Eighteen

23 3 1
                                    

WU FAN

Pag takbo ko doon, may bumuhat na kay Song-yi papunta sa clinic. Si Baekhyun.

Ba't ba lagi na lang akong nahuhuli?

Di na ako sumunod pa at hinanap ko na lang yung babaeng kasama niya kanina palabas.

Nakita ko yung babae sa resto at hinila. Wala akong pakialam kung mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya, basta ang importante ay ang katotohanan.

"Anong ginawa mo kay Song-yi ha? Fuck, you almost killed her!" Sigaw ko. Sobrang galit na galit ako. May nangyari na ngang masama sa kanya pero di pa rin ako yung sumagip sa kanya. Tangina!

"Ha? Di..di.. di ko alam sinasabi mo wu fan.." halos maiyak iyak na sinabi ng babae.

"Anong di mo alam?! You were with her before the incident!"

At bigla ko siyang binitawan kaya natumba pero tumayo siya at niyakap ako.

"Ba't mo ba kasi siya mahal? Ako na lang kris, ako na lang. Ilang months mo palang kilala si Song-yi pero mahal na mahal mo na siya. eh ako? Minahal na kita simula pa lamang noong bata pa tayo. Ako na lang Kris, ako na lang." Sabi niya pero bigla kong tinanggal yung mga kamay niya sa katawan ko.

"Minahal ko siya dahil alam kong hindi siya katulad mo." Sabi ko at naglakad papunta ng clinic. Di ko pinansin yung malakas ng pag-iyak. Basta ang alam ko, tinatawag na ako ng asawa ko.

Ganon ko siya pinapangalagahan.

*******
Nakarating ako sa clinic at pumasok sa silid kung saan nakahiga si Song-yi habang nakaoxygen. Nakapikit pa rin yung mga mata niya. Nakaupo lamang sa gilid si Baekhyun habang pinupunasan ang sarili gamit ng twalya.

"Okay na daw siya sabi ng nurse. Kailangan daw munang gamitin ang oxygen tank dahil nawalan siya ng maraming hininga sa dagat. Kailangan din daw niyang matulog at magpahinga muna ngayong araw na ito." Pagaalala sa akin ni Baekhyun.

Tumalikod siya sa akin. "Thank you bro, for saving her life." Tumingin lang sa akin si Baekhyun, nakangiti at naglakad paalis.

Umupo naman ako sa chair na nasa tabi ni Song-yi at hinawakan ang kamay niya. Sobrang lamig. Kaya hinalikan ko.

"Wifeu, what happened? I'm so sorry if I wasn't able to save you... and fuck. I'm so annoyed with myself, don't you know that? Sabi sa akin ni chanyeol na mukhang may masamang binabalak yung kasama mo kanina pero hinayaan ko lang yun kasi ayokong maging praning, love. Alam kong kaya mo ang sarili mo dahil matapang ka. That's what I loved about you. Pero hindi pala all the time, you act put strong and brave. But don't worry, I will always love you no matter how stupid you are and how foolish you look like." Tae ang haba na pala ng sinabi ko ah! Hayaan niyo na, mahal ko naman eh.

Ilang oras ko ring pinagmamasdan si Song-yi at pabalik-balik na rin ako sa paghalik ng kanyang noo. Alam ko, nagchachansing ako. hahaha. Gusto ko nang marinig yung boses niya. Kung paano niya ako sigaw-sigawan. Kung paano kami nagsasagutan at nagbabayangan. Please Lord, gisingin niyo na siya.

Ibang Song-yi yung nakikita ko ngayon. Nakapikit, mahina.. Ayoko pong mawala siya. please. Mamahalin ko pa po siya.

Kris, you're being so melodramatic. She's just sleeping...

At dahil nagsawa na ako sa pagchachansing sa mukha ni Wifeu, hinawakan ko na lamang ang kamay niya at natulog rin. Siguro, pinapanaginipan niya ako kaya di siya makagising. Hmmm. Hintayin mo ako sa dreamland Wifeu!

*********
SONG-YI

Nagising ako ng parang may mabigat na bagay sa kamay ko. Ulo ni Kris. Teka, bakit ko siya kasama? Tumingin-tingin ako sa paligid at... bakit nasa clinic ako? At bakit may tube na kalagay sa ilong ko? Medyo nagpanic ako pero ng makita ko kung paano hawakan ni Kris yung kamay ko.

Ba't parang feeling ko sobrang red na yung mukha ko?

Oo na, kinikilig na ako. Paano ba naman kasi. Ininterwined niya yung fingers niya sa kamay ko. Sign of security pa ba ito? Siya ba ang sumagip sa akin kanina?

Napansin ni Kris na gising na ako tapos bigla niya akong niyakap. "I'm so sorry, Song-yi."

"Ha? Ba't ka nagsosorry? Di ba ikaw yung sumagip sa akin?"

"No, silly. It was Baekhyun. I'm sorry because Baekhyun did the job in saving you but I should be the one to do it, not him." sincere na sabi niya. Ngumiti lang ako.

"Song-yi. We need to go back to Seoul, immediately." Seryosong sabi niya.

"Huh? Bakit? Eh paano na yung games?"

"Well, maiiwan naman si Luhan at Baekhyun sa grupo natin. I can't stand people who wants to hurt you." Sabi niya at hinawakan kamay ko. "This is for your own good, Song-yi. And with that, we're traveling back tomorrow."

"Ah? Eh. Paano si Min-Gi?" Ayoko namang iwan na lang si Min-Gi ng mag-isa dito.

"Your friend needs to stay, love. Let her enjoy this trip. Don't worry, ipapabantay ko siya sa mga boys."

"Oh. Okay.." wala na akong nagawa kundi sumunod. Totoo naman kasi. Ever since na nagsimula itong trip na 'to, marami nang nangyaring di maganda sa akin.

"My yacht will pick us up when we reach Jeju island." Sabi niya. Wow. Saksakan talaga ng yaman, may yacht pang nalalaman.

"Okay." Matipid kong sagot.

"Song-yi, I need to say something." Sabi niya pero this time, seryosong seryoso na.

"Ano yun?"

"I might go to Japan tomorrow for some international conference. Duty calls. Don't worry, i'll be back after a month." Sabi niya. Ba't parang biglang bumigat yung feeling ko habang pinapakinggan ko yun? Hays.

"Eh ba't mo sinasabi schedules mo, di naman ako planner." Pagbibiro ko.

"I'm telling you this, because i want you to trust me. Trust me in the sense that I will not look onto other girls. Arasso?" Sabi niya at bahagyang ngumiti.

"Oh. Okay." Tipid kong sagot. Ewan ko, feel ko lang na di mahaba mga sagot ko ngayon.

"Maybe okay will be our always?" Tanong niya at ngumiti ng nakakaloko. Binatukan ko naman siya. "Wifeu, you're hitting me again."

"The Fault in our stars ang peg? Hahaha."

"Hahaha. Okay." Tawang sabi niya. "Pero seriously, you should trust me on this. Okay?"

"Okay." Sabi ko at bigla niya lang ako niyakap. Yakap na parang nagpapaalam at di na muling babalik.

Kung ano ano talagang iniisip ko.

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon