KEN'S POV
"Haaaaaaay... Ang sakit ng ulo ko sa Quiz kanina. Kayo ba? Feeling ko naubos braincells ko, haha." banggit ni Carlo nang makaupo na kami dito sa caffeteria. "May pagkain na kayo? Tara, humahaba na ang pila oh. Gutom na ko." dagdag niya at tumayo na.
Tumayo na rin sina Miggy at Gelo.
"Ikaw Ken? Shane?" tanong ni Carlo samin.
"May baon ako." banggit ko at inilabas ang pagkaing gawa ni Rita.
"Naks naman oh. Luto ni Rita?" tukso niya.
"Yeah." banggit ko.
"Sana all, haha. Ikaw Shane? May baon ka rin? Himala ata? Di ka naman marunong magluto ah, haha." biro niya.
"Nagluto rin si manang kanina kaya nakapagdala ako ng pagkain." sagot niya at inirapan si Carlo.
"Isa pang "Sana all" haha. Sana all may asawa... sana all may kasambahay." natatawang banggit niya. "O sige, gora na muna kami sa pagbili. Taralets!" banggit ni Carlo't pumunta sa gitna nina Gelo at Miggy saka inakbayan ang mga ito na inalis din naman nung dalawa. Nagkulitan pa ang tatlo habang papunta sa pila.
Napatingin ako kay Shane nung kinuha na rin niya ang pagkain niya.
"Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sakin?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
Alam kong si Shane ang tumawag kay Rita nung gabing nangyari yung sa bar dahil sinabi niya iyon nung galit na galit niya kong pinagsisigawan nung gabing 'yon. Para kong nakaharap ang kapatid na babae ni Rita nung pagsasampalin niya ko. Galit na galit siya sa ginawa ko na para bang kapatid niya ang inagrabiyado ko. Pero naiintindihan ko rin naman siya kahit papaano.. Alam ko namang mali ang ginawa ko no'n. Alam kong hindi tama na pinapunta ko nung time na yun si Leslie doon at worst, hinalikan ko pa dahilan para makita nila kami.
"Dapat ba matuwa pa ko sayo?" inis niyang banggit. "Kung hindi lang dahil sa pakiusap nila Carlo hinding-hindi ko gugustuhing makasama ka. At alam mo kung bakit." may diin ang mga salitang banggit niya.
"Shane, hindi mo naman kasi naiintindihan ang buong nangyari. Ang alam mo lang ay 'yung nakita mo nung gabing 'yon." banggit ko.
"Alam ko na ang totoo kung paano kayo naikasal ni Rita." banggit niya na medyo ikinagulat ko.
Sinabi ni Miggy?
"Alam ko na 'yang itsurang 'yan. Oo, sinabi ni Miggy, pero huwag kang magalit sa kaniya kasi ako ang pumilit sa kaniyang sabihin ang nalalaman niya. Nakita kong hindi siya nagulat nung ipinakilala mo samin si Leslie. Ibig sabihin ay alam niyang may babae ka kaya hindi ko rin tinantanan ang taong 'yun hanggang sa hindi niya sinasabi sakin ang mga nalalaman niya sa kagaguhan mo." mataray niyang sabi. "At alam mong reaksyon ko?" mataray niyang banggit dahilan para mas tignan ko siya.
Mukhang alam ko na kasi kita naman sa itsura niya ngayon na hindi niya nagustuhan ang mga nalaman niya.
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
Любовные романыYou may see the description of the story in my old wattpad account "issa_gokou" from Chapters 1 - 11, and Chapter 12 on Twitter @sainy_zallara. Chapter 13 until the Last Chapter will be uploaded here. Medyo mahirap kasi iedit kapag sa twitter ko ipi...