Chapter 19

211 25 5
                                    


KEN'S POV

Pagdating nila Matteo kanina ay inobserbahan kong maigi ang mga galaw niya. At madalas kong mapansin ang panakaw na tingin niya kay Rita.

"Ken, gusto mo nung chicken curry?" tanong ni Rita dahilan para tignan ko siya. Nandito kami ngayon sa dinning area para mag dinner kasama ang mga kamag-anak namin.

"Mmm." simpleng banggit ko't tinignan si Matteo. Nakatingin siya kay Rita habang nilalagyan niya ang plato ko ng pagkain.



Bakit nga ba ngayon ko lang napansin? Bakit hindi ko napapansin agad noon ang panakaw niya sigurong mga tingin dito sa babaeng katabi ko?

"Thank you." banggit ko at dinampian siya ng mabilis na halik sa labi dahilan para makatanggap kami ng tuksuhan sa mga taong nakakita.

At doon napatingin sakin si Matteo. Proud na ngumiti ako sa kaniya at kumain na rin.

Nang matapos ang tuksuhan ay pasimple akong tumingin uli sa kaniya. Hindi na siya nakatingin kay Rita at mukhang napansin na niyang nahalata ko ang panakaw niyang tingin sa asawa ko.


Teka... sa asawa ko?? Talaga ba Ken? Tsk tsk.. I mean, sa babaeng katabi ko..

------------------------

Nandito kami ngayon sa garden dahil nagkayayaan kaming mag-inumang magpipinsan at katulad nang kalokohan ni Nikko kanina, inumpisahan na nga niya kong pagtripan.

Pasimple ang pagpaparinig niya ng mga green jokes na may kinalaman sa nalaman niya kanina kaya binabantaan ko siya ng tingin hanggang sa napansin siguro ng mga pinsan namin at naki-usyoso na rin sila sa kung ano ang nangyari kanina. Ang mokong naman ay pahapyaw na kinuwento ang mga nalaman niya.

Nailing na lang ako at uminom na rin. Napatingin ako kay Matteo na tahimik lang ding umiinom. Para bang wala siyang interes sa sinasabi ni Nikko.

"Cheers?" banggit ko dahilan para tignan niya ko.



Nasa harapan ko siya ngayon. Saglit siyang natigilan nung ilapit ko sa kaniya ang alak na hawak ko pero ngumiti rin at nakipag cheers sakin bago ininom ang beer na hawak niya.

Straight! Mukhang malaki talaga ang problema nito, hahaha..

"Hinay-hinay lang, malalasing ka agad niyan." banggit ko dahilan para tignan niya ko uli.

"Namiss ko rin kasing uminom." banggit niya at kumuha ng mani't kinain iyon.

"Yun lang ba talaga ang dahilan?" makahulugang tanong ko.

"Oo naman. Ano pa ba?" inosenteng tanong niya.

Nagkibit-balikat na lang ako at uminom na rin.

Dahil nagseselos ka samin ni Rita. Tsss..

"Rita, ano yan?" malakas na tanong ni Nikko dahilan para tignan ko si Rita na palabas ng bahay na may dala-dalang mga mangkok.

"Yung request mo." banggit niya habang naglalakad.

"Yan ang gusto ko sayo pinsan-in-law." banggit ni Nikko at tatayo sana para salubungin si Rita pero naunahan siya ni Matteo.

Lahat kami natigilan nung lumapit siya sa kaniya at tulungan ang asawa ko sa mga bitbit niya.



"Salamat." nakangiting banggit ni Rita sa kaniya. "Kunin ko lang din yung iba ko pang niluto sa loob." banggit niya nung tumingin siya samin.

Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon