Twenty three

18 2 0
                                    

SONG-YI

Makalipas ng ilang oras, nakalapag na kami sa Japan. Isa isa kaming bumaba sa eroplano at nagtungo sa conveyer belt para kunin ang mga luggage. Napansin ko rin na maraming matang nakatingin sa amin at pinagkukuhanan pa ng mga pictures ng mga babaeng may malalaking camera. Don't tell me fans nila mga 'to?

Pagkakuha ko sa maleta ko, agad kong hinawakan yung balikat ni Chen. "Uy, ba't ang raming kumukuha ng mga litrato sa atin?"

"Anong sa'tin? Kami lang 'no- Aray!" agad ko siyang pinalo sa braso. "Ang sakit nun ah. Nabawasan tuloy pogi points ko," dagdag niya.

"Sumagot ka kasi ng maayos!"

"O sige na nga, sasabihin ko na." agad naman siyang lumapit sa tenga ko at tila mukhang may ibubulong. "Sa totoo lang, di ko alam. Pogi kasi talaga kaming G12 eh."

Natawa lang talaga ako kay Chen. Grabe talaga, galing niyang magpatawa. Siguro kung wala siya sa grupo, hindi magiging happy at exciting ang G12.

Umupo muna kami saglit sa mga benches at hinintay yung limo na susundo sa amin dito.

Si Suho, kanina pa nagtetelebabad sa iPhone 15 niya.

Si Baekhyun, nakaidlip naman habang nakaheadphones.

Si Tao, nakikipagchikahan kay Sehun. Mukhang seryoso ang kanilang usapan.

Si Chen naman, ayun biniktima si D.O. kaya nagbabangayan sila ngayon.

Si Chanyeol naman, kasama si Kai. Nagdudubsmash ng Twerk It Like Miley. Grabe!

Si Luhan at Xiumin naman, kumakain ng chicken sandwich.

Habang si Lay, nawawala. Ewan ko kung bakit di nagpapanic ang mga 'to eh.

Tumingin lang ako sa likod namin na may malaking window na tanaw ang mga eroplano. Naiisip ko nanaman siya. Kamusta na kaya siya? Mabuti kaya kalagayan niya? Kumakain kaya siya? Makikita ko ba siya? Totoo kaya ang engagement niya?

Song-yi, tama na 'yan. Wag mag-isip ng kung ano-ano. Magkikita kayo ni Kris. Sasabihin mo na mahal mo siya. Sobra.

May tumigil sa guni-guni ko. Si Baekhyun. "Tara na Song-yi, alis na tayo," saka niya inoffer ang kamay niya para itulak ang aking maleta.

*********

Nakarating na rin kami sa hotel. Sobra akong namangha sa kalakihan ng hotel. May 60 floors siya at sa loob nito ay sobrang lawak at puno ng mga engrandeng disenyo. Siguro sagot nanaman ni Suho 'to. Nakakagulat talaga siya kahit ang liit niya. Sabi nga nila, 'Small but terrible.'

Pagpasok namin, may isang party ang nagaganap. Mukhang party ng mayayaman dahil halos lahat sila ay nakasuot ng suit at gowns. Naglakad kami papunta sa elevator ng may nakita akong parang pamilyar na tao.

Shit.

Si Kris.

Nakasuot siya ng gray na suit. Ang gwapo niya, kahit kailan.

May kausap siyang lalaki at tila seryoso ang kanilang pinaguusapan. Sophistikado ang ayos niya ngayon. Malayong-malayo sa Kris na nakilala ko. Mayabang at monster.

Napansin ni Suho na tila tumigil ako sa paglalakad. "May problema ba?"

"Ah.. Wala naman." at yumuko ako.
Tumingin naman siya sa party at nakita ang nakita ko. "Ah. Nakita mo na pala siya."

"Ha? Alam mo na andito siya?"

"Oo." ngiting sagot niya. "Kaya nga dito ako nagpabook dahil alam ko na makikita natin siya dito. Para magkita na rin kayo at magusap."

Natouch ako sa sinabi niya. Ang bait talaga ni Suho.

Di ko namalayan, nakasakay na pala kami ng elevator papunta sa 50th floor.

*********

"So, ano kakain natin guys? Gutom na ang aking tummy." pangungulit ni Xiumin. Lumabas kami upang kumain ng hapunan. Napagisipan namin na pumunta sa night market nila at doon maghanap ng makakain. Naglakad na lang kami since ilang metro lang naman ang layo nito sa hotel. Nakapink floral dress lang ako at white flats habang sila, bongga parin ang mga pananamit. Kahit basahan pa yata ang suot nila, kaya pa rin nilang idala.

Pagkatapos ng ilang oras ng paghahanap, nagsettle rin kami sa isang bbq restaurant na may classy style. Mahal siguro dito. Okay lang, libre naman ng G12. Haha. Joke.

Nang makaupo na kami, naisipan ko munang lumabas kaya magpapaalam ako sa kanila. "Guys, magpapahangin lang ako saglit,"

Imbes na mag-oo sila, pinagtripan nanaman ako ni Chen. "Magpapahangin? Eh may aircon naman dito ah?"

Napatawa lang yung ibang miyembro except D.O. Binatukan lang niya si Chen at pinagalitan. Nagnod lang sa akin si Suho as a sign of yes.

Lumabas ako dahil gusto kong makalimot muna sa problema. Umagaw sa aking atensyon ay yung mga magagandang ilaw. Pinikit ko mga mata ko at huminga lamang ng malalim. Binuksan ko ulit at tumingin sa itaas. Iniisip din kaya niya ako? Hay ewan. Basta ang alam ko, maraming stars ngayon. Nag-wish ako na sana mag-usap na tayo. Na maayos na lahat sa atin.

Babalik na sana ako ng may nakabunggo sa akin na babae at nabuhusan pa ako ng inumin niya. Grabe, puti pa naman damit ko. :(

"Watch where you're going. Geez, such an idiot." sabi niya habang nakacross arms.

Di ko na lang siya pinansin at kinusot-kusot na lang yung damit ko. Ayaw kong makipagbangayan ngayon. Aalis na lang sana ako nang bigla niya akong hinila. " Hey, you can't turn your back on me. Say your sorry."

Agad kong tinanggal yung kamay niya sa braso ko. "Ba't ako yung magsosorry kung ikaw nakabangga sa'kin?" tinarayan ko siya. Aba't sumosobra na 'tong babaeng 'to kaya di ko na napigilan.

"Ha ha ha." sabi niya at nagclap pa. "What a nice joke. Don't you know who I am?"

"You? Don't know and don't care." sabi ko habang tumalikod sa kanya at naglakad ng mabilis pabalik ng resto.

Buti na lang at walang kamalay-malay sina Suho. Pero dapat ko bang kilalanin talaga yung babae kanina?

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon