RITA'S POV
Pagdating namin sa kwarto ay marahas akong binitawan ni Ken paupo sa kama niya.
"Bakit mo sinabi yun kay mommy?" inis na banggit niya.
"Gusto ko lang naman na.."
"Gusto mo na mas umasa siya!!" gigil niyang bulong sakin. "Gusto mong paasahin ang mommy ko na magkakaanak tayong dalawa?? Gusto mong mas i-push nila tayo na magka-anak!! Alam mo Rita na hinding-hindi mngyayari yun! Hinding-hindi tayo magkakaanak!" may diing banggit niya.
"Bakit ba ayaw mong magkaanak? Mag-asawa tayo, Ken. Normal lang na maghanap sila ng anak sa'tin." banggit ko.
"Para ano? Para mas matali ako sayo?? Para mas magkaroon ka ng access sa buhay ko?? Tsss.. No way, Rita. No f*cking way!!" gigil na banggit niya.
"Pero may nangyayari satin Ken. Tingin mo ba-"
"Kung ayaw mong mas tumindi pa ang galit ko sayo, Rita, hinding-hindi mo hahayaang may mabuo tayo sa mga nangyayari satin." banta niya.
"Mag-asawa tayo Ken at normal lang satin na magkaroon ng anak!"
Nagulat ako nung bigla niya kong ihiga sa kama.
"Kapag ba binigyan kita ng anak, makikipaghiwalay ka na sakin?" kita ko ang inis sa mga mata niya. "Mag-asawa lang tayo sa papel Rita, pero kahit kailan, hindi kita tinuring na asawa ko." banggit niya at hinalikan ako.
Mapag-akin... Mapagparusa.. Halos katulad na katulad nung unang beses na may mangyari samin.
Ginamit ko ang buong lakas ko para maitulak siya. Aalis na sana ako pero muli niya kong pinigilan at muling itinulak sa kama.
"Di ba gusto mo ng anak?? Di ba sabi mo, mag-asawa tayo? Bakit ayaw mong magpagalaw ngayon?" seryosong banggit niya at muling lumapit sakin kay napaatras ako sa kama niya.
Alam kong galit na naman siya kaya ganito siya umakto ngayon.
"Makinig ka sakin, Rita. Kapag nabuntis ka, madadamay ang batang yun sa galit ko sayo. Kamumuhian ko siya katulad ng pagkamuhi ko sayo." banggit niya. "Kaya mamili ka, ako o yung batang pwedeng mabuo sa sinapupunan mo? Hindi ako t*nga, Rita. Alam kong hindi ka umiinom ng contraceptive pills katulad ng sinasabi ko sayo kaya magkakasubukan talaga tayo once na may mabuo sa mga nangyayari satin." seryosong banggit niya.
Napatitig ako sa kaniya. Hinahanap ko sa mga mata niya yung taong minahal ko. Yung lalaking hinding-hindi ako sasaktan ng ganito.
"Mahal kita, Ken." mahinang banggit ko habang unti-unti ko nang nararamdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
"Pagmamahal ba ang tawag mo sa sitwasyon natin ngayon? Nagses*x tayo, oo.. pero hindi na yun lalampas pa do'n. Wala ka nang ibang role sa buhay ko kundi ng maging s*x partner ko. Gusto mo ba yon? Patuloy mo bang aasamin na hanggang dito lang tayo? Na hanggang doon lang ang turing ko sayo??"
"Magagawa mo rin akong mahalin." banggit ko at agad pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko.
"Hindi Rita!! Hinding-hindi!!" banggit niya at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Makinig ka sakin. Intindihin mong mabuti 'tong sasabihin ko sayo." sambit niya pero alam kong magsasalita lang siya ng kung anu-ano kaya agad kong tinakpan ang tenga ko.
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
RomansaYou may see the description of the story in my old wattpad account "issa_gokou" from Chapters 1 - 11, and Chapter 12 on Twitter @sainy_zallara. Chapter 13 until the Last Chapter will be uploaded here. Medyo mahirap kasi iedit kapag sa twitter ko ipi...