Twenty six

17 2 1
                                    

SONG-YI

Hating gabi na at hindi pa rin ako makatulog matapos ang masasakit na nangyari kanina. Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap lang ay natapon ang kung ano mang meron sa amin.

Natakot naman ang G12 sa akin dahil kung ano pa daw ang gawin ko sa sarili ko kaya pinabantay nila ako kay Baekhyun at D.O. Kasalukuyang natutulog si Baek sa sahig habang si D.O. ay sa couch.

Tumayo ako sa bed dahil hindi ko maipikit ang mata ko dahil baka maisip ko nanaman siya. Maiiyak nanaman ako. Masasaktan.

Lumapit ako sa malaking window ng room. Napacross-arms ako at sinuri kong mabuti ang tanawin sa labas. Kahit naman anong gawin ko, naiisip ko pa rin siya.

Napaluha naman ulit ako. "Kaya mo 'to," bulong ko na lang sa sarili ko.

Babalik na sana ako sa bed nang napansin kong nagising si Baek. "Oh ba't gising ka pa? May gusto ka ba? Ako na lang kukuha para sayo,"

"Ah wala naman. Hindi kasi ako makatulog eh."

"Ah. Naalala mo nanaman yung nangyari kanina?" tanong niya.

"Uh. Oo." matipid kong sagot. Yumuko lang ako na umupo sa bed.
Nakiupo siya at hinawakan kamay ko. "Sometimes life is filled with challenges but these challenges helps us strengthen our mind, heart and soul. Kaya, wag kang mawalan ng pag-asa."

Nginitian ko siya. "Salamat. Ganyan rin ba ang ginawa mong pagmomove-on kay unni Sica?"

Hindi niya agad sinagot ang tanong ko. Ngumiti lang siya. "Oo, kasi alam ko na hindi kami talaga para sa isa't-isa eh." Tama nga naman siya pero sana di kami matulad ni Kris. Hay, umaasa ka nanaman Song-yi.

"Ano bang nangyari talaga sa inyo?"
Nagkaroon ng kaunting oras ng katahimikan. "Maniwala ka man sa hindi pero sinundan ko si Jessica sa Paris dahil miss na miss ko na siya. Hindi ko alam kung nasaan siya kaya hinanap ko siya sa mga sulok ng Paris. Pero sa isang lugar ko siya nakita, nakawedding gown, kasama ang lalaking magmamahal sa kanya ng habangbuhay."

Niyakap ko lang siya at hindi na ako nagsalita pa. Ramdam ko yung sakit, sakit na gustong gumising sa pusong umiibig. Di ko namalayan, umiiyak na pala ako.

"Shhh. Tahan na. Di mo naman ako kailangang kaawaan eh. Nakaya ko yun, alam kong makakaya mo rin kung anong problema ang hinaharap niyo ni Kris. Wag ka ring mahiya na magbukas ng problema sa akin ah? Diba friends na tayo kaya lagi ako nasa tabi mo. Tandaan mo yan." sabi niya sakin habang hinahaplos yung likod ko.

Pagkatapos ng eksenang yun, nakatulog na akong kayakap ang unan.

**********
"Song-yi, kain ka na para makapamasyal tayo. Pali!!" sabi ni D.O. Natatawa lang ako sa mga pinagagawa nila para maging masaya ako pero in fairness, sobrang naappreciate ko talaga.

Ngumiti lang ako at nagsimulang kumain. Nasa isang cafe kami ngayon. Ayaw kasi nila sa restaurant ng hotel na tinutuluyan namin kasi meron si Kris. Kahit di nila sabihin kung bakit dito kami kumain, nasesense ko na ayaw nilang makita siya.

Walang imik kami habang kumakain. Nakakapanibago. Buti na lang kaharap ko si Chen at medyo natatawa ako pag tumitingin ako sa kanya.

Nahagip niya yatang pinagtatawanan ko siya. "Huy song-yi, anong nakakatawa sa mukha ko ha?"

"Wala wala." sagot ko habang nagpipigil ng tawa.

"Weh? Napopogi-an ka lang sa'kin eh! Sige ka, baka maging crush mo rin ako." pagbibiro niya tapos binigyan niya ako ng wink.

Natawa naman si Chanyeol na nasa tabi ko. "Asa ka pang gwapo ka, ulol.

"Op op op! Anong ikaw yeol? Isa ka pa! Sa akin lang ang trono ko!" sabat ni Kai.

Napacross arms lang si Chen. "Kahit anong sabihin niyong mga gago kayo, ako pa rin ang pinakagwapo!"

Ang hilig talaga nilang magbangayan kong sinong pinakagwapo at pinakamatinik sa kanila. Di ko naman sila masisisi kasi gwapo naman talaga. Talented pa.

Inawat na ni Suho sina Chen. "Uy guys. Tama na. We're eat-" Inilabas ni Suho ang iPhone niya dahil mukhang may tumatawag. "Hello? Yes, it's me. Yes, we're still here. Oh really? Okay. We'll be there." tapos iend call niya.

"Sino yun?" tanong ni Xiumin.

"Uhm.. kase.."

Ako naman sumunod na nagtanong. "Uhm kase ano?"


"Invited daw tayo sa engagement party ni Kris. Mamayang gabi. Ipapakilala na daw sila sa publiko."

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon