Eight

49 6 0
                                    

SONG-YI

Edi mag-isa akong umalis ng gym. Iniwan kasi ako ni Kris eh. Kainis! Ba't ka naman maiinis? Dahil ba mas gusto mong extended version yung hug niyo? Aba hindi konsensiya ah! Weh? Oo! Promise. Ayoko kayang ihug siya. Hinug mo na nga, inamoy mo pa. Deny pa more. Hindi kaya! Tss. Konsensiya naman eh.

Umalis na ako ng Gym at umakyat papunta sa rooftop. Kung saan nagumpisa ang lahat..

Nakarating rin ako doon. Di ko napansin, maganda pala ang view dito. Makikita mo lahat ng buildings ng EXO High. Tapos sa pathway pa niya ay may mga pink cherry blossoms kang madadaanan. May soccer field pa siya at makikita rin dito ang park kung saan naghabulan kami ni Eun-sang.

Ewan ko kung anong nararamdaman ko. Dahil dun, napasigaw ako. "Ahhhhhhh I HATE YOU KRIS!"

"Ang ingay mo Song-yi." biglang may lumitaw na boses. Natakot ako bigla. May multo dito!? Tumingin ako sa iba't ibang sulok ng rooftop at nakita kong may nakashades na lalaki na nakasuot ng headphones habang nakaupo at nakasandal. Si Luhan.

Tinanggal niya ang shades niya at tumingin sa akin. "Ba't andito ka? Diba may klase ka pa?"

"Di ako pumasok sa klase." sabi ko.

"Ahhh. Bad girl ka pala ah."

"Uy hindi ah. Eh ba't ikaw, diba dapat may klase ka rin?" tanong ko. Ibinalik naman niya ang shades niya.

"Nakakatamad rin pumasok. At hindi pwede doon matulog kaya lumabas na lang ako para matulog rito."

"Ah ganun ba."

"Upo ka Song-yi. May itatanong ako." sabi niya at inoffer yung space sa tabi niya. Wala akong nagawa kundi sumunod.

"Oh ano itatanong mo?"

"Uhm. Tell me about yourself." sabi niya at ngumiti. Ganda ng ngipin ah.

"Uhm. Ako si Song-yi. Tinaguriang Modern Superwoman dahil sa may sinagip ako dito mismo sa rooftop ng EXO High at meron kaming laundry shop."

"Ahhhhhh. No boyfriend?"

"Wala. Never." sabi ko. Teka ba't ba niya tinatanong?

"Oh. Haha. Sige. Alis na ako Song-yi! Nice meeting you whole-heartedly!" at tumayo siya agad at tumakbo pababa ng rooftop. Bakit ba lahat na lang ng kinakausap ko umaalis na lang bigla? Napagiiwanan na ako. Napagiwanan nino? Ni Wu Fan? Oh shut up conscience.

*******

"Okay ka lang Song-yi?" tanong ni Eun-sang. Kasama ko siya ngayon. Nagyayang tumambay sa park. Nakaupo kami sa isang bench na may puno na nagsisilbing shade namin.

"Ah okay lang ako Eun-sang." sabi ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi. Naguguluhan na talaga ako.

"Uhm. Song-yi. Alam mo tinuturing kitang best friend na rin. Pero pwede bang magopen up sayo?" sabi niya. May problema rin siya?

"Osige Eun-sang. Tungkol saan ba?"

"Tungkol kay Kris." halata sa expression niya na ang lungkot niya. Anong meron sa kanila ni Kris?

"Sinaktan ka ba niya? Inaway ka ba niya?"

"Hindi. Mahal ko siya Song-yi. Simula pa noong bata kami. Ang pangit ko kasi noon kaya kung lumapit ako sa kanya, sasabihin niya; "Wag kang lumapit batang pangit" siyempre nasaktan ako. Kaya ang ginawa ko, nagpaplastic surgery ako sa England. Ginawa ko ang lahat para sa kanya upang mapansin ako. Pero patuloy pa rin niya akong pinagtatabuyan. Nagmamahal lang naman ako eh. Pero bakit ganun? Patuloy niya akong nirereject. Hindi pa ba sapat yung ginawa ko para mapansin niya? Mahal ko siya talaga kaya magsasakripisyo ako para lang mapansin niya ako.." umiiyak na si Eun-sang. Mahal pala niya si Kris the demon. Napansin kong iba lagi ang tingin niya kay Kris. Parang may lungkot na may halong pagmamahal. Niyakap ko siya upang mapatahan.

"Ok lang yan Eun-sang.. Alam naman nating cold-hearted si Kris.. It takes time para mamelt ito.. Mamahalin ka rin nun." Wala akong kasiguraduhan sa sinabi ko kay Eun-sang. Natatakot rin akong sabihin sa kanya na niyakap ako ng taong mahal niya. Pero ayoko namang mabuwag ang friendship namin dahil dun.

"Sana nga Song-yi. Sana nga.. sana mahalin na niya ako. Sabik na sabik na ako sa araw na yun. Yung araw na mamahalin ako ni Kris." sabi niya. Nakaramdam ako ng guilt. Nakakainis naman kasi si Kris eh. Pabigla-bigla na lang kumilos.

Nagyakapan lang kami ni Eun-sang hanggang tumigil siya sa kakaiyak.

******

Umalis ako sa EXO High dahil may shift ako sa ramyun shop. Nakita ko si Min Gi doon.

"Min-Gi. Samahan mo ako ah?" patuloy ko siyang sinusuyo para samahan ako sa ferry trip. Pero hindi kami sa ferry ng EXO High sasakay. Kundi sa isang fishing boat. Mas matipid doon no!

"Oo na. Basta may libreng pagkain ah?" Asar ni Min-Gi. Natawa lang kami. Nagnod lang ako.

Pagkatapos ng dalawang oras, natapos rin ang shift namin ni Min-Gi. Nagpaalam ako sa kanila ni Jae Kyung at naglakad paalis sa shop.

Naglakad lakad muna ako sa may Hongdae. Ang ganda talaga dito. Maganda kasi dito kapag nakabukas lahat ng ilaw ng mga shops pag gabi. Marami ring tourists dito upang magshopping, magbar, kumain at marami pang iba. May nakita akong isang lalaki na parang gustong yakapin yung stand ni Jessica. Natawa ako at nagpatuloy na lang na lumakad. Biglang may humawak sa balikat ko, si Baekhyun pala.

"Saan ka pupunta Song-yi?" tanong niya. Nakangiting anghel nanaman siya eh.

"Uuwi na sana ako pero naisipan kung magpasyal muna dito."

"Ah ganun ba? Sige. Samahan muna kitang mamasyal." Is this real? Sasamahan ako ni Baekhyun? :"> Keleg keleg ka naman diyan deng. Ngayon lang naman eh konsensiya, pagbigyan mo na ako!

Hinayaan ko na lang si Baekhyun na sumama sa akin. Pumunta rin kami sa isang arcade. Naglaro kami ng kung ano ano doon. Kumain rin kami ng mga streetfood. Naparami siya ng kain ng fish cakes. Sabi kasi niya hindi pa daw siya nakakatikim ng kahit isang streetfood ng Korea dahil ipinagbabawal sa kanya ng magulang niya simula pa noong bata siya. Kaya naman pinakain ko siya ng isa at nasarapan siya. Naka 25 fish cakes pa nga siya eh. Hahaha.

Sumunod naman naming ginawa ay kumanta at nagkaraoke. Nagkantahan lang kami hanggang sa mawalan ng boses. Pero siya hindi nawalan. Grabe, ang ganda ng vocal chords niya! Lumaklak yata ng mga magagandang nota nung bata.

Napagod rin kami at nagyaya na akong umuwi. Umoo lang siya at sinabi niya ding ihahatid daw niya ako sa bahay. Pumayag naman ako. Alangan naman hindi. Anghel na nga yung handang maghatid sa akin eh. :">

Sumakay ulit kami sa motor niya. Sabi niya hawakan ko daw mabuti iyong tiyan niya para di daw ako mahulog. Ginawa ko naman at hinigpitan ko pa. Ramdam ko yung abs niya. Shet. Ang bilis pa kasi niya kaya hindi pansin na sobrang higpit ang hawak ko sa kanya.

Nakarating rin kami. Bumaba na ako at kumaway kay Baekhyun. "Bye Baek. Salamat sa gabi na 'to." sabi ko at nginitian ko siya.

"Wala iyon, maraming salamat rin. Sa pagpapasaya sa akin. Bye Song-yi. Good night." ngumiti siya pabalik at pinaharurot ang kanyang motor.

Nakakainis ka naman Baekhyun eh! Pinapakilig mo ako eh. Hala baka maihian ko yung pants ko dahil sayo. Yuck Song-yi. Anong pinagsasabi mo? Grabe, crush ko na talaga siya :"> Crush mo siya? Eh paano si Kris? Love mo? Hindi konsensya. Baka mas mauna pang mahulog loob ko kay Baek kaysa themannamedKris na yan.

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon