pa rin kay Ken pero hindi na siya nakatingin sakin.






Kita ko ang disappointment sa mukha niya.


(Sige. Ingat mamaya sa byahe. Salamat uli)




Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon