Chapter 18

166 23 0
                                    


KEN'S POV


Pagbalik ko sa garden galing loob ng bahay ay napansin ko sila tita Precy na nakaupo kasama si tita Nicole. Mga kapatid sila ni daddy. Lalapitan at babatiin ko sana sila nung mapansin kong nag-uusap pala sila. At... mukhang si Rita ang topic nila.




"Napakamaasikaso naman talaga ni Rita, ano?" banggit ni tita Precy habang nakatingin kay Rita na busy ngayon sa pag-aasikaso sa mga bisita. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi niya habang inaasikaso ang mga bata.

"Totoo ate. Tignan mo siya oh. Kaya masayang-masaya sina Veron na naging daughter-in-law niya ang batang 'yan eh. Ang ganda na, maalaga at mabait pa." nakangiting banggit din ni tita Nicole.

"Kahit din naman ako ang maging mother-in-law niya magiging masaya talaga ako noh. Sayang nga eh. Ang kupad naman kasi ni Matteo ko, naunahan tuloy siya." banggit ni tita na ikinataas ng dalawang kilay ko.

Teka... may gusto si Matteo kay Rita?? Si Matteo? Of all the people I know, talaga ba?? Nagkagusto kaya talaga siya kay Rita??

Teka... kaya ba lagi siyang nagpprisintang tumulong magluto noon kapag kasama namin sa mga outing si Rita? Para makasilay sa kaniya kasi alam niyang isa siya sa mga nagpprepare ng pagkain namin dati??


Don't get me wrong pero si Matteo ang masasabi kong living trophy ng clan namin. I mean, looks... body... talent... brain. Name it, I can say na nag-e-excell siya sa mga 'yon. Ever since mga bata pa lang kami tanggap na naming mga magpipinsan na ni hindi kami makakakalahati sa lahat ng mga achievements niya.


Pero kahit kailan, hinding-hindi niya ipinagyabang samin ang mga nakukuha niyang awards. Para lang din siyang normal na tao sa pakikitungo samin kahit alam naman ng lahat na bata pa lang ay genius na siya. Sobrang down-to-earth at super bait.


Kaya hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ano ang ibig sabihin ni tita na ang kupad ni Matt kay Rita? Ano ang ibig niyang sabihin na naunahan siya?


"E alam naman kasi natin ate na kahit noon pa man, si Ken naman talaga ang gusto ni Rita. Alam din naman ni Matteo yun, di ba?" banggit ni tita Nicole.




"Tama ka diyan. Pero akala ko noon kaibigan lang talaga ang turing ni Ken sa kaniya eh. Akala ko magbestfriend lang talaga sila kaya nga pinipilit kong pormahan na ni Matt si Rita noon, kaso sabi ng anak ko ayaw niyang makagulo sa pag-aaral ni Rita." kita mo ang lungkot sa mukha niya. "Ang balak niya after graduation sana niya sisimulan ang panunuyo sa kaniya... Yun nga lang, ayun... Naunahan na siya ni Ken."





"Ate, para ka namang ano diyan... Pamangkin mo rin naman si Ken, bakit naman parang lungkot na lungkot kang kinasal siya sa kaniya?" natatawang banggit ni tita Nicole.




"Nanghihinayang lang naman ako, pero masaya naman ako para sa kanila dahil nakikita kong masaya si Rita." sincere na banggit niya. "Alam ko ding masaya si Ken sa kaniya."




HUH! Kung alam niyo lang, mga tita! Kung nahalata ko lang dati pa na may gusto si Matt sa kaniya, baka itinulak ko pa silang dalawa na magkatuluyan.


"O Ken, nandiyan ka pala. Kanina ka pa diyan??" alanganing tanong ni tita Nicole at tinignan si tita Precy.


"Po? Ahh... Hindi po. Kalalabas ko lang po uli. Galing po ako sa loob. Kayo po, kanina pa po kayo dito? Hindi ko po kayo nakita kanina." banggit ko at tuluyang lumapit at nakipagbeso sa kanila.


"Hindi. Halos kararating lang din namin." nakangiting banggit ni tita Precy. Tumango-tango na lang ako.


"Kayo lang po ba? Sila Josh po?" tanong ko. Syempre hindi ko naman pwedeng banggitin si Matteo baka mahalata nilang narinig ko ang usapan nila. Si Josh ay nakababatang kapatid ni Matteo.



Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon