Twenty two

46 3 1
                                    

SONG-YI

"Song-yi. Where are you?"

"Wag kang mag-alala. Paalis na ako."

"Good. We can't wait any longer," grabe, ang arte nila ah! Kainis.

"Okay fine, sige. Papunta na 'ko dyan."

At in-end call ko. Si Suho 'yun. Tinawagan ako para sabihin konting-konti na daw pasensya nila kakahintay sa akin. Hmmm. Ngayon kasi ang biyahe namin papuntang Japan. Para kay Kris.

Nagpatulong ako kay kuya driver sa mga gamit ko. "Miss, saan kayo pupunta?" tanong niya.

"Ahhh.. ehh. May educational trip kasi kami sa Busan ngayon kuya. Uuwi rin ako pagkatapos ng tatlong araw." Oo na, ako na ang nagsinungaling.

"Ah ganon ba, sige po." sabi niya at inihatid niya ako sa Incheon International Airport.

Pagrating ko 'roon, nakatayo yung ghei12 sa main entrance dala-dala ang kanilang mga maleta.

Ba't ganon?

Grabe nila maka-airport fashion. Nakakainggit. Nakasuot lang kasi ako ng grey na hoodie, black leggings at rubber shoes. TT_TT

Nagpark si kuya driver sa harap ng main entrance at bumaba ako. Agad naman lumapit sa akin si Chanyeol at tinanggal yung shades niya. "Wow, ang rangya ng sasakyan natin ah. Bigay ni Kris yan oh?" Tas napansin niya si kuya driver na kasalukuyang ibinababa yung maleta ko. "Naks, binigyan din ng driver!"

Hinampas ko siya sa braso niya. "Loko ka talaga Chanyeol!"

Tumawa lang siya. "Pero seryoso, sa'yo yan?"

Napansin rin yun ni Chen. Nag-taas lang  siya ng kilay. "Iba na talaga pag may boyfriend na mayaman. Tsk tsk tsk."

"For the first time Chen, ngayon lang ako sumang-ayon sa sinabi mo." singit ni Xiumin tas ngumiti sa akin. Huhuhu. Ang cute cute niya! ;-;

"Ahhh... ano kasi....."

"Ano kasi what?" sabay na sinabi ng tatlo.

"Sasakyan 'yan ng mabait na mayamang kapitbahay namin. Sabi niya, makisabay na lang ako since malapit rin sa airport yung office niya at tsaka driver niya 'yun." sabi ko at mukhang nakumbinsi naman sila.

Kinuha ko naman yung maleta ko. Nagyaya na silang pumasok at sumunod ako ng biglang..

"Miss! Ipapaalam ko na lang po kay Master na umalis kayo!" sigaw ni kuya driver at umalis.

Lumaki yung mata ko pagkarinig ng sigaw niya. Tumingin ako sa ghei12 na tila parang naguguluhan, lalo na si Chanyeol.

"Sasakyan pala ng kapitbahay ah," sabi niya.

"Uhh.......tara...na.. guys?"

Sumingit si Suho sa amin. "Teka. Bago tayo umalis... May dapat ka bang sabihin o aminin sa amin Song-yi?" at tumingin lang lahat sila sa akin.

Sumenyas naman si Suho sa kanila para lumapit sa amin. Pinalibutan lang nila ako. "Wala ka ng kawala." seryoso nilang sabi.

"Sorry pero we need to know more, Song-yi." sabi ni Tao.

"Because when you becometh our friendth," sabi ni Sehun.

"Your personal information goes through our hands," sabi ni Luhan.

"Or a silver card awaits." sabi ni Lay.

"Kakainin ka namin ng buhay, Song-yi. Gagawin ka naming barbeque." pagbibiro ni Chen.

Napatingin naman lahat kami kay Chen at binatukan siya ni D.O. "Panira ka naman Jongdae eh!" tapos bumalik ang tingin sa akin.

Nakakatakot pala sila pag nasobrahan nila ang pagiging seryoso. Huhu. Nag pacute naman ako sa kanila. "Please, spare my life. Di ko pa nasasabi kay Kris na mahal ko siya."

Nagtinginan sila at pinagtawanan ako.

"Sama niyo talaga!" sabi ko at nagpout ako.

"Joke lang. Ikaw naman. Sa gwapong mukhang 'to, nangangain ng tao? Song-yi, please." sabi ni Chen at binatukan siya ni Chanyeol.

"Aba't ako lang ang gwapo Chen! Wag kang kupal!"

"Aray! Kanina pa niyo ako binabatukan ah. Huhuhu. Tama na please! Hindi ko naman kasalanan kung gwapo ako."

Napacross-arms naman si Suho. "Paguusapan na lang ba natin yang mga mukha niyo o si Song-yi?"

Mukhang seryoso siya kaya di na lang nagsalita yung dalawa. Nagpipigil naman ng tawa yung iba.

"Anyways," tumingin ulit sa akin si Suho. "What's the real state of your life, Song-yi?"

Napalunok ako. Aaminin ko na kaya?

"Ganito kasi yun, a-" naputol yung sinabi ko ng naiannounce na yung flight namin.

"All japan passengers, please board now. We're about to take off after 30 minutes. Thank you."

"Goodness gracious. Ginamit na lang sana natin yung private plane ko. Tsk. Song-yi, ituloy mo pagkarating natin sa Japan." sabi ni Suho. Yes! Buti na lang o kundi gulat silang magbiyabiyahe papuntang Japan.

**
Nakapasok na rin kami sa eroplano at ganito sitting arrangement namin.

Suho - Xiumin
Chanyeol - Chen
Luhan - Kai
D.O. - Lay
Ako - Baek
Sehun - Tao

Kung may feelings pa rin ako sa kanya hanggang ngayon, siguro sobrang kinikilig ako.

Oo, naging crush ko siya dahil sa kabaitang ipinakita niya sa akin.

Pero iba na kasi nilalaman ng puso ko.

Siguro mas okay kung maging magkaibigan kami, diba?

"Okay ka lang ba? Pansin ko kanina ka pa lutang dyan," nakangiting tanong niya. Mukhang anghel talaga siya.

Tumingin ako sa kanya. "Okay lang ako. Hehe. May naisip lang." 

"Si Kris siguro yan 'no?"

Ang awkward lang. Di ko kasi naamin sa kanya na nagkacrush ako sa isang Byun Baekhyun.

"Hindi naman. Hehe. Baek, maraming salamat pala." naalala ko kasi yung pagsagip niya sa akin sa ferry. Di pa kasi ako nakapag-thank you eh.

"Para saan?"

"Yung nangyari sa ferry. Utang ko sayo buhay ko."

"Ah hehe. You're welcome. Para mabayaran mo na yang utang mo sa akin," sabi niya. "Friends na tayo ah?"

"Sige ba." tapos nag-shake hands kaming dalawa. "Ay oo nga pala, may gusto sana akong itanong sayo."

Kumunot naman yung noo niya. "Ano 'yun?"

"Kayo.. kayo ba ni unni Jessica?"

Ngumiti ulit siya. Ay tama na please, maiinlove na ako sa'yo. Haha. Joke. "Hindi at alam kong mahirap ring mangyari 'yun,"

"Ha? Bakit?" pangungulit ko.

"Nagpakasal na siya eh." tapos napatingin lang siya sa airplane window.

"Oh? Saan at kailan? Hala, di ko nakita sa fansite niya yun!" sorry, umiiral ang pagiging SONE ko.

Inaalis niya ang tingin sa window at tumingin sa akin. Tumawa siya ng bahagya. "Sa Paris siya nagpakasal.. kay Tyler Kwon."

Nalungkot naman ako para sa kanya. Akala ko sila pero hindi pala. Grabe, nagselos pa nga ako kay unni Sica. Sobrang sweet kasi ni Baekhyun sa kanya.

"Sana, makatagpo rin ako ng babaeng katulad mo, Song-yi." tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Nagulat naman ako. "Siguro, pag meron si Kris ngayon, baka nabugbog niya ako dahil magkalapit tayo. Kung alam ko nga eh, nagseselos siya sa closeness natin." tumawa kaming dalawa at binitawan niya yung kamay ko. Sabi na nga ba't lagi siyang nagseselos pag magkasama si Baekhyun. Nakakamiss yung mga panahon na 'yun.

Tinapik ko yung balikat niya. "Wag kang mag-alala Baek, darating rin 'yun. Tiwala lang. Andito naman kami na mga kaibigan mo para damayan ka. Arasso?"

"Arasso." at nag-ngitian kaming dalawa.

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon