Chapter 25

400 29 24
                                    


RITA'S POV


Napatingin ako sa relo ko nang makaupo kami ni Harvey dito sa canteen para kumain. No'n ko lang napansin na ang bilis pala ng mga araw. Parang kahapon lang nung mabigyan kami ng endorsement, pero heto at nakatatlong araw na ng ojt namin. Wednesday na kasi ngayon.








Kung tutuusin, dalawang araw pa lang talaga ang totoong sabak namin dito sa hospital dahil tinour at in-orient lang kami nung first day, pero kahit halos 2 days pa lang parang isang buwan na kaming nagttraining dito. Mas nakikita namin ngayon kung gaano kahirap ang mangyayari kapag nasa field ka na talaga dahil 'yung mga trabahong ginagawa namin ay higit na magagaan kesa sa mga resident nurses dito.







Takbo dito, takbo doon ang ginagawa nila lalo na kapag may emergency. At totoong hindi nawawalan ng ipinapasok na pasyente dito sa hospital. Mula sa simpleng lagnat, asthma, hanggang sa mga malalang aksidente sa kalsada ay mayroon dito.



Mahirap pero masaya rin sa pakiramdam lalo na kung alam mong may natulungan ka kahit papaano. Nakakapagtaka man pero natutuwa ako kapag mas maraming ipinagagawa sa akin dahil mas nalilibot ko ang hospital. Mas nalalaman ko kung paano inaasikaso ng mga nurses at doctors ang mga pasyente dito.



"Ta."


Napatingin ako kay Harvey nung marinig ko ang tawag niya. Napangiti ako agad nung ilapit niya sakin ang binuksan niyang bottled iced tea. Mag-a- ala una y medya na pero ngayon pa lang kami magla-lunch dahil sa dami ng isinugod sa Emergency Room. Ang sabi, nagkaroon kasi ng food poisoning sa isang gathering sa kalapit na barangay. Mahigit singkuwenta katao ang naapektuhan at karamihan ay mga bata at may edad, kaya kinailangan ng mga doctor ang tulong ng lahat ng mga available nurses at junior doctor para maagapan ang lagay ng mga nalason.

Kasama kami ni Harvey sa mga nakatulong nila kanina kaya ngayon pa lang din talaga kami magla-lunch.

"Bakit?" tanong ko nung malunok ang kinakain ko. "Grabe yung kanina noh? Kawawa naman 'yung mga na food poison. Sunud-sunod kanina halos hindi rin tayo magkandaugaga sa kung sino ng uunahin." banggit ko at muling sumandok ng pagkain at kinain iyon.

"Oo. Pero magandang experience din 'yun satin. Nakita mo ba 'yung mga doctor kanina? Kahit ang daming pasyente parang ang chill lang nila. Ang bibilis nila gumalaw." banggit niya.

"Excited ka na magtrabaho?" nakangiting tanong ko. "Ako kasi nag-eenjoy ako dito. Gusto ko 'tong ganitong adrenaline rush." nakangiting banggit ko. "Ang sarap sa pakiramdam kapag umookay ng lagay ng mga pasyenteng hawak natin."


"Alam mo namang hindi ako makakapagtrabaho agad. Didiretso ako ng Med. School." banggit niya dahilan para maalala ko ang pangarap niya.




Gusto niya kasing maging doctor kaya right after graduation namin ay magreready na siya para sa pag-eenroll niya sa Medical School. Bagay naman siya doon kasi matalino talaga siya at mas bagay sa kaniyang maging doctor.

"Oo nga pala, soon-to-be Dr. Harvey Xin De Leon. Naks! Ang gwapo lalo ng magiging pangalan, haha. Bagay, doc!" tukso ko sa kaniya.

Natatawang naiiling naman siya.

"Nga pala, may gagawin ka bukas after natin dito?" biglaan niyang tanong.

"Hmm... Wala naman, bakit?" tanong ko at uminom ng iced tea.


Lumingon pa siya sa mga tao sa paligid bago mas lumapit sakin. Parang bigla ay nahiya siya sa sasabihin niya.

"Ano kasi... birthday ko bukas. Yayayain sana kita samin." mahinang banggit niya. Sapat na para marinig ko iyon.



Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon