Nineteen

23 3 1
                                    

SONG-YI

"Kailangan mo ba talagang umalis? Wala tuloy akong kasama dito sa malaking kwartong 'to. Kasalanan 'to nung Eun-sang eh, pag makikita ko talaga yun, uupakan ko!" sabi ni Min-Gi habang tinutulungan niya akong mag-ayos ng gamit ko. "Ohhhh. Mamimiss kita!" Saka niya ako niyakap.

Tumawa lang ako sa naging reaksyon niya. "Ano ba, magkikita naman tayo next week sa ramyun shop eh at babantayan ka daw ng Ghei12. Wag mo na ding patulan si Eun-sang. Hayaan mo na siya."

"Hays. Buti na lang love na love kita kaya wag na. Sayang beauty ko," tumawa lang ako.

"Ay oo na pala! May tanong ako. Kahapon ko pa sana 'to tatanungin pero wala ka eh."

"Ano naman 'yon?" sagot ko.

"Mahal mo ba si Kris?" tumigil ako sa pagaayos ng aking gamit at tumingin sa kanya.

"Uhh. Ehh. Hindi?" Sagot ko.

"Weh?" Pagmamakulit niya.

"Oo nga. Asungot sa buhay ko yun."

"Eh bakit kayo ganon?" Minsan, di ko alam ano pinapahiwatig nitong babaeng 'to.

"Anong ganon?"

"Ang sweet niyo. Ikaw, kahit sinabi mong di mo siya mahal, parang mahal mo siya." Napaupo lang ako at lumapit naman siya para tabihan ako. "Siguro tama ako 'no?"

"Okay, aaminin ko na. Meron akong nararamdaman sa kanya. Naramdaman ko lang 'yon noong binantayan niya ako pagkatapos ng masamang nangyari sa akin sa party. Ewan ko, siguro, gusto ko pang makita kong worthy ba talaga siya para sa akin." Ngumiti lang ako sa kanya.

"Hay, nafall ka na nga." at tumawa lang kami bigla.

Pagkalipas ng ilang minuto, nakaayos na ako ng gamit at hinatid pa ako ni Min-Gi palabas ng kwarto. Isinara niya yung pinto at niyakap ako. "Ingat ka sa pagbabalik mo sa Seoul ah?" Pagaalala niya.

"Oo. Ikaw din ah? Ingat ka." Sabi ko at kumawala ako sa yakap niya. Kumaway ako sa kanya at tuluyang naglakad papunta sa lunga ni Kris.

Papalapit na ako sa door niya nang may naririnig akong naguusap sa loob.

"Kris. I'm telling you, this is for the sake of our company! We need to attend that conference because I want them to know that you're next heir of SM. I want them to show your worth, son and also, we're going to meet your fianceè in Japan so please, stop being so stubborn about this matter and obey my orders!"

"Why do you need to control everything in my life Mom?" boses ni Kris yun ah. "Marrying that girl isn't an option to the expansion of our company. What do you want me to do then? I followed every single word that you ordered me, every piece of it. I know, I'm the next heir but did you even think about my feelings? Mom, I'm only 19 then you want me to meddle into our business?"

Sa tingin ko, katawag niya yung Mama niya. Grabe rin pala buhay niya, kahit sobrang rangya, hindi pala ganun kadali.

"Don't use that tone with me, young man! There's nothing you can do about it anyway. This is the flow of your life, it's neither you choose it or lose it." galit na sabi ng Mama niya.

Tama ba yung nadinig ko, may fianceè na si Kris?

Mukhang tapos na yung usapan nila kaya kumatok na ako ng pinto. Akma naman bubuksan na niya ito tulak-tulak ng kanyang maleta. "Kanina ka pa ba andiyan?"

"Hindi. Kararating ko lang, bakit?" pagsisinugaling ko. Ayokong sabihin sa kanya na narinig ko lahat ng usapan nila, pati na din tungkol sa pagpapakasal niya.. Sa tingin ko, hindi mapapalagay si Kris kapag nalaman niya ang katotohanan kaya mas okay na itago ko muna ang nalalaman ko pati na din ang nararamdaman ko.

"Ahh. Okay, let's go?" tapos hinawakan niya yung kamay ko.

Nang nakalabas na kami sa lobby, agad kaming bumaba papunta sa yacht na pabalik sa Seoul.

Nagsimula nang umandar yung yacht at ni isa sa aming dalawa ang nagsasalita. Ako, nakaupo lang sa dulo habang si Kris, lutang na lutang at parang ang layo ng tingin.

Di ako sanay.

Kasi dati, nagbabangayan kami.
Nagsisigawan.
Nagaaway.

Ngayon, niisa sa amin walang maibubugang salita sa isa't isa.

Baka paghahanda na 'to siguro, kasi dadarating rin yung araw na mawawala si Kris at makikita ko na lamang na may kasama siyang iba.

Pero hahayaan ko ba 'yun?

Siguro..

****

Nakarating na rin kami sa Seoul. Unang bumaba si Kris at sumunod ako sa kanya. Akala ko, magpapaalam siya sa akin pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad at pumasok sa kotse niya.

Puro ka talaga akala, Song-yi.

Nang makaalis na si Kris, kumuha na ako ng taxi papunta sa bahay namin.

Pagkarating ko sa bahay, si Mama ang unang bumungad sa akin at niyakap ako. "Oh anak, kumusta yung ferry trip niyo? Kumain ka ba ng marami 'ron? Inalagaan ka ba ni young master?"

"Ah. Oo naman ma. Sige, matutulog muna ako." walang buhay akong sumagot kay mama. Sorry Ma, pero wala talaga ako sa mood.

Ngumiti lang si Mama. "Oh sige anak, alam kong pagod ka."

Tumango lang ako at pumasok sa kwarto.

Umupo ako sa study table at kinuha yung cellphone ko. Ewan ko, wala naman akong katext pero may nakita akong '1 message received'. Binuksan ko naman 'yon.

From: Unknown number

I'm sorry about earlier. I'm coming back for you, okay? I love you.

- your handsome hubby

Napangiti naman ako. Kahit kailan talaga, bipolar ni monster.

Aasahan ko yan, Kris.

****

Nagising ako sa katok ni mama. Nakaidlip ako ng konti. Siguro nga, pagod na pagod ako mula sa ferry trip.

"Bakit po Ma?"

"Anak, labas ka muna. May sasabihin lang kaming importante." sabi niya.

Lumabas naman ako at nagpunta sa salas namin. Andoon rin si Papa at tumabi sa kanya si Mama. Humarap naman ako sa kanila. "Ano po 'yung sasabihin niyo Ma? Pa?"

Parang naiiyak si Mama habang nakatingin sa akin. "Ma. Bakit may problema ba?" tapos tumingin ako kay Papa pero nakatingin lang siya sa baba. "Pa, bakit anong nangyayari?"

"Anak, kailangan ka na nilang kunin."

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon