Ibuhos sa alak

80 0 2
                                    


Ibuhos sa alak

Continuation

"Time of death, 3:54am."

Hi-hindi. Para akong nabingi sa narinig ko. Alam mo yung pakiramdam na naiiyak ka pero walang tumutulo na luha? Ganun yung pakiramdam ko. Parang gumuho ang pangarap ko. Parang kahapon lang magkasama kami. Magkayakap. Sana pala hindi ko na sya pinayagan umalis, sana pala hindi ko na sya pinayagan umattend sa party ng barkada nya. Sana pala sinamahan ko sya.

"Drake!" Sigaw ko at tinakbo ang katawan ng mahal ko.

"Miss kaano ano mo sya?" Sabi ng doctor.

"Miss sino ka? Kaibigan ka ba ng anak ko?" Sabi ng isang lalaki na kamuka ni Drake.

"Girlfriend po ako ni Drake." Sabi ko habang tinitignan ang muka ni Drake.

"Bakit hindi mo ginawa ang lahat para mabuhay sya?!" Sigaw ko sa doctor at kinwelyohan ito.

"miss! Bitawan mo ako! Agaw buhay si Drake kaya 50/50 sya kung mabubuhay o hindi! Hindi mo ba alam na 10 wheeler na truck ang binangga nya?!" Sigaw ng doctor sakin.

"Huminahon ka iha, tara na muna sa labas dahil kung mag tatanggal tayo dito ay mas lalo lang tayong masasaktan." Sabi ng tatay ni Drake at pinigilan ako sa pagsugod sa doctor.

Lumabas muna kaming tatlo kasama ang isang lalaki na kasama ng tatay nya.

"I-i didnt know, hindi ko alam na ganito ang sasapitin ng anak ko." Sabi ng tatay nya na halos mautal utal sa sinapit.

Ako naman iyak lang ng iyak sa gilid. Hanggang ngayon kasi hindi nag sisink in sa utak ko ang nangyari, parang panaginip lang.

"Hindi, hindi pa patay si Drake." Sabi ko.

"Iha wala na tayong magagawa" sabi nung isang lalaki.

"Mark, tama na. Sa lalong madaling panahon dapat maiburol natin si Drake para hindi na tayo masaktan pa." Sabi ng tatay ni Drake.

"Ba-bakit? Bakit nyo mamadaliin ang burol ni Drake? Mawalang galang na po pero hindi ba't anak mo sya? Dapat sulitin mo ang oras na makita sya kahit alam mong wala na sya!" Sabi ko sa tatay nya.

"Pasensya na iha pero ito ang mabilis na paraan para hindi na tayo masaktan pa." Sabi ng tatay nito.

"Masaktan pa?! Sinong niloloko mo?! Kahit madaliin mo ang burol o hindi masasaktan at masasaktan ka lang kasi nag mahal ka lang naman! Kung hindi mo sya mahal hindi ka masasaktan!" Sabi ko sakanya.

"Mahal mo talaga ang anak ko ano?" Sabi ng tatay ni Drake.

"Sobra" sabi ko dito at niyakap na lang ako ng tatay ni Drake.

Ng makarinig ako ng mga yabag ng mga taong tumatakbo.

"Tito si Drake?!" Sabi ng isang lalaki tapos yung isa naman eh niyakap ako.

"Lee? Ivan? Pa paanong?" Tanong ko.

Tumakbo agad si Ivan at si Lee papunta sa kwarto ni Drake.

"Hindi!!" Sigaw ni Ivan.

"Tarantado ka talaga Drake! Ang sabi walang iwanan pero ikaw yung nang iwan!" Sabi naman ni Lee habang galit na galit na pinag susuntok ang pader.

Maya maya lang ay isang pulis ang sumundo sakin dahil ang sasakyan ko daw ay nakasira ng property kaya sumama ako sandali sa mga ito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Huling araw na ng burol ni Drake. Huling oras ko na din sya makikita at makakasama." Sabi ko habang pinag mamasdan ang mahal ko na nakahiga sa isang kabaong.

That girl is WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon