Four

55 6 0
                                    

WU FAN

"Nagawa niyo ba?" tanong ko sa 3 lalaking mga inutusan ko.

"Hindi po young master, bigla pong nagpakita si Baekhyun at pinagsusuntok kami." sagot ng isa sa kanila.

Napatayo naman ako. Imbes na sungbatan sila, ibinato ko sa kanila yung bag ko. Hindi ko na sila kinausap pa at umalis ako.

Siya pa lamang ang unang babae na trinato ako ng ganun. Kasi lahat ng babae dito sa EXO High, type ako. Oo dahil ubod ako ng gwapo at tadtad ng yaman. Sino ba hindi mafafall doon? Pero siya, one of kind. Natagpuan ko yata ang katapat ko.

Pumasok ako sa Ghei 12 room at andoon sina Luhan, Sehun, Xiumin, DO at Lay.

"Oh ano pare, crush ka niya?" tanong ni Luhan. Binato ko siya ng unan at tumawa.

"Pakyu pare. Hindi naman yata." sagot ko. Ito kasi, pinagsasabi na may gusto daw sa akin si Song-yi, kaya ganun umasta pag kaharap niya ako at dahil that's her way upang maexpress ang feelings niya sa akin. "DAW."

Oh. I have an idea.

I should.. date her.

"Hay nako Kris, oo yun. Pakipot siya." sabat naman ni Lay.

"Ewan ko sa inyo ulol." sabi ko. Tas ngumiti ako ng nakakaloko.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Baek. Ang sumira sa plano ko. Lumapit naman siya sa akin. "Pare, ba't mo iyon ginawa?" sabi niya. Napatingin naman sila sa amin ni Baek.

"Anong ginawa pare?" sabi ko.

"May nakita akong silver card sa likod ng uniform ni Song-yi."

Nakita niya pala. "Eh anong paki mo pare?" sabi ko. Ano bang problema ng Baek na 'to?

"Wag mo siyang sasaktan Kris, babae siya.." bigla niyang sinabi. Nauubos na pasensya ko sa kanya.

"Eh ano bang pakialam mo talaga Baek!?" di ko napigilan at sumigaw ako. Hinawakan naman ako sa balikat ni D.O. sa pagaakalang aawayin ko si Baek.

"Hindi ko hahayaang saktan mo siya." sabi niya sa akin at biglang umalis. Problema nun? Hinahamon ba niya ako? Tss. Baka makalimutan kong magkaibigan kami.

******

SONG-YI

Natapos rin ang morning period. Yes, lunch. Hindi ako maglulunch sa cafeteria dahil ayaw kong mabulabog sa pagkain pag meron ang tatlong maaarteng froglets.

Lumabas ako ng may humawak sa akin na dalawang lalaking nakablack suit. Mauulit pa ba sa akin 'yong nangyari sa pool area? :(

"Teka po mga kuya, bakit? Anong masamang ginawa ko? NBI po ba kayo? Teka bakit!!!?" tanong ko sa kanila. Ang sakit ng mga kamay ko. Huhuhu.

"Bilin po iyon ni young master." sagot ni kuya nakasuit 1. Upang makatakas, siniko ko silang dalawa at tumakbo. Hinabol lang nila ako ng hinabol hanggang nawala sila sa paningin ko. Yes!

Tumigil ako sa pagtakbo upang makahinga. Grabe, napagod ako ah. Nang biglang may tumakip sa ilong at bibig ko. At biglang black na lamang ang nakikita ko. Katapusan ko na kaya ito?

*******

ANOUNYMOUS

Idinala ng dalawang lalaki si Song-yi sa isang mansyon.. Si Song-yi ay nasa malalim na tulog dahil pampatulog ang ipinaamoy sa kanya.

Minake-over ng mga maids si Song-yi. Nagising bigla si Song-yi dahil sa pagtanggal ng wax sa kanyang kanang binti. Nagsisisigaw siya ng tulong pero hindi iyon pinansin ng mga maids hanggang sa napagod si Song-yi at nakisama na lang sa ginagawa nila sa kanya.

Sinuotan nila ng isang black electric dress at heels si Song-yi. Kinulot rin nila ang buhok nito at ipasuot ng mga mamahaling necklace at bracelet.

Tapos, may isang lalaking nakasuit rin na lumapit sa kanya. "Miss Song-yi, gusto ka na po niyang makita." sabi niya at ngumiti.

"Sino po ba?" tanong ni Song-yi na parang tila curious kung sinong pakana ng lahat ng yon.

"Malalaman po ninyo mamaya.." sagot ng lalaki.

Tinour naman ng lalaki si Song-yi sa loob ng mansyon. Namangha siya dahil ang laki laki ng mga silid. Yung bathroom sa mansyon ay kasing laki ng kwarto niya.

Hinatid ng lalaki si Song-yi sa isang kwarto at may nakatalikod na lalaki doon. Nakasuit. Kinausap iyon ni Song-yi.

"Sino po ba kayo? Ano pong kailangan niyo sa akin?"

Unti-unting humarap sa kanya ang lalaking iyon. Hanggang sa..





"IKAW!?"

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon