Seven

50 8 0
                                    

SONG YI

Hay today is friday! Yes! One day na lang ang lalagpasan ko para sa weekend. Break from all the living demons from EXO High, most especially, the man named WU FAN na may nickname na KRIS na di ko alam kung bakit KRIS eh ang layong maging pangalan niya ay KRIS dahil hindi naman siya isang amerikano eh chinese yata siya at WU FAN ang pangalan niya.

Binilisan kong ginawa ang morning routine ko at umalis na ng bahay. Di na ako nagabalang kumain ng breakfast since parang busog pa ako.

Sana swertehin ako ngayon.

Pagdating ko sa EXO High, maraming sasakyan ang nakapark doon. Ano kaya meron?

Out of curiosity, pumasok na ako sa entrance ng school at maraming reporters ang andoon. Bigla ko namang nakita si Eun-sang na papalapit sa akin.

"Eun-sang, bakit ang raming reporters?" tanong ko. Paano naman kasi may pinipicturean yata sila sa harap eh di ko naman kilala yung kinukuhanan nila.

"Ah Song-yi, every October kasi may 1 week ferry trip dito. Kasalukuyang iniinterview nila si Mrs. Wu kung ano ang pakulo nila sa trip. At lahat ng estudyante ay required na pumunta. Kung pumunta ka, may grade ka agad." sagot niya. Ferry trip? Eh wala kaming pera para diyan eh. Kainis talaga 'tong eskwelahan na pinasukan ko. ㅠㅠ

"Ahh ganun ba. Hay. Ewan! Baka di ako makakapunta." sabi ko at nagsimula nang nagsialisan ang mga reporters. Natapos na yata yung interview. Finally!

Pero ang pumalit naman ay nagsisitakbuhang mga estudyante. Ang sakit! Halos maipit na ako. Grabe naman. Ano bang meron sa trip na yon!?

Lumapit sila sa isang malaking taurpulin na sinasabit ng dalawang lalaking nakadamit ng dilaw.

"Announcement for the EXO HIGH 15TH ANNUAL FERRY TRIP: BLA BLA BLA BLA." pero hindi bla bla yung nakalagay ha! Tinatamad lang kasi akong ilahad ang mga details eh. Basta, puno daw iyon ng mga mayayamang tao na nagpaparty sa barko.

Nagsimula ang unang klase ko. English. Medyo magaling naman ako sa English kaya lang, nahihiya lang talaga akong ipakita ang galing ko. Hehehe :3

"Uy. Magmemerge daw ang YG Academy sa atin sa ferry trip!" Girl 1.

"Oh? Uh-oh. Mukhang magkakaroon ng war between G12 and BigBangFive." Girl 2.

"Oo. Kaya ni Papa Wu Fan yan! Walang wala si Jiyong sa kanya!" sabi ng Girl 3.

Kanina pa nagbubulungan itong mga babae sa likod ko. Nakakairita! Di tuloy ako makaconcentrate eh. Nacurious pa tuloy ako kung sino yang Jiyong at BigBangFive.

Natapos rin ang morning classes ko. Lunch time na! Okay na ako. Wala akong paki-alam kung anong gagawin ng mga Powerpuff Maarteng mga Babae na yan. Nasabi ko kina Mama yung nangyari sa akin sa Cafeteria. Kaysa magalit, binigyan na lang niya ako ng pera at bigla akong niyakap. Ewan ko pero parang may kakaiiba sa kanila ni Papa eh. Hay ewan!!!

Nakuha na rin ako ng pagkain. Marami-rami rin pero ok lang. Worth it! Mabubusog ako nito! Hahaha. Umupo ako mag-isa sa table at simulang kumain.

Ang sarap sarap talaga! Parang gusto kong kumain araw-araw dito!

Kain lang ako ng kain hanggang may tatlong babae na lumapit ulit sa akin. Sino pa ba?

"Oh girls, look. It's the supergirl. Nakabili rin siya ng food here. Oh my gosh, look at her face! Hahaha!" Sabi ni Girl 1. Di ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

Pero bigla akong sinabutan ni Girl 2. At hinampas niya yung mukha ko sa lamesa. "Huy. Sumabat ka. Grabe girl. Nakakahiya ka kumain talaga." sabi niya. Siniko ko siya pero nakapalag siya. Ewan ko pero ang sakit nung mukha ko. Halos maiyak na ako. Pero nakarinig ako ng boses.. si Kris.

"Ba't anong ginagawa niyo sa girlfriend ko?" cold niyang sabi sa powerpuff. Tinanggal din ni Girl 2 yung kamay niya sa buhok ko. Itinaas ko naman ang ulo ko at tumingin kay Kris. Totoo ba itong mga nangyayari!?

"Wu Fan, insane ka ba? Ito?" sabay hablot sa braso ko ni Girl 3. "Girlfriend mo? Are you kidding me?" halos maiyak na yong girl. Inlove yata kay Kris.

"Aray ko. Bitawan mo ako!!" sabi ko kay Girl 3. Ang higpit ng pagkahawak niya e.

"Stop complaining you little brat." sabi niya at mukhang sasampalin niya ako pero pinigilan siya ni Kris.

"Gawin mo yan o baka bukas di ka na magigising." sabi niya at pinatayo niya ako sa table ko. Pinagtitinginan na pala kami ng maraming tao. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng cafeteria.

Tumakbo lang siya hanggang makarating kami sa Gym. Walang tao dito. Halos mapagod ako kakatakbo. Ang bilis kasi niya eh.

Binitawan rin niya ang kamay ko at huminga ng malalim. "Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ko. Halos di ako makatingin ng diretso sa kanya. Naaalala ko pa yung ginawa niyang pagkidnap sa akin.

"Wala lang." matipid niyang sagot.

"Hinayaan mo na lang sana ako-" naputol yung sinabi ko dahil bigla niya akong niyakap. Nang mahigpit. Ano 'tong nararamdaman ko?

Ilang minuto rin kaming nakatayo doon, magkayakap. Ewan ko. Napayakap na rin ako. Kumalas na ako sa yakap niya. "Bakit? Bakit mo ako niyakap?" tanong ko. Hindi niya ako tinignan at halatang nagblush pa siya. Ewan ko pero nakita ko siyang nagblush. Di niya ako sinagot ba tumalikod siya. Umalis. Teka, iiwan ba niya ako dito!? Hay edi umalis siya! Ang moody. Pabigla-bigla siya.

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon