Fifteen

28 5 1
                                    

SONG-YI

DAY 1 - THE FERRY GAMES

Habang tulog pa si Kris ay maaga na akong umalis sa kwarto niya. Perfect timing kasi wala pang gising na mga malisyoso. Kasi sure ako pag nakita ako ng mga so called lovers ni Kris, pagkamalan pang may nangyari sa amin o mas malala pa, nirape ko siya. Tsk.

Pero bago ako umalis, weird mangpakinggan pero tinitigan ko si Kris habang tulog. Paano naman nagising ako sa mga yakap niya. Hm! Bigat ng lalaking 'yun! Ginawa ba naman akong unan. Kaya nahirapan akong itanggal yung mga kamay niya ng biglang hilain niya ako uli para yakapin. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ang gwapo ay este ang angelic ng mukha ni Kris pag tulog. Ilang segundo rin yun at dahan dahan ko namang tinanggal ang mga braso niya sa akin at ipinalit yun sa unan. Buti na lang di ko siya nagising.

Agad naman akong pumunta sa kwarto namin ni Min-Gi. Pagbukas ko ng kwarto, ayun. Sarap ng tulog. Buti na lang di ko siya nagising o hindi, baka kulitin niya ako kung saan ako nanggaling kagabi. 6 am pa lang at magsisimula ang opening program ng bandang 9:30. So may oras pa akong matulog. Inaantok ako. Ikaw ba naman ang tumabi kay Kris na sobrang likot matulog at mahilig pang umagaw ng blanket. Tss. Di ako nakatulog ng maayos kaiisip rin kung paano ako aalis sa kwarto niya. Pero fortunately, naging okay naman ang plano ko. Kaya kailangan ko ring damdamin ang aking pagkalaya. Hahahah. Humiga ako sa sofa ng may makita akong sulat sa coffee table. Siguro galing 'to sa coordinator ng school. Kaya binuksan ko naman at binasa.

Attention all students of EXO high
Pick out your favorite color:
1. Black
2. Pink
3. Green
4. Yellow

If you already picked out your favorite color, a colored shirt awaits inside the dresser. Kindly wear it on the opening program! Thank you.

"Okay." saka ko ibinalik sa coffee table. Di ko namalayan, nakaidlip na pala ako sa sofa.

**********

"Song-yi!"

Hmmmmmm

"Song-yi! Uy! Gising!"

Hmmm. Sino ba yan? Di ko na lang pinansin at natulog ulit.

"Song-yi! Malelate na tayo sa opening program!" sigaw ni Min-Gi.

Huh? Anong opening prog- ay jusmeyo!

Agad akong napabangon at kumuha ng tuwalya. Pagkapasok ko sa cr, tinanong ko kay Min-Gi kung anong oras na.

"Bilisan mo maligo Song-yi! Magsisimila na ang program!"

"Oo na bff. Ay oo nga pala! Tumingin ka sa dresser ng favorite color mo at isuot yun. Kailangan daw yun para sa opening program."

Pagkalipas ng ilang minuto, fresh and presentable na ako habang suot yung t-shirt kaya agad kaming pumunta sa auditorium ng ferry para sa opening program.

Pagkarating namin roon, umupo kami sa likod ng Ghei12. Iyon na lamang ang natitirang upuan since naoccupy na ng iba ang mga ibang upuan. No choice kami ni Min-Gi kundi umupo roon.

Agad namang nagsimula ang program. May lalaking pumunta sa stage. "Ladies and gentlemen, I would like to welcome you to EXO High's Annual ferry trip. Well, this year, may pasabog kami para sa inyo. Hindi ito tulad ng dati na magagawa niyo ang gusto niyo dito sa loob ng ferry. Kasi simula sa araw na ito, magkakaroon tayo ng mga activities which will test your abilities physically, socially, emotionally, mentally and spiritually. So ano guys, are you ready?"
sabi niya. Activities? Ano naman kaya yun? Napasigaw naman lahat ng estudyante na para bang naeexcite talaga sa mga gawain na nakalaan sa amin for one week.

"Guys, the theme for this ferry trip is named THE FERRY GAMES. For this games, we will need 4 teams to compete against each other to win the ultimate prize, which remains as a mystery and will only be predicted until the winner is announced. For 7 days, you go against each other in different competitions. So for now, we will announce which group you belong to and what will be your group represents to."

Ewan ko pero parang natatakot ako sa mangyayari ngayon. Nacucurious kasi ako kung sinong magiging mga kagroup ko. Baka pagtripan nila ako o ano. Huhu. Wag kang praning, Song-yi. Kaya mo 'to. Aja!

"For everyone's information, ang magiging leaders ng each group ay manggagaling sa Ghei12."

Tss. May special treatment talaga yung mga yun eh. Porket andoon yung anak ng may-ari ng eskwelahan.

"So first team leaders will be Suho, Lay and D.O." announce ng emcee.

Siguradong magkakaroon ng peace sa grupo nila. Aba't kilala kaya yung tatlo sa pagiging mahinhin at sobrang bait pero may kaakibat namang kastrictuhan at katakutan. (dahil sa mga mata ni Dyo)

"The second team leaders are Chen, Sehun and Chanyeol."

Sa grupong ito naman, di na nakapagtataka. Magiging kaguluhan ang lahat kapag nagsama-sama sila. Paano naman eh sobrang kulit nila. Not to mention na mahilig silang mangtrip.

"Our third team leaders would be Xiumin, Tao and Kai."

Sa third group na man ay siguradong maghahalo ang kacutean, kamanlihan at kalandian.

"And our last team leaders are Kris, Luhan and Baekhyun."

Halos lumaki yung mata ko sa narinig ko.

Sana di ako matapat sa grupong yon  Paniguradong may mangyayari na di kanais-nais.

"Alam kong excited na kayo guys kung sino at saan ang mga groups niyo. Irefer niyo ang inyong group color sa mga tshirts na sinabo naming isuot niyo."

So ito pala ang rason kung bakit pinagpili kami ng mga color?

"Para sa mga nakasuot ng Green ay pumunta sa Group 2." sabi ng emcee.

Maraming nakagreen ang pumunta kina Chen, Chanyeol at Sehun. Maraming babae ang nakilig at ang mga lalaki naman ay nagfistbump at nagmanlyhug lang. Pati si Min-Gi, sumama sa kanila.

"Para naman sa mga nakaPink, pumunta sa Group 3."

Maghalong excitement at pagkanerbyos ang nararamdaman ko. Di ko alam pero parang sinasabi ng konsenya ko na dun na lang sa Group 1 pumunta. Mas safe doon kasi anghel ang mga leader doon.

"At para naman sa mga naka-black..." iyon na.. Iyon na yung kulay.

"Doon kayo sa group 4."

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon