KEN'S POV
Paano nagkaroon ng ganitong pictures si daddy?!
Hindi pa ko nakakabawi sa gulat na makita yung mga pictures na yun nung maramdaman ko ang paghila ni daddy sa kwelyo ko dahilan para mapatayo ako. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya. Alam kong ang galit na yun ay dahil sa nasaktan ko si Rita.
"Sabihin mo sakin ang totoo! KAILAN MO PA GINAGAGO ANG ASAWA MO!!" galit na galit niyang tanong na para bang sarili niya mismong anak ang ginawan ko ng masama.
"Dad, matagal na yan, oka-" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil muli niya kong sinuntok.
"MATAGAL NA?!! Matagal mo nang niloloko ang asawa mo?!" galit niyang bulyaw. "Hindi kita pinalaki ng ganito Ken! Ipinagkatiwala ko siya sayo dahil alam kong kahit labag sa loob mong magpakasal sa kaniya ay AALAGAAN MO PA RIN SIYA DAHIL GANUN NAMAN LAGI ANG GINAGAWA MO!! Hindi ko akalaing ganito pala ang ginagawa mo sa asawa mo!! Kaya pala... kaya pala ganun na lang ang iyak niya nung magpaalam siya nung uuwi na kayo. Kaya pala sabi ni Matteo, isang malaking pagkakamali na ipinakasal ko siya sayo!!" galit niyang sermon sakin.
"Paano napunta si Matteo sa usapang to? Sa kaniya ba galing ang pictures na yan?! Hanggang ngayon ba hindi pa rin niya tinitigil ang nararamdaman niya sa asawa ko?!"
"Kung alam ko lang na ganito pala ang ginagawa mo, MATAGAL KO NA SANANG PINA-VOID ANG KASAL NIYO!" gigil na gigil na bulyaw niya.
"Dad, hindi mo naman alam ang totoong mga nangyari-"
"Kakausapin ko si Rita, kahit ayaw niya, pauuwiin ko siya sa tita niya sa London." may diin ang mga salitang banggit niya.
"You wouldn't do that, dad," banggit ko. Aminado akong kinabahan ako sa sinabi niya. Paranng bigla ay may nag-uunahang kabayo sa puso ko ngayon dahil sa mga narinig ko. Seryosong-seryoso si dad at galit na galit talaga siya kaya alam kong tototohanin niya ang sinabi niya.
"Trust me, Ken. I would," sambit niya dahilan para mamuo na ang mga luha sa mga mata ko.
"Asawa ko siya dad. Walang ibang may karapatan sa kaniya kundi ako lang! Sa mata ng Diyos at batas, KAMI lang ang pwedeng magdesisyon sa buhay namin!" banggit ko.
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
RomanceYou may see the description of the story in my old wattpad account "issa_gokou" from Chapters 1 - 11, and Chapter 12 on Twitter @sainy_zallara. Chapter 13 until the Last Chapter will be uploaded here. Medyo mahirap kasi iedit kapag sa twitter ko ipi...