One

95 6 0
                                    

SONG-YI.

"Isang dalagita, iniligtas ang isang estudyante ng EXO High mula sa kamatayan."

"Kang Song-yi, the modern superwoman."

"Mga executives ng EXO High, kukunin si Kang Song-yi bilang scholar sa nasabing paaralan."

Halos lahat yan ang sinasabi sa mga news. Kaya pinatay ko na lang ang TV at tinulungang mag-ayos ng mga upuan. Andito ako ngayon sa part time job ko sa isang ramyun shop. Kahit may dry cleaning kami, gusto ko pa ring tulungan ang magulang ko para may pangtustos kami sa araw-araw. 

"Grabe Song-yi, ang sikat mo na. Pa-picture nga oh." biro sa akin ni Jae-Kyung, ang manager namin. 

"Tsk. Hindi pa nga nagpasalamat sa akin yung lalaking sinagip ko eh. Dapat hinayaan ko na lang siya mamatay." bigla kong pinapalo-palo ulo ko. Ang tanga tanga ko talaga. Ba't di ko naisip yun nang mas maaga?

"Hahaha. O sige na, Song-yi pakibasura naman 'to sa labas. Salamat!" utos niya at kinuha ko yung garbage bag.

Paglabas ko, maraming reporters ang lumapit sa akin at pinagkukuhanan ako ng picture at video. Di pa sila nakuntento. Tsk! 

Binaba ko yung hawak kong garbage bag sa gilid at cinoveran ang mukha ko gamit ng braso ko. Ang sakit kaya nang mga flashes ng camera nila, di matapos-matapos ang pagkukuha nila ng litrato. 

"Song-yi! Ba't mo pala tinulungan yung lalaki?" tanong ni Reporter 1.

"Ano pala nararamdaman mo at tinagurian ka ng Modern Superwoman?" Reporter 2.

"Tatanggapin mo ba yung binigay ng EXO High sa iyong scholarship?" Reporter 3.

Napayuko lamang ako at sinasabing 'Hindi hindi' na ako lang rin nakakarinig kasi pilit parin nila akong tinatanong. Biglang lumabas si Jae-Kyung at Min Gi, ang best friend ko. Hinila nila ako sa loob ng shop at nilock nila ang pintuan para di sila makapasok. Patuloy lang sila katok ng katok, mukha ngang sisirain nila yung pintuan eh.

"Song-yi, umuwi ka na muna. Kami na bahala dito." sabi sa akin ni Min Gi at tinuro na lumabas ako sa back door. 

Wala na akong magagawa kundi sumunod. Binilisan kong sumakay sa bike at nagtungo sa bahay.

*******

ANOUNYMOUS

"Nahanap mo na ba si Kang Song-yi?" tanong ng matandang babae sa head security nito.

"Opo madam. Nalaman ko rin po na nakatira siya sa xxxxx." sagot naman niya.

"Mabuti kung ganon. Sige, kailangan na nating pumunta sa bahay niya." sabi naman ng babae at tumayo.

"Madam, bakit niyo po siya bibigyan ng scholarship?" biglang tanong ng lalaki.

"Kung di dahil sa kanya, makakapatay sana yung anak ko.." naglakad lang palabas ng office ang babae at sumunod naman ang lalaki sa kanya.

********

SONG-YI

Nakarating na rin ako sa tapat ng building kung saan kami nakatira. Bago ako tuluyang pumasok sa bahay namin, may nakita akong mamahaling sapatos sa harap ng pinto. Agad akong pumasok para makita ang nagmamay-ari ng sapatos, isang matandang babae at may kasamang lalaki.

"Oh mahal kong anak na Song-yi, andito ka na. Halika, papakilala ka namin sa bisita natin." tuwang sabi sa akin ni Mama. "Umupo ka rito."

"Song-yi, meet Mrs. Wu Hye-sun. Ang CEO ng SM group." pakilala nila sa matandang babae. "Ang kasama naman niya ay si Mr.Lee Bong-wo, ang head of securities ni Mrs. Wu." 

"Pero bakit po sila andito?" tanong ko.

"Uhm. Ms. Kang Song-yi, dahil sa kabutihan na ginawa mo sa isa sa estudyante ng EXO High, binibigyan ka namin ng scholarship para makapag-aral doon ng high school. Sagot lahat ni Mrs. Wu ang mga school fees niyo since siya po ang may-ari ng paaralan." sagot ni Mr. Lee. Nakangiti lang sa amin si Mrs. Wu.

"Aba'y tatanggapin namin ang offer niyo Mrs. Wu! Diba Song-yi?" sabi ni Mama pero sumenyas akong huwag. Bigla siyang bumulong sa akin. "Anak, para sa kinabukasan mo 'to. Kailangan mo itong tanggapin."

Makalipas ng ilang minuto, nakaalis na rin si Mrs. Wu at Mr. Lee. Nagbigay sila ng isang uniform ng EXO High para daw may magamit ako. Dahil excited sina Mama at Papa, pinasuot nila sa akin yung uniform. Grabe ang ikli naman ng palda nito! 

"Hay! At last, may isa sa ating mga anak ang mag-aaral sa EXO High." sabi ni Papa.

"Oo nga honey, kaya ikaw Song-yi, mag-aral ka ng mabuti para di ka matanggalan ng scholarship." paalala ni Mama. 

"Tss. Oo na po Mama." pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Huminga lang ako ng malalim. Itutulog ko na lang para bukas marami akong energy pagpasok sa EXO High na yan.

Sana nga hindi maging masama ang unang araw ko dun. TT_TT

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon