Nine

54 6 1
                                    

SONG-YI

Since today is saturday, buong araw ako sa ramyun shop. Kailangan kong magpursigi para naman may makain kami at pangtustus sa bahay. Ayoko naman na sila Mama lang ang gumagalaw para magkaroon kami ng pera kaya tinutulungan ko sila. Hindi kasi sapat yung laundry shop namin kasi hindi naman araw-araw may nagpapalaba.

Dahil wala pang costumer dahil kaoopen pa namin, nagkwentuhan kami muna nina Jae Kyung at Min-Gi.

"Oh ano Song-yi, kamusta naman ang pagiging estudyante sa EXO High? Marami bang chicks dun?" tanong ni Jae Kyung. Wala kasing girlfriend eh kaya naghahanap. Hahaha.

"Hindi yun farm upang magkaroon ng chicks!" pagbibiro ko sa kanya. Nagpout lang siya.

"Ay sus. Ikaw talaga Jae Kyung! Oh ano Song-yi, nahanap mo na ba si The One?" tanong ni Min Gi. Kahit kailan talaga itong babaeng 'to. Pero, sino nga ba?

"Ahhh si ano, si--" naputol yung sasabihin ko nang may pumasok sa shop. Nakasuot siya ng black na leather jacket, nakacap at sobrang tangkad.. katangkad ni.. BASTA ALAM NIYO NA KUNG SINO! Bitter ka nanaman. Hindi konsensiya, I'm just lazy to spell out his name.

Umupo lang iyon at tumitingin sa baba. Lumapit ako upang maibigay ang menu at kunin ang order niya. "Welcome sir. Can I take your order?"

"Yes and I want you." agad namang tinaas niya ang kanyang ulo at tinitigan ako.. Shet. Pakshet. Si Kris.

"YAH! ANONG KAILANGAN MO DITO!?" sigaw ko sa kanya. Pano naman kasi may pa i want you pa siyang nalalaman! Tangina! Nakakainis talaga yun.

"Shhh. Babe, keep calm. I came here to visit you on your work." sabi niya at nakanguso pa. Naririnig kong tumatawa at "yiee" mula kina Jae Kyung at Min Gi. Tumingin ako sa direksyon nila at binigyan sila ng glare. Tumahimik naman sila. Ok, back to Kris. ANONG. TAWAG. NIYA. SA. AKIN. BABE!?

"P.S. hindi ako baboy para tawagin mong babe! At paano mo nalaman na nagtratrabaho ako dito? Stalker ka no?"

Nagsmirk lang siya tas napa-tss. "Ako? Stalker? Oh please, I have a lot of money. I could just hire a private investigator para sundan ka. Ako pa gagawa nun? Tss." sagot niya. Nagiinit ulo ko sa mukong na 'to. Pigilan niyo ako Panginoon sa maaari kong gawin sa demonyong nasa harapan ko. Sana gabayan niyo ako.

Hindi ako sumagot. Lalayasan ko na sana eh pero hinawakan niya yung braso ko. "Okay okay. I'm sorry. I want you and me to go on a normal date."

Tapos bigla niyang hinubad ang apron at hat ko at biglang hinila niya ako palabas ng shop. What is happening? o.O

"Wait Kris. Wait!!!!!" sigaw ko. Ang bilis kasi maglakad eh. Nakakaladkad tuloy yung paa ako dahil sa sobrang bilis niya. Nakakabadtrip! Dagdag sweldo ko pa naman yung pagtratrabaho ko maghapon sa shop. Tumigil lang siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Tired already?"

Huminga muna ako ng malalim. "Yes, I'm tired already. At tsaka wag mo nga akong hamunin sa pageenglish mo! You don't know what I'm capable of."

Napatawa siya. "Yeah, whatever Song-yi. Sumusunod ka naman sa pageenglish ko eh." sagot niya at tsaka nagwink. Yuck lang!

"Tss. Eh ano bang paki mo? Magaling kaya ako sa english. Kaya sinasagot kita ng English dahil baka isipin mo bobita ako."

Hindi na siya sumagot pa at itinuloy niya ang pagkakaladkad sa akin.

Upang matigil ang pagkakaladkad sa akin, nakaisip ako ng bright idea. "KIDNAPPPING! KIDNAPPING! TULONG! MGA KAPWA KO KOREANS MAY KIDNAPPER! NAKIKIDNAP AKO NGAYON! TULONG!" sigaw ko. Lumingon lang si Kris at biglang cinoveran yung bibig ko. "Shit. What was that for!? Pinagtitinginan na tayo ng tao!" Kasalanan ko pa ba? Ang sakit na ng paa ko kakaladkad sa semento. -.-

"Ang sakit na ng paa ko. At tsaka nakakalakad ako. I can walk on my own. Kaya wag mo na akong itulak dahil i can-- put me down!!!! Ibaba mo ako!!!" binuhat na naman ako. Grabe na to! Child abuse!!!! "Tulong!!! Tulong!!" patuloy pa rin akong sumisigaw.

"Could you just shut up for a minute? Shit. I came all the way to your part-time job just to get you on a normal date and this is what I get for that?" tumigil ako. May point sa eh. Pero.. pero. This is not right.

Di na ako nakaimik pa at nagpunta na lang kami kung saan niya ako dadalhin. Pero kapag ihuhulog niya man ako sa bay, pakisabi kay Pororo, mahal ko siya..

Drama mo 'teh!

Pagkalipas ng ilang minuto, tumigil rin sa paglalakad si Kris at ibinaba na ako. Tumingin ako sa kanya at iniwas ko rin yun. "Grabe, ang taba mo pala. Sobrang bigat mo kasi eh." hingal na sabi niya. Huy. Di naman ako mataba masyado. Wala pa ngang obese eh!

"Uy hindi ako mataba ah! Nakakaoffend ka ng feelings!"

"Yeah whatever." matipid niyang sagot at nauna nang pumasok sa Namsan Tower.

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon