Twenty

21 3 0
                                    

MIN-GI

Huling araw na namin ngayon sa ferry. Sobrang nakakaenjoy rin pala! Awards night ng mga games kagabi at ang over-all champion ay yung team ni Kris. Akala ko nga yung team ni Suho, pero nakahabol yung team ni Kris at kinuha lahat ng gold.

Simula nung umalis si Song-yi, lagi kong kasama yung Ghei12. Naiilang ako noong una kasi lahat kami pinagtitinginan. Minsan nga may naririnig akong mga bulungan na 'Jusko, swerte naman ng outsider, kaibigan yung Ghei12. Kung alam ko lang, isang social climber yan eh', 'Feeling bodyguard niya yung Ghei12. Tsk' at kung ano ano pa. Pero di ko na lang pinansin yung mga 'yon. Alam kong hindi yun totoo at kailanman hindi magiging totoo.

Tumigil muna sa Jeju Island yung ferry. Since free time namin ngayon, naisipan nilang maligo. Yung iba nasa swimming pool habang yung mga iba sa dagat. Di na lang ako sumama sa kanila at nagstay sa view deck. Pinagmamasdan ko lang sila. Hays. Miss ko na si Song-yi! :( Pimauwi kasi ni Kris kasi kung ano pang gawin. Parang mag-asawa talaga yung dalawang 'yun.

Habang nagpapahangin ako, may humawak sa balikat ko. Nagulat naman akong bigla, si Seulgi yata pangalan? Kasama 'yung mga alagad niya at yung nagtulak kay Song-yi, si Eun-sang.

"Oh well, if it isn't the friend of laundry girl." sabi ni Seulgi. "Baka laundry girl rin siya? O mas malala, market girl?"

Di ko sila pinansin at tumingin na lamang sa dagat.

"Hay. So totoo nga, you're a market girl? Geez. Magkaibigan nga kayo ni Song-yi, pati Ghei12, nilalandi. Tsk tsk tsk."

Naiinis na ako. Kaya mo yan Min-Gi, kaya mo yan. Konting tiis na lang. Aalis din sila.

"Hey, we're talking to you." sabi ni Eun-sang at sinabunutan ako. "Pareho lang kayo ni Song-yi, feelingera. Don't worry, para patas kayo, itutulak rin kita dito."

Di na ako nakatimpi at sinabunutan rin siya. "Wala ka rin palang kwentang kaibigan 'no? Napakalaki ng respeto sayo ni Song-yi at ipinalagaan niya pagkakaibigan niyo pero anong ginawa mo sa kanya? Napakasama mo! Mas masang-sang pa yang ugali mo kaysa sa amoy ng isda!"

Walang ginawa yung mga kasama niya kundi magcheer. Mga walang hiya! Di man lang kami aawatin.

Tinulak ako ni Eun-sang at natumba ako sa sahig. Humarap siya sa akin. "Who are you to tell me that? You're just a filthy-"

Biglang may nagsalita sa likod niya. "Who are you calling filthy? Yourself?" Si Chanyeol. "Mahiya ka nga, babae ka pa tapos ang hilig niyong makipag-away." napahiya lang si Seulgi, Eun-sang at yung iba pang mga babae. "Anong pinagtitinginan niyo diyan? Alis!" nagsisitakbo sila.

Inoffer naman sa akin ni Chanyeol yung kamay niya. "Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako. Salamat."

"Hays. Mag kaibigan talaga kayo ni Song-yi, hilig sumunod sa inyo ng peligro." sabi niya at pinalo ko naman siya. "Aray naman, para saan naman 'yon?"

"Hindi kami sinunod ng peligro 'no, sadyang insecure lang 'yung mga babae dito," sabi ko at inayos yung damit ko.

"Naks, saan sila insecure? Alam ko si Song-yi sa fighting spirit niya kasi very rare lang 'yun dito eh. Eh ikaw? Saan? Sa kagandahan?" tas tumawa siya ng malakas. Iyan nanaman yung nakakatakot niyang ngiti.

Binatukan ko siya. "Aray ko! Sadista ka ah!"

Dinilatan ko lang siya. "Ikaw naman kasi!"

"Sa susunod, labanan mo na sila. Kasi hindi araw-araw andito ako para iligtas ka,"

Tapos naglakad siya papaalis. Anong drama naman 'yun?!

****

Pagkatapos yung eksena kanina, nagpunta na ang lahat kami sa restaurant dahil dinner na.

Of course, kasama ko ulit Ghei12 kasi sila na lang ang pwede kong makasama. Ayaw naman sa akin ng ibang tao dito. Baka ihulog pa ako dito sa ferry, ay wag po sana.

Kung swineswerte nga naman ako, kaharap ko ngayon si Chanyeol.

Medyo naiilang ako. Tuwing titingin siya sa akin ay umiiwas ako. Hays!

Kumain lang kami ng nagsalita si Chen. "Kumusta na kaya si Papa Kris? Baka pagbalik natin sa Seoul, naikasal na pala sila ni Song-yi. Naghohoneymoon na. Buntis na. Boom panes."

Tumawa lang kami. "Gago ka talaga Chen, eh nasa Japan ngayon si Kris. May inaasikaso." sabi ni Suho.

"Nanaman? Hirap talaga maging heir ng isang malaking company."

"Kawawa nga siya eh, biruin mo, yung ate niya, na fixed marriage dahil lang sa expansion ng SM. Hindi rin malayo na may fianceè na si Kris ngayon," sabi ni Baek.

Natigilan ako.

May fianceè na si Kris?

Oh no. Paano na ang aking ship? Paano na ang #WufanxSong-yi ko?

Napansin nila yung ginawa ko. "Okey ka lang? Kanina ka pa lutang ah." tanong ni Lay na nasa tabi ko at binigyan ako ng tissue. "May sauce kasi diyan oh." tapos tinuro kung saan yung madumi.

Pinunasan ko naman 'yun. "Salamat."

"You're welcome." ngumiti siya at nagtago yung mga eyeballs niya dahil sa sobrang singkit.

Tumayo lang si Chanyeol at umalis sa table namin.

"Selos alert." sigaw ni Chen tapos siniko siya ni Sehun. "Awwwwwwww ohhh how I wish that was me."

"Hyungth naman eh!!!" pangungulit ni Sehun kay Chen.

"Ay wag ka Oh Sehun. Gagawin kong 'tbr' yung slang mo! Sige ka, hindi na 'th'."

Nagkulitan lang ang dalawa pero nagtataka pa rin ako kung bakit nag-walk out si Chanyeol.

Kaya tumayo ako at sinundan siya. "Magcr lang ako, guys."

Tumango lang sila. Sabay-sabay pa ah. Hahha.

"Kung alam ko susundan niya si Chanyeol eh." rinig ko na sabi ni Chen. Natawa lang ako.

Dumaan ako sa lobby at tinignan kung meron doon si Chanyeol. Andoon nga siya.

Kasama si Wendy.

Nagtago naman ako sa isang malaking halaman para alamin kung anong ginagawa nila dito.

"Babe, I know you want it." paglalandi ni Wendy.

Hinawakan niya sa kwelyo si Chanyeol hanggang nakarating sa pisngi niya at bigla niyang hinalikan si Chanyeol.

Napatakip lang ako ng bibig. Di ako makapaniwala, may dumadate sa mga ito? Like ewwwww!

Akala ko tatagal yung halik nila pero pinigilan rin ni Chanyeol. "Wag dito, please?"

"I'm sorry Chanyeol but I can't help it. Your lips is just so irresistable,"

Halos masuka ako sa sinabi niya. Kaya di nagtagal, umalis ako doon sa malaking halaman at nagpunta sa kwarto. Nawalan na ako nang ganang kumain kaya di na ako babalik sa resto. Magpapaalam na lang ako sa kanila bukas since uuwi na kami.

Nakapagpalit na ako ng aking pantulog at humiga. Nasa isip ko parin yung nangyari kanina.

"So, babaero pala si Chanyeol?" kinakausap ko sarili ko. "Hays. Di na rin ako magtataka kung pati rin yung mga kaibigan niya ganun rin."

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon