Chapter 27

281 28 24
                                    


KEN'S POV




Hinalikan ko ang gilid ng ulo niya dahilan para tignan niya ko.







"Kalmado ka na?" tanong niya dahilan para mapangiti ako ng bahagya at inalis na ang yakap ko sa kaniya. Pero muli siyang yumakap sakin. "Ganito muna tayo." banggit niya.




"Abuso ka na." banggit ko. Bahagya naman siyang tumawa at mas yumakap sakin. "Mahal na mahal kita, Ken. Sobrang mahal." banggit niya.











"Alam ko. Ramdam ko naman eh." banggit ko at muling hinalikan ang ulo niya bago siya niyakap.






"So... mahal mo na rin ako?" tanong niya. Pupusta kong nakangiti siya ng todo ngayon.







"Hm." banggit ko at tumango.




Kinikilig na mas yumakap pa lalo siya sa akin.






"Nananaginip lang ba ko?" tanong niya at tumingin sakin habang nakayakap pa rin. "Mahal mo na nga talaga ko?" pangungumpirma niya.






Hinawakan ko ang pisngi niya at dinampian siya ng mabilis na halik sa labi.





"I love you. Kaya huwag ka nang lapit nang lapit doon sa damuhong Harvey na yun kung ayaw mong magselos pa ko lalo." banggit ko at iniuntog ng magaan ang noo ko sa noo niya.







"Ken, kaibigan ko lang talaga si Harvey. Walang namamagitan samin."






"Alam ko. Walang malisya sayo. Pero sa kaniya? Gusto ka nung tao, Rita. Hindi mo ba talaga napapansin yung tingin niya sayo?" tanong ko.






"Nagseselos ka lang kaya ganyan yung tingin mo sa mga ginagawa niya.. Pero walang malisya yun. Siya na nga mismo may sabing hindi niya ko magugustuhan dahil ang tanga-tanga ko sa pag-ibig. Kaya imposible yang sinasabi mo." nakangiting banggit niya.





"Isa akong malaking patunay na hindi imposible yun, 'Ta. Remember, sinabi ko rin sayong hinding-hindi kita mamahalin, pero ano to ngayon? Kinain ko lahat ng sinabi ko." banggit ko dahilan para umaliwalas lalo ang mukha niya.






"Mahal mo nga talaga ko?" tanong na naman niya.







"Oo nga. Ang kulit mo. Sayang-saya ka kapag sinasabi ko e noh?" masungit na banggit ko.








"Hindi lang talaga ko makapaniwala. Mahal mo talaga ko?" nakangiting tanong na naman niya.







"Kahit din nman ako hindi makapaniwala. Hindi ko alam kung paano nagsimula o paano nangyari, pero yun na eh. Eto na yung nararamdaman ko sayo ngayon." banggit ko at niyakap din siya. "Kaya hindi imposible yung sinasabi ko sayo tungkol diyan sa kaibigan mo." banggit ko.






"Ken, hindi talaga masamang tao si Harvey. Alam niyang kasal ako sayo. Kung magkagusto nga siya sakin, alam kong pipigilan niya ang sarili niya dahil alam niyang ikaw lang ang mahal ko. Kaya huwag ka nang mainit ang ulo sa kaniya." banggit niya.





"Mas umiinit ang ulo ko kapag pinagtatanggol mo siya." banggit ko dahilan para lumayo siya ng bahagya sakin.





"Naiinis ka talaga sa kaniya dahil malapit kami sa isa't-isa?" tanong niya dahilan para pitikin ko ng mahina ang noo niya.








Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon