Gheis over Flowers

186 6 1
                                    

PROLOGUE

"Kang Song-Yi! Gising na! Kailangan mong ideliver itong uniform sa EXO High!" umagang umaga ang ingay! Kinuha ko lang yung unan ko at ginamit pangtakip sa tenga ko.

"Hoy Song-yi! Bangon na!!!!!!" sigaw pa rin ni Mama. Kumuha pa siya ng kaldero at ginamit na tambol.

"Oo na mama. Tatayo na ko!" bumangon naman ako at padabog na pumasok sa CR.

Binilisan kong naligo dahil naiinip na daw kakahintay yung may-ari ng uniporme. Grabe, ganon ba kaarte yung mga taga-EXO High na yan!? Sarap tadyakan eh. Pati pagtulog ko nasisira. Tsk.

Nagbike ako papuntang EXO High. Binilisan ko na lang dahil baka maipit pa ako sa traffic sa daan. Pinapasok ako ng guard dahil kilala nanan niya ako. Naging tambakan na ng uniporme ng university ang shop namin. Ang alam ko nga noon eh, mayayaman lahat ng nag-aaral dito pero bakit sila nagpapalaba sa amin!?

Naghintay na lang ako sa harap ng main entrance. Sabi ni Mama dito na lang daw ko ibibigay yung damit dahil bawal daw outsider. Tsk. Ang raming arte eh halos memorize na ni Manong Guard yung mukha ko eh!

Wala pang 10 minuto ako naghihintay rito ng nagsitakbuhan ang mga estudyante papasok.

"Nako. Nakakuha siya ng silver card!" sabi ni Girl 1.

"Oo nga eh. Lagot siya sa 12 gheis. Madudumihan na yung gwapo niyang mukha." sabat naman ni Girl 2.

"Hey mga bessies, nasa rooftop daw yung papabels na nabigyan ng silver card." Girl 3.

Naubos na yung pasensya ko kakahintay sa kanya kaya pumasok na rin ako. Wala namang nakahalata eh kaya hinanap ko yung may-ari ng uniform. Pagrating ko sa 5th floor, nakita kong nagkukumpulan lahat ng estudyante papuntang rooftop. Di kaya? Agad naman akong sumunod sa kanila. Nagbabaka sakali akong makikita ko rin yung customer at para makaalis na dito. Mali pala yung hinala kong pumasok, may sumigaw nga ng outsider pero walang pumansin.

Pagkarating ko sa rooftop, maraming nagsisigawan at tumatawa. Tumingin ako sa tinatawanan nila at yung customer ko yun ah! Kasalukuyang binubugbog siya ng 3 mga lalaki na nakauniform rin. Di na ako nakapagtimpi kaya sumugod ako sa tatlong lalaki.

Hinila ko yung kwelyo sa isa sa mga lalaki. "Yah! Ba't mo ginagawa yan sa kanya ha!?" sabi ko at bigla kong sinipa yung mukha niya. Hoy wag kayo, black belter ako sa taekwondo.

Napatumba lang yung lalaki. Reresbakan sana ako nung isang kasama niya pero nasuntok ko na yung tiyan niya kaya natumba rin siya. Habang yung naiwan ay biglang sumuntok pero nakaiwas ako at pinatumba ko. Tinadyakan ko pa. "Oh ano lalaban pa kayo?" sabi ko at tumakbo sila papalayo. Nagbulungan lang yung mga nanood.

"Grabe ang angas niya tol." Boy 1.

"Oo nga eh. Ayaw kong magkaroon ng gf na ganyan." Boy 2.

"Tss. Outsider." Girl 1.

Tumingin ako sa tabi ko pero wala na yung costumer ko. Napansin kong umaakyat siya at mukhang tatalon. Nataranta ako kasi baka multuhin ako gamit ng uniform niya na di nakuha mula sa akin.

Sumunod naman ako sa kanya. "HOY! WAG MONG BABALAKING TUMALON! LETSE KA. WAG!!!!!" sigaw ko sa kanya.

"Teka, sino ka ba!?" tanong niya. Aba't! Tsk!

Huminga ako ng malalim para mahold ang temper ko. "Ako po yung magdedeliver sana ng uniform niyo. Song-yi's dry cleaning." sagot ko at tumawa lahat ng taong nakapalibot sa amin.

"Sinasabi ko sayo, mga nabubuhay na demonyo ang nag-aaral dito. Umalis ka na." sabi niya at tumalon.

"WAGGGGGGGGG!" sigaw ko.

Sa totoo lang, hindi naman talaga nahulog yung lalaki eh. Nasalo ko nga yung kamay niya. Peste pala itong eskwelahan na pinasukan niya no? Saksakan ng yabang at kademonyuhan ang mga estudyante. Hay.

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon