Chapter 21

212 27 5
                                    


RITA'S POV

Naging tahimik kami ni Ken sa biyahe namin pauwi ng bahay. Parang wala ni isa man sa aming dalawa ang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya... Hindi ko alam ang pinaka dahilan kung bakit bigla na lang niya kong niyakap kanina.






Gustuhin ko man siyang kausapin, parang meron sa loob ko na nagsasabing mas makakabuti muna kung hahayaan ko na lang siya sa pananahimik niya... Na mas okay na ganito na lang muna kaming dalawa.





Nakarating kami sa bahay na wala pa ring umiimik saming dalawa. Yung akala kong magiging okay na kami ay hindi pa rin pala mangyayari. Akala ko dahil niyakap na niya ko kanina ay magiging ayos na uli ang pakikitungo niya sakin... Akala ko babalik na siya doon sa dating Ken na laging handang pumrotekta sa akin. Yung Ken na laging umaalalay sakin...

Kasi sa totoo lang, naramdaman ko naman talaga na nandoon siya kanina para sakin... Na okay lang umiyak ako dahil hindi niya ko pababayaan. Okay lang umiyak ako dahil nandoon siya para umalalay sakin. Parang katulad noon... nung mahalaga pa ko sa buhay niya.




Lumabas na rin ako ng sasakyan nung mai-park niya ang kotse. Palakad na sana ako papasok sa bahay nung bigla siyang lumapit sakin at kunin ang kamay ko bago ako dinala sa loob ng bahay.






Anong problema? May ginawa na naman ba kong mali??





Dinala niya ko sa kusina.





"Nagugutom ka ba?" mahinang tanong ko. "Sige, ipaghahanda na muna kita." banggit ko at maglalakad na sana nung pigilan niya ko.





Tinignan ko lang siya dahil naguguluhan ako sa ginagawa niya.






Ano bang kailangan niya? Kung nagugutom siya, bakit niya ko kailangang pigilan? Ipaghahanda ko na nga siya ng makakain eh.



Nagtaka ko nung pinaupo niya ko sa upuan sa harap nitong mesa.







"Bakit?" mahinang tanong ko.







"Diyan ka lang muna." mahinang banggit niya at dumiretso sa ref.




"Ken, ano bang gusto mong kainin? Ipagluluto na lang kita." banggit ko at tatayo na sana pero bigla siyang tumingin sakin.






"Maupo ka lang muna diyan." banggit niya at itinuloy ang paghahanap niya sa loob ng ref.





Sinunod ko na lang din siya. Baka mag-init na naman ang ulo niya sakin kapag sinuway ko pa siya.



Napahawak ako sa mga mata ko dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang pamamaga no'n. Napasobra ata ang pag-iyak ko kanina. Hindi ko kasi kinayang makita uli sila daddy doon.. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa akin yung lungkot at sakit sa tuwing nakikita ko sila doon. Parang kailan lang kasi nung kami-kami pa nila mommy ang magkakasama sa iisang bahay.



Feeling ko naiiyak ko na rin lahat ng sama ng loob na naipon ko dito sa loob ko... Lahat ng sakit na naramdaman ko nung magpakasal kami ni Ken. Lahat ng hinaing ko ay nasabi ko na rin kila papa kanina habang nagdadasal ako. Kaya kahit papaano ay medyo gumaan na rin ang loob ko. Parang kahit kaunti ay nabawasan yung bigat na nararamdaman ko dito sa puso ko. Ipinanalangin ko rin na gabayan nila kaming mag-asawa... na sana, tulungan nila kong palambutin uli ang puso ni Ken sakin at matanggap na niyang mag-asawa na talaga kami.





Napatingin ako sa mesa nung may ilapag doon si Ken.





Ice cream??








Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon