Chapter 15

166 19 0
                                    

RITA'S POV

Isang linggo na rin ang nakaraan mula nung yayain niya kong pumunta sa mall. Mula nung umuwi kami bumalik na siya sa dati niyang ugali. Madalas uli siyang hindi napipirmi sa bahay. At kung magkakataon man na nandoon siya, halos hindi ko rin siya makausap dahil lagi siyang may ginagawa. Ayoko naman siyang abalahin dahil mukhang project nila yung pinagkakaabalahan niya.




"Lalim na naman ng iniisip natin ah." banggit ni Harvey nung umupo siya sa tabi ko.





Nandito kami ngayon sa garden malapit sa building namin. Dito kami madalas mag lunch nitong mga nakaraang araw dahil minsan na kaming na late sa isang class namin at napagalitan kami ng bongga dahil ang dami ring na-late nung time na 'yun. Late na kasi kami napaglunch kaya halos iilan lang ang nakapasok ng on-time sa klase nung prof. namin. Sungit pa naman nun. Kaya mula no' n, dito na kami kumakain para mas mabilis kami makabalik sa building. Lagi naman kaming may baon ni Harvey kaya hindi na kami actually nabili ng pagkain namin.




"Kasama ko sa iniisip mo?" nakangiting tanong niya nung kulbitin niya ko.





"Oo." sagot ko.






"Naks! Rita, iba na yan. Baka nai-inlove ka sakin ha, sabihin mo lang." biro niya na ikinatawa ko.






"Luko-luko! Asa ka pa noh! Para kay Ken lang ang puso ko noh." banggit ko at binuksan na ang baunan ko.






"Mahal mo nga, di ka naman mahal." banggit niya dahilan para matigilan ako.




"Sakit noh? Maganda yan. Para matauhan ka na." banggit niya dahilan para hatawin ko ang braso niya.





"Aray! Masakit yun ha!" daing niya at hinimas-himas ang braso niya.





"Sakit noh? Dapat lang sayo yan." banggit ko at inirapan siya.






"Sungit talaga nito para binibiro lang ih." natatawang banggit niya.





"Binibiro... Neknek mo! Siraulo ka!" banggit ko na ikinatawa niya.







"Meron ka ba? Ang init agad ng dugo mo." natatawang banggit niya kaya inirapan ko siya uli. Tatawa-tawa pa. Kainis!





Pasimple sana siyang kukuha ng niluto ko pero agad kong tinapik ang kamay niya.



"Hahahahaha. Galit ka talaga sakin?" natatawang tanong niya.







"Mukha ba kong natutuwa sayo?" inis kong tanong sa kaniya na mas ikinatawa niya.






"Ang cute-cute mo talaga kapag naiinis ka." natatawang banggit niya at binuksan na rin ang baunan niya. "Kumain ka na, gutom lang yan." dagdag pa niya.




Masama ang loob na kumuha na rin ako ng pagkain ko.




"Uy, sorry na. Binibiro lang naman talaga kita eh." pag-aamo niya sakin. "Di ko naman akalaing mapipikon ka. Sorry na. Bati na tayo." dagdag niya.




Iniabot ko sa kaniya ang baunan kong pinaglalagyan ng ulam. Alam na niya yun. Alam niyang okay na kami uli.




"Huwag mong kukunin lahat ha." banta ko na ikinatawa niya at kumuha na rin siya. Nilagyan din niya ko sa baunan ko ng ulam na dala niya.




Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon