Chapter 14

166 20 0
                                    

RITA'S POV


"Rita." mahinang bulong ni Ken dahilan para mapamulat ako at agad mapaupo ng ayos.



Nakatulog nga ako. Hindi ko na namalayan na tapos na pala yung movie.




"Sorry Ken, nakatulog ako." hinging paumanhin ko pero ngumiti lang din siya at tumayo na rin.



"Okay lang, medyo inantok din ako kanina nung marinig kong humihilik ka na." tukso niya dahilan para mapatayo na rin ako.



"Humihilik ako kanina? Nakakahiya.." banggit ko at lumingon sa mga taong nagsisibabaan na dito sa cinema.





Narinig kaya nung katabi namin kanina yung hilik ko? Nakakaloka naman kasi yung pagtapik-tapik niya sakin kanina eh... Para talaga niya kong pinapatulog.




Naramdaman ko ang paghawak niya muli sa kamay ko dahilan para tignan ko siya.



"Joke lang. Tahimik ka lang na natutulog kanina. Ang himbing nga ng tulog mo, nakakainggit." nakangiting banggit niya dahilan para singkitan ko siya ng mata. Niloloko na naman niya ko.



Natawa siya ng bahagya at inaya na rin ako palabas ng sinehan.



"Ang lakas ng trip mo sakin ngayon." banggit ko dahilan para mas mapangiti siya.





"Merienda na lang tayo para makabawi ako sa pang-aasar ko." sambit niya. "Saan mo gusto?" tanong niya.




------------------------

KEN'S POV

"Sa puso mo." banggit niya dahilan para mapakunot ang noo ko sa kaniya habang nakangiti.



Cheesy line ba yun? Haha.



"I mean... kung saan mo gusto. Kung saan gusto ng puso mo. Yiieeehh, kilig 'yan." tukso niya dahilan para matawa din ako ng bahagya.



"Ako ba ang kinikilig? O ikaw?" nakangiting tanong ko.



"Ako." pag-amin niya. Hindi talaga mawala ang ngiti sa labi niya. "Syempre ka date ko 'yung asawa ko kaya kinikilig ako." masayang banggit niya at yumakap sa braso ko.




Parang bata, hahaha.



Napansin ko di kalayuan samin ang taong kaninang-kanina ko pa napapansin. Nakailang pictures na rin ang kuha niya samin mula nung nandoon pa lang kami sa bahay.



Alam kong kanina pa siya nakasunod samin. At alam ko kung sino ang nagpadala sa kaniya para sundan kami.




"Ken, okay ka lang? Bakit bigla kang natahimik?" tanong niya dahilan para muli ko siyang tignan at halikan ang ulo niya.






"Wala. Tara na? Maglakad-lakad na lang muna tayo habang iniisip natin kung saan tayo kakain." nakangiting banggit ko at muli nang naglakad.






Pasimple kong tinignan sa peripheral view ko ang lalaking iyon. Nakasunod pa rin talaga siya samin.






Nandito kami ngayon sa food court dala-dala ang mga pagkaing nagustuhan niya kanina.




"Sabi mo kanina busog ka pa. Ang dami nito oh." tukso ko sa kaniya. Nakakatawa kasi talaga ang itsura niya kapag niloloko ko siya. Ang sarap kurutin ng cheeks, haha.




Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon