Kung gaano kabilis ang oo, ganun din kabilis ang hiwalayan

52 0 0
                                    

Third person's POV

ng makarating na sila sa tutuluyan nila ay agad namang itinuro ng matanda ang tutulugan ng dalawa.

"Oh iha , iho dyan muna kayo sa bakanteng kwarto matulog. Oh sya pupuntahan ko lang si Felipe sa kabilang kwarto maiwan ko muna kayo riyan" sabi ng matanda saka umalis. Naiwan naman ang dalawa na tinitignan ang single bed sa kwarto.

"Ako matutulog dyan" sabay nilang sabi. "Sinabi nang!" Sabay ulit nilang sabi at nag unahan sa kama.

"Ako dito!" Sigaw nilang dalawa sa isat isa habang nag tutulukan kung sinong malalaglag sa kama.

Dahil hindi napansin ni Lee na tinulak sya ni Yce gamit ang paa ay mahuhulog na ito ng mahawakan nya ang braso ng dalaga kaya parehas silang na hulog.

BLAG!

"Aray!" Parang alingaw ngaw na sabi ng dalawa. "Ikaw kasi eh" sabay pa ding sabi nila habang nakapatong si BGY sa binata kaya naman nakarinig sila ng tawanan sa may pinto.

Napatingin sila kung saan nanggaling ang mga tawanan at Nandun ang dalawang matanda na nanunuod sa kalokohan nilang dalawa.

Agad namang tumayo si BGY at si Lee para mawala ang ka awkwardan pati ang kahihiyan nilang dalawa ni Yce.

"Alam mo iha para ka ng kasintahan kong si Linda, ganyang ganyan kami. Teka san nga ba nag punta yung babaeng yun?" Sabi ng matanda matapos tumawa at napakamot sa ulo.

Nag taka naman ang dalawa dahil si Lola Linda ay katabi lang ng matandang felipe pero bigla nilang naalala na may sakit nga pala ito.

"Lola" sambit ng dalawa sa matanda dahil nararamdaman nila ang lungkot na nadarama ng matanda pero ngumiti lang ito at sinundan ang asawa na si felipe.

"Ikaw kasi eh" sabay nanamang sabi nila. Napabuntong hininga ang dalawa at napag pasyahang mag tabi na lang sa single bed.

"May unan tayo" sabi ni Yce at nilagay ang unan sa gitna nila.

Ginaya naman ng lalaki si Yce kaya naman na bwiset ang babae at nag walk out papuntang banyo.

Ang lalaki naman ay nag palit na ng pantulog dahil gabi na din saka nahiga at pumikit na para matulog.

Makalipas ang ilang minuto ay Bumalik naman si Yce na bagong ligo at bihis na. Napatingin naman ito sa natutulog na Lee dahil medyo nakaawang ang bibig at mukang mahuhulog pa sa pusisyon ng pag tulog nya kaya naman napangiti si Yce at yumuko ito at pinag madan ang muka ng lalaki habang hinawi ang buhok na nakaharang sa muka nito.

" kahit kelan talaga Lee, napaka carefree mo, Pasalamat ka talaga buddy kita"

Nahiga ito sa tabi ng binata at tinanggal ang unan at hinalikan ang pisngi saka umayos ng higa at natulog ng nakangiti.

dako ay ngumiti naman ang lalaki dahil sa ginawa ng dalaga.

"Salamat buddy" bulong nya at hinalikan naman ang dalaga sa noo at niyakap. Hindi naman nag react ang mahimbing na natutulog na Yce.

-------------

Nakatulala ang dalawa ng iwan ito nina lola linda at lolo felipe sa syodad ng Santorini. Tila walang nag sasalita sa dalawa at nakaramdam ng gutom si Yce kaya naman pumunta ito sa katapat na restaurant para kumain ng agahan dahil hindi na sila nakapag agahan sapagkat tanghali na sila nagising.

Flashback:

Mahimbing na natutulog ang dalawa ng magkayakap at nagulat na napatayo ang dalawa dahil kinalembang ni lolo felipe ang kampana sa pinto nila.

That girl is WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon