Five

70 7 0
                                    

SONG-YI

"IKAW!?" Sigaw ko sa kanya.. eh sino pa nga ba, edi si Wu Fan. "Sobrang malas ko talaga ngayon oh!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at lumapit lang siya sa akin. Natatakot ako kasi ang sama ng tingin. Kakain niya kaya ako? Huwag naman po sana Lord! Help me!

Sobrang lapit niya sa akin, parang 1 inch na lang yung gap ng mga mukha namin. "I know... you like me." bulong niya.

*Processing*

"ANO!? HAHAHAAHHAHAAHAHAHA." tumawa ako ng malakas. Itinulak ko siya papalayo. Gusto ko daw siya? Wth. "Grabe, ang feeling mo ha!" sabi ko.

Hindi siya sumagot at tumingin lang sa akin ng masama. Baka pinapatay na niya ako sa utak niya.

"Inayusan at pinaganda kita gamit ng pera ko. Ok lang kung umamin kang nafafall ka sa akin. Tatanggapin naman kita eh." sabi niya. Feeling naman pala itong si Wu Fan eh! Grabe saksakan talaga siya ng yabang!!!!!!!

"Pinaayos mo ako? Gamit ito?" Itinanggal ko yung necklace at kung ano ano pang ipinasuot nila sa akin kanina na kumikinang. "Hindi ko kailangan ng pera mo upang magpaganda. Sapat na yung kagandahang asal na meron ako. At bakit? Masaya ba ang taong mga nasa paligid mo dahil nabibili mo sila gamit ng pera mo? Ibahin mo ako Wu Fan, mahirap man ako pero hinding-hindi ako nanlilimos. At magkakagusto lang ako sa isang tao na sincere. Hindi yung nakadepende lang sa mga bagay na meron sa kanya." sabi ko. Tinanggal ko rin yung heels.

"Ibabalik mo ba yan?" sabi niya at tumingin sa dress na suot ko. Tatanggalin ko sana pero.. "Teka.. maghuhubad na ako ah. ASAN YUNG UNIFORM KO!? BAG!?" sigaw ko. Eh wala akong masusuot pag hinubad ko to.

Tinawag niya yung butler niya. May maid naman na ibinigay sa akin yung uniform ko. At bago pa ako umalis, nilapitan ko siya.. Natigilan naman siya.. "Maraming namamatay... sa maling akala." bulong ko sa kanya. At tuluyang umalis ako sa mansyon niya.. ng walang sapatos.

Lumabas ako at tumingin ako sa gate nila. "Napakabwisit mo talaga Wu Fan!!!!!!!!!" sigaw ko. Paano ba yan! Nakapaa-paa akong babalik sa EXO High. Wala akong nagawa kundi maglakad na lang.. pero may lalaking nakamotorsiklo na tumigil sa harapan ko. Si Baekhyun..

Tinanggal niya yung helmet niya. No facial expression. "Ba't ka nakapaa-paa? Galing ka ba sa bahay ni Kris?" Sino ba pinagsasabi niya.

"Sino si.. Kris?" tanong ko.

"Ah.. si Kris.. Nickname yun ni Wu Fan." sabi niya at nagchuckle siya. Ang cute pala niya. Hehehhehe. Malandi!

"Oh. Ba't andito ka rin?" Tanong ko. Pero imbes na sagutin iyon, may kinuha siya mula sa kanyang motor at ibinigay iyon sa akin. Isang pair ng white rubber shoes. Hindi na akong nagdalawang isip pa at tinanggap ko yun.

"Aalamin ko sana kung bakit absent si Kris. Wala kasi siya buong araw eh." Sabi niya. Paano hindi aabsent yun eh kinidnap ako ng bodyguards niya at pinaayusan niya ako upang tanungin lang sa akin kung may gusto daw ako sa kanya.

"Oh. Sige. Babalik ka na ba sa school? Sabay na tayo." offer ni Baek at ibinigay sa akin ang isang helmet. Umoo naman ako.

Habang nasa daan kami, napaisip ako. Paano kaya kung.. uhh... mafall ako kay Baekhyun? What I mean eh, gwapo siya, charming, mabait... concern. Pero baka concern rin lang siya sa iba.. Hala, baka akala mo ikaw lang siya concern?Tumigil ka konsensiya! Simula nung sinagip niya ako kanina, nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Akala ko arrogante siya.. puro ako akala! Basta ang alam ko, si Baekhyun na yata ang knight in shining armor ko..

Huminto kami dahil umilaw yung color Red sa spotlight. Tumingin muna ako sa kanan at andoon yung billboard ni Jessica Jung. Oo, isa siyang Girls Generation member. Ang ganda niya talaga. Nakakainlove. Fashion designer rin siya pero despite na isa na siyang designer, singer pa rin siya at hindi niya kayang iwan ang members niya. Isa rin siyang ambassador ng Nature para sa Korea. Grabe, ang eco-friendly din pala niya!

(A/N: NAMIMISS KO PO KASI SI JESSICA KAYA SINABI KO ANG BAGAY NA YAN NA ALAM KUNG HINDI RIN MANGYAYARI SA REALIDAD :|)

Napansin kong tumingin rin si Baekhyun pero ibinalik rin niya ito sa daan. Idol niya rin siguro..

O mas may malalim pa?

Hay ewan.

******

Bumalik kami sa EXO High at buong hapon naging okay naman ang klase ko. Kaya lang may nga nakatitig sa akin. Hindi ko pa natanggal yung pinahid nila sa mukha ko at kulot parin yung dulo ng aking buhok. May narinig pa akong "social climber" sa likuran ko.

Uuwi na sana ako ng may nakabangga sa akin. Nahulog ko yung nga bitbit kung libro. Tinulungan naman niya ako at pinulot niya yung libro.. Nakangiti siyang ibinigay sa akin. Teka, familiar siya ah.. ay! Si Luhan 'to. Ang kinis ng balat eh. "I'm sorry miss!" at tsaka nagbow siya.

"Oh. Okay lang.. salamat pala ha." sabi ko.

"Huh? Salamat saan? Sa pagbungo ko sayo? Weird ka pala."

"Ah. Hindi yun. Dahil sa pagtulong mong pulutin ang mga libro ko." sabi ko. Isa rin ito, mukhang mabait pero tinawag niya akong weird. -.-

"Ah wala yun. Ako pala si Luhan, you are?" ioffer naman niya yung kamay niya.

"Ako si Song-yi." at nakipagkamay ako sa kanya.

"So from now on, friends na tayo ah?" sabi niya. Natulala ako. Kaibigan agad?

"Ah..eh.. sige ba." nauutal kong sabi. Grabe, nakakahiya kaya. Pero okay na rin yun atleast nadagdagan ako ng isang friend. Hehehe.

"Sige Song-yi. Bye!" sabi niya at nagwave ng bye.

Totoo ba 'to? Nagkaroon ako ng isang friend mula sa Ghei 12? 

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon