Twenty five

17 2 1
                                    

XIUMIN

Inutos sa amin ni Suho na sundan namin si Luhan. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang siya magalit dahil sa mga salitang sinabi ni Kris kay Song-yi. Di ko na lang yung binigyang pansin.

Nakita namin si Kris papalakad. Agad namang tumakbo si Luhan kaya tumakbo na din kami kasi kung anong magawa pa nilang dalawa pero nahuli na kami. Sinuntok bigla ni Luhan si Kris sa mukha at natumba pa siya. Gulat na gulat ang mukha ni Kris pero imbes na gantihan, ngumiti lang siya ng nakakaloko. "So alam niyo na?"

"Napakagago mo talaga pare! Ang tanga mo! Bakit mo siya sinaktan? Di mo ba alam kung gaano niya gustong pumunta dito para aminin sayo yung totoo?" sigaw ni Luhan habang nanginginig sa galit. Iba talaga magalit si Lulu, parang volcano.

Blanko lang mukha ni Kris. "Wala akong pakialam. Basta't labas na siya sa buhay ko bago mangyari pa ang hindi inaasahan,"

"Bobo ka pala eh. Pinakawalan mo na lang ng ganung ganun lang? Idiot!"

"Ano bang problema mo Luhan?!" agad namang tumayo si Kris.

"May gusto ako kay Song-yi! Hindi mo ba alam na masakit kapag nakikita ko siya umiiyak ng ganun? Kris, labis ang pagmamahal niya sayo! Swerte mo nga kasi ikaw yun. Pinagarap kong ako yun kasi type ko siya. Maganda siya, matapang at palaban. Pero pagdating sayo, nagiging malambing siya. Tanga mo talagang gago ka eh, masaya siya sa piling mo! Kaya kung ako sayo, pumunta ka dun at humingi ng tawad sa kanya bago ka mahuli ang lahat at tuluyang maagaw ko siya sayo." sabi ni Luhan at itinuro ang kung saan kwarto ni Song-yi.

Agad namang tumakbo si Kris papunta dun. Sana maliwanagan na siya.

**********
SONG-YI

Nakayakap kami ni Baekhyun ng may bumukas sa pinto. Napatingin kaming dalawa nang makita naming si Kris na sobrang galit ang mukha.

Agad siyang lumapit kay Baek at hinila ang damit nito at sinuntok. Sinuntok rin pabalik si Baek pero bigla akong tumakbo para awatin sila. "Tama na yan!!! Hoy!!! Tumigil kayo!" sigaw ko. Tumigil naman sila. "Hindi kayo nakakatulong eh!"

Hinawakan ko sa dumudugong pisngi ni Baekhyun at pinunasan yun gamit ng towel.

Dahil sa ginawa ko, binato ni Kris yung flower vase sa sahig. "Sinabi ko lang na hindi na kita mahal pero mukhang nakahanap ka agad ng iba, ganyan ka ba talaga ka-".

Kusang gumalaw kamay ko at sinampal siya ng malakas.

"Ganun na lang ba tingin mo sa akin? Malandi? Ang sakit mong magsalita! Oo, sana si Baek na lang ang minahal ko at hindi sa tulad mong walang puso! Kaya pwede ba, umalis ka na!" di ko napigilan ang damdamin ko. Sumosobra na siya. Akala niya sa kanya na lang umiiral ang mundo pero hindi.

"Ugh!" sigaw niya. Umalis siya at padabog na isinara ang pinto.

Pumatak nanaman ang mga luha ko. Bakit ba ganun si Kris? Ang hirap niyang intindihin! Ano bang nangyayari sa kanya? May nakain kaya siyang mali? Bakit madali sa kanyang paalisin ako sa buhay niya?

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon