RITA'S POV
"Paalis ka na?"
Napatingin ako sa likod nung marinig ko si Ken. Bitbit ko na ang bag ko at palakad na rin sana palabas ng kuwarto. Kalalabas lang niya ng banyo. Nakatapis lang ng tuwalya ang pambaba niya habang hawak ang isa pang tuwalya na ipinamumunas sa buhok niya.
"Oo. May kailangan ka pa ba?" tanong ko at binaba ang bag ko. "Naayos ko na yung uniform mo. Nasa baba na rin yung lunch mo." banggit ko at kinuha ang uniform niya bago iniabot sa kaniya iyon pero hindi niya iyon kinuha bagkus ay tinigil pa niya ang pagtutuyo sa buhok niya.
"Kailangan mo nang umalis agad?" tanong niya.
Tumingin ako sa relo ko para tignan ang oras.
"Maaga pa naman. Bakit?" tanong ko.
"Sabay na tayo. Ihahatid kita." banggit niya na ikinagulat ko.
"Ihahatid mo ko?" pag-uulit ko.
"Yeah." banggit niya at iniabot sakin ang towel na nasa kamay niya dahilan para magtaka ko.
Mas lumapit siya sakin at medyo yumukod. Napangiti ako dahil doon. Para bang gusto niyang ako ang magpunas ng buhok niya. Nagpapa-baby?? Hahahaha
Isinabit ko na lang tuloy uli ang uniform niya at dinala siya sa kama para makaupo at hindi siya mangalay sa kayuyukod. Maingat kong tinuyo ang buhok niya. Maaga pa naman kaya puwede ko pa siyang asikasuhin.
"Sa school ba ang diretso mo?" tanong niya habang pinupunasan ko ng buhok niya.
"Hindi. Diretso na kami sa ***** Hospital. Start na kasi ang OJT namin." banggit ko.
"Anong oras ang uwi mo?" tanong niya.
"Hmm... Mga 4 or 5pm siguro. First time pa lang namin mamaya kaya hindi ko alam kung magiging madali ba ang mga ipagagawa nila samin." banggit ko. "Ang sabi kasi samin ng Prof. namin, i-ready namin ang mga sarili namin dahil pwedeng ma-extend ang hours ng ojt namin depende kung kailangan talaga ng hospital ang tulong namin. Alam mo na, minsan sa dami ng pasyente kinukulang talaga ang mga nurse sa hospital." dagdag ko.
"So hindi ka na pupunta ng school?" tanong niya at tumingin sakin.
"Friday. Yun na lang ang araw ng pasok namin. Para na lang din ipasa ang mga written reports tungkol sa mga ginawa namin sa ojt at mag-attend ng dalawang subjects pa." banggit ko. "Hindi ko lang sure pero sabi nila baka pati Saturday need namin mag-duty sa hospital. Hindi pa sure kasi mamaya pa lang ilalabas ang endorsement namin."
"Magiging sobrang busy mo na pala." banggit niya dahilan para matigilan ako at titigan siya.
Mukhang na-realize niya rin yung sinabi niya kaya agad siyang tumayo at dumiretso na sa kinaroroonan ng uniform niya.
Napangiti naman ako dahil doon. Yung himig niya kasi kanina para bang nalulungkot siya na mababawasan na ang oras na magkakasama kaming dalawa.
"What I mean is... maganda 'yan. Tama 'yan na maging busy ka. Para din naman 'yan sa experience mo." banggit niya dahilan para lingunin ko siya.
Nagbibihis na siya ngayon.
Lumapit ako sa kaniya nung sinuot na niya ang polo niya. Tinulungan ko siyang isara ang mga butones no'n. Hindi naman niya ko pinigilan.
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
RomanceYou may see the description of the story in my old wattpad account "issa_gokou" from Chapters 1 - 11, and Chapter 12 on Twitter @sainy_zallara. Chapter 13 until the Last Chapter will be uploaded here. Medyo mahirap kasi iedit kapag sa twitter ko ipi...