KEN'S POVNang matapos ako sa ginagawa ko sa baba ay umakyat ako para silipin si Rita. Nakahiga siya sa kama at mukhang tulog na.
Parang bigla din akong inantok kaya humiga na rin ako. Nakatalikod siya sakin kaya kitang-kita ko ang dahan-dahang paggalaw ng balikat niya katunayan na mahimbing na ang tulog niya.
Sinubukan kong pumikit na rin at matulog pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog. Alam mo yung feeling na inaantok ka na pero hindi ka makatulog? Ang gulo noh? Pero yun yung nararamdaman ko ngayon... Ewan ko kung bakit ganito?
Tumingin ako uli kay Rita at mas lumapit sa kaniya. Nung maamoy ko siya ay parang mas na-relax ako. Niyakap ko siya sa bewang at hinalikan ang ulo niya bago muling pumikit.
----------------------
Naalimpungatan ako nung maramdaman ko ang paggalaw ni Rita, nakatulog na pala ko.
Napatingin ako sa kaniya. Yakap ko pa rin siya at... nakayakap na rin siya sakin ngayon. Napangiti ako ng bahagya at muli na uling pumikit dahil inaantok pa rin ako.
-----------------------
"Ken.. Ken.." mahinang tawag niya dahilan para magmulat ako muli. "Halika, kain na muna tyo bago ka bumalik sa tulog." yaya niya kaya napatingin ako sa wall clock. Ala una na pala ng hapon. Ilang oras din akong nakatulog.
Umupo ako sa kama at pinagmasdan siya. Naka apron pa siya. Mukhang katatapos lang niya magluto. Wife material talaga.
Bumaba ako sa kama at niyakap siya. Alam kong nagulat siya kasi kahit ako nagulat sa ginawa ko pero hinayaan ko na. Hindi ko rin kasi alam kung bakit parang gusto kong nararamdaman siya ngayon.
"Kamusta ang tulog mo?" mahinang tanong niya.
"Okay naman. Dapat nagpa deliver ka na lang kesa nagluto ka pa. Maaga ka nagising?" tanong ko habang yakap ko pa rin siya.
"Hindi naman. Halos kagigising ko pa lang rin. Tara na sa baba. Kain na tayo." banggit niya kaya inalis ko na rin ang yakap ko.
"Sunod na lang ako mag-aayos muna ako ng sarili ko." banggit ko kaya tumango na rin siya at lumabas na rin doon.
Papunta na sana ako sa cr nung biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko iyon.
Leslie calling...
Ano kayang problema? Bakit siya tumatawag?
Sinagot ko iyon nung masiguro kong wala na si Rita dito sa kwarto.
"Leslie, bakit? Hindi nga kita masasamahan ngayon. Nandito kami ngayon ni Rita sa-"
(Si Rita na naman!)
Napatingin ako bigla sa screen dahil sa sinabi niyang yun.
Bakit galit agad siya?? Anong problema ng babaeng 'to?
(Hindi mo pa napapanood yung pinasa ko sayo noh?)
Parang nakikita ko kung gaano siya nagmamaktol ngayon. Baka meron kaya mainit ang ulo, hahaha.
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
RomanceYou may see the description of the story in my old wattpad account "issa_gokou" from Chapters 1 - 11, and Chapter 12 on Twitter @sainy_zallara. Chapter 13 until the Last Chapter will be uploaded here. Medyo mahirap kasi iedit kapag sa twitter ko ipi...