Sixteen

28 4 0
                                    

SONG-YI

"Doon ka sa group 4."
"Doon ka sa group 4."
"Doon ka sa group 4."
"Doon ka sa group 4."

Mas pinapamukha mo naman sa akin konsensya eh! Huhuhu.

Tila parang nabagsakan ako ng langit at lupa. Paano na yan? TT_TT

Buti na lang, pati si Eun-sang kagrupo ko. Sigurado akong magnining-ning ang mga mata niya dahil leader namin ang love niya.

Lahat kami ay lumabas at pumunta sa gymnasium ng ferry. Ewan ko ba kung bakit dito pa meron naman yung auditorium. Nageffort pa naman akong maglakad.

Pag pasok ko doon, lahat ng groups ay nakapwesto na. Nakita ko si Eun-sang at lumapit sa kanya.

"Hi Eun-sang!" sabi ko habang nakangiti. Pero tinignan lang niya ako at naglakad papalayo sa akin. May nagawa ba akong mali?

Nawalan ako ng gana at umupo sa pinakamalapit na bench.

"Uy." may tumabi sa akin sa bench. "Why such a sad face? Smile ka naman oh!" sabi sa akin ni Luhan.

Natawa lang ako. "Wala 'to. Nababagot na kasi ako dito."

"Apir tayo diyan! Haha. Pero ba't nag-iisa ka?" tanong niya.

"Ah. Hindi kaya. Kasama kita ngayon, diba? Haha."

"Naks naman!" sabi niya saka tumawa.

Naputol yung pagtatawanan namin ni Luhan ng lumapit si Kris sa amin.

"Maglalambingan na lang kayo o makikilinya sa amin?" tanong niya habang nakacross arms.

"Chill dude. Chill. Pupunta na kami. Halika na Song-yi." sagot ni Luhan.

Tumayo na ako at pwepwesto na sana ng pigilan ako ni Kris.

Lumapit siya sa akin. "Don't make me fucking jealous, Song-yi. Or else, you're going to face the consequences." bulong niya at naglakad palayo.

**********

"Okay. Ang unang game natin ngayon ay
Back to School relay. Sa nakikita niyo ngayon may mga upuan sa harapan niyo at may nakapatong na 2 books, isang bag at ID. Dapat mabitbit niyo ang mga yan BAGO kayo tumakbo at dapat na nasa harapan kayo ng chair habang naglalagay. BAWAL rin ang maglagay ng gamit HABANG tumatakbo. Kailangan niyong iwasan ang 3 chairs na yan tapos bumalik kayo ulit sa group niyo. So, are you ready?" sabi ng emcee habang may nagdedemonstrate naman sa harapan kung paano.

"YESSS!" sigaw nang karamihan. Halatang excited talaga.

"Well then, we are going to give you 5 minutes para pagplanuhan ng mabuti kung paano niyo lalampasin nitong laro na 'to. Kasi kapag nagkamali ka ng maraming beses, uulitin niyo ang laro." dagdag niya.

Tinawag kami lahat ni Kris para magplano. "Guys, iuna niyo muna yung mga mababagal tas ihuli ninyo yung mabibilis. Okay? Sige arrange na!"

Tsk. Hindi na nagreact yung iba kasi of course, si Kris ang kanilang hari. Sakit pa niyang magsalita. Di man lang nila nafefeel yon? Grabe. Heartless nga talaga sila.

"Sigurado ka ba talagang mananalo tayo niyan?" sabat ko. Tumingin lang siya sa akin at tumawa bg bahagya.

"Are you judging my leadership skills or you just don't trust me, Song-yi?" seryosong sabi niya.

Tumingin rin sa akin si Baekhyun at Luhan. Ohhhh. Parang nailagay nanaman ako sa hot seat neto. Pero di nagpumigil ang bunganga ko.

"Hindi at hindi. Wala naman akong sinasabi na jinujudge ko ah. Pero ba't ka nagpapaapekto? Ang gusto ko lang naman na ipoint out ay pakinggan mo naman yung suggestions ng iba. Tignan mo kung komportable sila. Hindi lang ikaw na lang lagi yung nasusunod. Yan ang ibig sabihin ng tunay na leader. Pero sa tingin ko, boss ang gusto mong turing namin sayo. Edi kung yun ng gusto mo, edi yun. Wala na akong magagawa pa. Isa lang naman akong dukha sa loob ng kaharian ninyo."

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon