Thirteen

26 4 1
                                    


SONG-YI

Nagpunta kami ni Min-Gi sa isang boutique sa Hongdae. Nagpumilit kasi siya eh na titingin daw kami rito ng pwedeng formal dress para sa ferry trip. Hay nako, isang beses ko lang naman gagamitin eh.

"Wag kang mag-alala Song-yi, ako magbabayad. Basta wag mo lang isuot yung wonder woman costume, please." sabi niya at nagtawanan kami. Sobra na akong nahihiya kay Min-Gi kasi nag-abala pa siya. Ako nga na estudyante eh di ko prinoproblema ang susuotin ko sa ferry.

Kumuha siya ng maraming damit at sinabing itry ko raw suotin at tignan ko kung saan ang mas bagay sa akin. Sa una nagaalanganin akong isuot kasi sobrang ikli naman. Exposed ang legs ko. Sorry naman, conservative lang.

Matapos ng isang oras, nakahanap na rin kami ni Min-Gi ng isusuot namin mamaya. Binayaran yun ni Min-Gi at bumalik kami ulit sa bahay para kunin yung gamit namin tapos dumiretso na kami sa pier.

Agad kaming sumakay sa isa sa mga bangka at sinabi kung saan patungo yung ferry. Medyo matagal-tagal pa kami aabot doon dahil mas nauna na sila. Dahil sa sobrang bored namin, hiniram namin kay manong yung ginagamit niyang pangingisida at tinulungan namin siyang mangisda. Nakakaenjoy kaya ito.

Di nagtagal, nakaabot rin kami kung saan naroroon ang ferry at halos lahat ng estudyanteng nakasakay ay tumitingin sa amin. Pero isang tao lang ang napansin ko doon, si Baekhyun.

May kasamang babae.

Si Jessica Jung.

Nakaakbay si Baek sa kanya.

Parang may kumikirot sa puso ko.

May pumukaw sa atensyon ko ng nag-megaphone si Kris sa akin. Katabi ang mga powerpuff girls.

"Hoy laundry girl. Ba't ka nakasakay diyan? Nagsabi sayong sasakay ka diyan ha?" tanong niya.

Walang gana akong sumagot sa kanya. "Wala ka nang pakialam doon. Kaya pwede ba."

Bahagya lang siyang tumawa. "Tss. Wifeu. Come here. I miss you already."

Halos nagulat sila ng tawagin niya akong Wifeu. Paki ko. Edi pagpyestahaan nila ako. Kung yun ang ikayayaman ng mga ugali nila.

Di na lang ako tumingin pa sa ferry at tumalikod. Hihintayin ko na lang kung saang lugar kami magstostop-over at upang makasakay na rin doon.

*********

Nagstop over kami sa may Jeju Island. Bumaba kami sa fishing boat at nagpasalamat kay Manong. Babayaran na sana namin siya nang tumanggi siya sa pera. Hindi na daw kailangan dahil tinulungan naman daw namin siyang mangisda at marami-rami rin ang nabingwit namin. Nagpasalamat kami ulit at tuluyang sumakay sa ferry.

Oo. Nakapag-isip din ako na di kaya ng pride kong manigas sa dagat kaya no choice kundi sa ferry sumakay.

Pagkarating namin roon, agad kaming nagpunta sa designated room na aming panunuluyan. Buti na lang one room each student at pwede ring tumawag ng isang friend. Biruin mo, parang buong cr na ni Kris ang kalawak ng kwarto namin ni Min-Gi. Kompleto pa ito sa mga bagay at kung ano-anong appliances.

Di na kami nagpadalos-dalos pa at nag-ayos na kami para sa party mamaya. Si Min-Gi nagmake-up sa akin since siya ang mas may alam sa pagaayos sa sarili. Ako nga, nahihirapan pa akong magpulbo sa mukha.

Pagkatapos naming magayos dalawa, napawow na lang ako bigla ng humarap ako sa salamin. Seryoso ba si Min-Gi? Ako ba talaga 'to?

"Min-Gi! Shemay. Ako ba talaga to o binigyan mo ako ng maskara?" sabi ko habang hinahaplos ang mukha ko.

"Oo naman Song-yi. Sabi ko sayo maganda ka eh. Maayusan lang." sagot niya at bigla ko siyang niyakap.

"Maraming salamat talaga Min-Gi! Ikaw talaga pinaka best friend ko. Salamat talaga sa lahat lahat."

"Sus. Wala yun. Ikaw pa. Wag ka nang magdrama Song-yi, sayang yung make-up." at nagtawanan lang kami. Lumabas na rin kami sa kwarto at nagpunta sa venue ng party.

Pagpasok namin doon, di nga ako nagkamali. Hindi costume party ang theme. Kung sinuot ko na sana yung wonder woman at naniwala sa mga powerpuffs na yon, siguro mamamatay na ako dahil sa kahihiyaan.

Naglalakad lang kami ni Min-Gi ng nagbubulung-bulungan na ang mga tao sa paligid namin.

Si Songyi ba yan? Shet ang ganda!

Chicks!!

Pft. Ang cheap ng kanyang dress.

At kung ano-ano pa. Hay. Kailan kaya sila titigil sa mga chikahan nila? Ang yayaman nila pero ang ugali mas grabe pa sa mga mahihirap. Pupunta sana kami sa buffet table nang biglang sumalubong sa amin ang Three Little Devilitas ay este The Powerpuff Girls.

"Hello Song-yi. Have you received our package? Hindi yata? May sopresa pa naman kami doon." sabi ni Seulgi at uminom ng wine sa hawak niyang glass.

"Natanggap ko. Pero as I presume, mali yata ang dress code na ibinigay niyo sa akin." sabi ko.

"Are you sure na mali kami? So are you saying na tanga kami?" sabi ni Wendy at unti unti silang lumapit sa akin.

"Pasingit sa usapan ha? Pero sa nakikita ko Miss, oo. Tanga nga kayo." sabat ni Min-Gi.

"Well, sino 'tong kasama Song-yi? Gate crasher? My god. Amoy fish ka pa. Eww. Don't worry, let me remove that smell with this." sabi ni Seulgi at tinaponan niya ng wine ang aking dress. Shit, yung damit ko..

Nagulat kami ni Min-Gi. Pinunasan niya yung damit ko pero binuhasan nila ulit ako sa ulo. Halos nakatingin lahat ng tao sa amin. Gusto ko na siyang patulan pero pinipigil ko. Pinaghirapan ni Min-Gi na bilhin yung dress pero binasa lang ng walang hiyang powerpuff na yan?! Kailan ba talaga niya ako tatantanan? Ipakain ko kaya isang dosenang make-up kits sa sobrang kapal ng mukha!

"Tama na Seulgi! Ano ba!" at tinulak ko siya. Natumba siya. Ha, mabuti nga sa kanya.

"How dare you?!!!" sigaw niya at bigla siyang tumayo ag sinabunutan ako. Natumba ako. Naiyak ako sa sobrang sakit. Ayoko na. Tama na please... Aawatin sana kami ni Min-Gi pero hinawakan siya ng dalawa pang alipores ni Seulgi.

"Don't you ever lay your hands to me. Hindi mo ba alam kung sino ako? Ako lang naman ang anak ng--" naputol ang kanyang sasabihin ng may tumulak sa kanya ng malakas. Si Kris.

"I don't care and nobody cares from what family you are Miss. So shut your mouth. At sino ka para saktan ang babaeng mahal ko? Nageskandalo ka pa talaga ha? Alam mo, I can remove you instantly from this ferry. I don't fucking care kung malunod ka or what. You don't even belong here in the first place. You're so pathetic." sabi ni Kris at niyakap ako... Kris...

Niyakap ko lang din siya. "Shhh there there Wifeu. I'm here. Don't cry." bulong niya.

Binuhat niya ako. (a/n: parang yung nasa mga teleserye) Nirest ko lang ulo ko sa chest niya. Umiiyak pa rin ako. Hindi sa sakit, kundi sa tuwa dahil merong sumagip sa akin ulit mula sa peligro.

Nakaramdam na lang ako ng pagod at hilo kaya mas mabuting isara ko ang mga mata ko. Sana isa lang itong masamang panaginip..

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon