Twelve

33 5 0
                                    

SONG-YI

"Ba't sinabi mo 'yon Kris?! Di naman tayo ah. Halos maihi na ako kanina. Nakakaloka. Akala ko sasabihin nilang ayaw nila ako. Grabe lang talaga. Grabe!!" sabi ko kay Kris at tumatawa lang siya. Sarap hampasin eh! Paano naman kasi sinabing girlfriend daw ako. Huhuhu.

Nasa sasakyan niya kami ngayon para naihatid ako. Aba't dapat lang na ihatid niya ako kasi in the first place, siya ang nagforce sa akin na sumama.

Pero, seryoso naging close ko yung mga kapatid niya. Nagtawanan lang kami at nagkwentuhan. Ang gaan ng loob ko sa kanila. Baka kailangan ko pa ng ibang mga kaibigan bukod kina Min-Gi at Eun-sang.

"Wifeu, don't worry. Botong-boto sila sayo! Besides, you're going to be mine, right?" sabi ni Kris. Ito nanaman yung mga banat niya eh! Nakalabas pa gilagid niya. Huhu.

Buti na lang nakarating na kami sa bahay. "Mine mo yang mukha mo. Che!" sigaw ko at binuksan ko na yung pinto ng sasakyan at lumabas. Tumawa lang siya ng malakas.

"Sige na. Good night wifeu. See you on Monday!" sabi niya tas nagflying kiss siya. Di ko sinalo. Sigurado ka? Oh konsenya, long time no presence. Oo. Siguradong-sigurado ako, di ako mafafall sa lalaking yun. Kahit sandamakmak pang ipakain na pizza, NEVER!!

*********

Monday

Wala kaming pasok ngayon dahil sa ferry trip. Andito ako sa noodle shop para magmorning shift kasama si Min-Gi since aalis kami mamayang hapon.

Di nagtagal natapos yung shift at sinamahan ko si Min-Gi sa kanila para magempake. Pagkatapos, ako naman. Nakarating ako sa bahay ng may malaking kahon sa labas ng pintuan. May nakasulat na "To: Kang Song-yi" doon. Sa akin pala. Buti na lang wala sina Mama at Papa dahil may ibang racket bukod sa laundry.

"Kanino naman galing yan?" tanong ni Min-Gi. Nasa loob na kami ng bahay at tinutulungan niya akong mag-ayos ng gamit.

"Ewan ko. Bubuksan ko na lang." sabi ko at agad binuksan ang kahon.

Agad bumungad sa akin ang isang wonder woman na costume. May letter na nakasilid sa tabi nito kaya binuksan ko.

Hi Song-yi! We're very sorry sa ginawa namin sayo noon. We are deeply, truly sorry. As a sign of peace, binilhan ka na namin ng costume mo para sa unang party sa ferry mamaya. Its theme kasi eh costume party kaya we bought you a wonder woman costume. Anyways, I hoped you liked it!

- Seulgi, Irene and Wendy 
(Powerpuff Girls x)

Iyon pala ang mga pangalan nila.. Pero teka, paano nila alam kung saan ako nakatira?

Pinakita ko kay Min-Gi yung letter.

"Costume party?" tanong niya.

"Oo daw eh. Ang arte naman talaga nila."

"Di ko alam Song-yi ah pero bakit costume party? Eh diba formal theme lahat ang mga parties sa ferry? Diba sabi mo rin sa akin sila yung mga babae na nangapi sayo noon? Di kaya niloloko ka lang nila?"

May point si Min-Gi. Baka niloloko nanaman nila ako. Hmm. Type na type kasi nila si Kris eh.

"Eh ano ng susuotin natin mamaya?"

Ngumiti lang siya ng nakakaloko at bigla niya akong hinila palabas ng bahay.

Gheis over FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon